top of page

Tagalog Reading Materials

1. NABAUTISMUHAN BA ANG MGA TAGASUNOD NI JESUSCRISTO?

Oo, tunay nga na ang mga taga-sunod ni Jesus ay nabautismuhan. Bakit? Dahil ito ay utos niya na kanilang gawin. Isa ito sa mga pinakamahahalagang utos na ibinigay nya sa kanila. Ang bautismo ay paraan ng pagpapakita ng mga mananampalataya na sila naniniwala kay Jesus at sa kaniyang turo. Lahat ng mga bagong nagbagong-loob ay naging miyembro ng espesyal na grupo, ang mga disipulo ni Jesus. Sila ay nangaral at nagturo tungkol sa salita ng Dios at umaasa sa muling pagbabalik ni Jesucristo sa lupa.

Naiisip mo ba kung ang isang tao ay natanggap bilang isang sundalo, at tumangging sumunod sa mga utos ng pinuno ng hukbo? Si Jesucristo na Pinuno ng Kristiano ay nagsabi, “Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.” (John 14:15). Sinabi rin niya na “Ang sumasampalataya (sa evangelio – ang mabuting balita ng kanyang katuruan) at mabautismuhanay maliligtas” (Mark 16:16). Kung gusto nating tanggapin ni Jesus, kinakailangan nating sundin at tanggapin ang mga salita niya.

Ang bautismo ay isang utos ni Jesucristo na nakapagliligtas ng buhay. Ito ay pinaniwalaan ni Felipe. Siya ay nangaral sa Samaria nang matagumpay, kaya’t “nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae” (Acts 8:12). Ang mensahe ng pananampalataya, kasunod ng bautismo, ay ang puso (sentro) ng Bagong Tipan.

2. ANO BA ANG SINASABI NG BIBLIA TUNGKOL SA BAUTISMO?

Sa ngayon, marami sa mga simbahan ang nagwiwisik sa ulo ng mga sanggol at tinatawag nila itong Bautismo (binyag). Ito ay hindi bautismo ayon sa Biblia. Kapag ang Biblia ang nagsasalita tungkol sa bautismo, ang tinutukoy nito ay mga kababaihan at kalalakihan na nasa tamang edad na, na may kakayahang gumawa ng sariling desisyon upang sumunod sa Panginoong Jesus at magkusang magpabutismo. At sila ay ganap inilubog sa tubig. Ito ang tunay na bautismo sa Biblia.

Isang magandang halimbawa na makapagpapatunay dito ay matatagpuan sa Acts 8. Nakipag-usap si Filipe sa isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan, at “ipinangaral sa kaniya si Jesus.” (v. 35). Walang duda na habang sila’y nag-uusap ay may dala silang kani-kanilang tubig para sa kanilang paglalakbay. Napakadali sanang gawin ni Filipe ang pagwiwisik ng tubig sa ulo ng bating para isagawa ng Bautismo, pero hindi niya ito ginawa. Ngunit ang bating na naniwala sa mga salita ni Felipe tungkol kay Jesus ay hindi nabautismuhan hanggang “nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?” (Acts 8:36) “At sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.  At nang magsiahon sila sa tubig … ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa“ (Acts 8:38, 39).

Pansinin na sila ay “kapwa lumusong” at “umahon sa tubig”. Ang bating ay isang maygulang ng tao na naniwala sa ipinangaral ni Filipe sa kaniya tungkol kay Jesus. Siya ay ganap na nilubog sa tubig.

3. ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG BAUTISMO?

Bakit kailangan nating ganap na matakpan ng tubig sa ating bautismo? Pinili ng ating Panginoong Dios ang paglubog sa tubig dahil ito ay isang makapangyarihang paraan upang ipakita na ang ating kasalanan ay kailangang mapatawad. Nauunawaan ng mga mananampalataya na kailangan nilang mailigtas mula sa kasalanan at nangangailangan ng awa ng Dios. Sila ay lulubog sa tubig dahil sa bautismo, at “mamatay” sa lumang paraan ng pamumuhay. Sila ay aahon sa tubig tungo sa bagong buhay. Sa bautismo, kinikilala ng mga mananampalataya ang kamatayan ni Jesucristo, na siyang namatay para sa atin.

Tulad ng pagkabuhay ni Jesus sa mga patay, sila rin ay bubuhayin mula sa tubig ng bautismo, upang “tayo'y makalalakad sa panibagong buhay” (Romans 6:4). Ngayon, ang mga mananampalataya ay mga anak na ng Dios, at nais nilang masiyahan ang Dios. Kung gagawin nila ito, sila ay bibigyan ng gatimpala ng buhay na walang hanggan. Ito ay matutupad sa muling pagbabalik ni Jesus para mamahala sa buong mundo (Luke 1:32, 33). Hindi na nakakagulat kung itinuring ni Jesus ang bautismo na napakahalaga.

4. BAKIT KAILANGAN KONG MAGPABAUTISMO?

Kailangan mong magpabautsmo dahil, tulad ng ibang tao, ikaw ay mamamatay. Ating natanggap ang kabayaran ng kasalanan. Sinabi ni Pablo, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Romans 6:23). Kung wala ang Dios, ang kamatayan ang huling hantungan.

Maraming tao ang ayaw pagusapan ang mga mahahalagang bagay na hindi naaayon sa gusto nila. Isa nga dito ay ang kamatayan, ngunit kailangan nating harapin ito. Ang magandang balita ay ang Dios ay nagalok sa atin ng buhay na walang hanggan, ngunit ayon sa kanyang takda. Ito ay makatarungan, dahil Siya ang nagbibigay buhay. Sinabi ni Pedro sa atin sa Act 2 at 3 na kailangan natin ng limang hakbang sa kaligtasan. Ito ay ang mga sumusunod:

a) Manampalataya kay Jesus at sa kaniyang mensahe.

b) Magsisi (magbago ng pagiisip, mapagtanto na kailangan natin ang Dios at ang Kaniyang kapatawaran)

c) Magbagong-loob (Lumakad nang naayon sa kagustuhan ng Dios)

d) Sundin si Jesus sa paglilinis ng kasalanan sa pamamagitan ng Bautismo

e) Magpatuloy nang tapat sa pagawa ng kagustuhan ng Dios. (Acts 2:27-42; 3:18-21)

Tinutupad lagi ng Dios ang kanyang mga pangako. Hindi Niya tayo pababayaan. Gaya ng sinabi ni Jesus, “hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama” (John 10:29).

5. BAKIT KAILANGAN KONG SUNDIN ANG UTOS NG DIOS?

Ang Biblia ay nagsasabi sa atin, mula Genesis hanggang Revelation, na ang Dios ay seryoso. Ang pagsunod sa Dios ay nagbubunga ng buhay, at ang hindi pagsunod ay nagbubunga ng kamatayan. Seryoso ang Dios sa lahat ng Kaniyang sinasabi.

Nangaral si Noe sa mga masasamang tao sa kanyang panahon (Genesis 6). May pagpipilian sila: ang maniwala sa mensahe ni Noe, magsisi at maligtas, o wag pansinin at mapahamak. Hindi nila ito pinansin at sila’y napahamak. Hindi nagbago ang isip ng Dios. May pinagpilian din si Noe: ang gumawa ng arko at maligtas, o tanggihan ang salita ng Dios. “Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya” (Genesis 6:22). NaIligtas si Noe dahil siya ay sumunod sa Dios. Kung ating ipagwawalang-bahala ang malinaw na utos ng Dios na magpabautismo, ay ating pinipili ang kamatayan sa halip na buhay.

Ang taga bantay ng bilanguan ay nagtanong kay Pablo at Silas, “Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Acts 16:30). Ang sagot: “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.” Sumunod siya at nabautismuhan.

Ang ating Panginoong Jesus mismo, bagaman walang kasalanan ay nagpabautismo. Sinabi niya: “sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” (Matthew 3:15). Tayo na makasalanan, atin bang ipagwawalang-bahala ang bautismo gayong si Jesus ay hindi? Kailangan natin sundin ang kanyang halimbawa sa lahat ng bagay.

6. ANO ANG KAILANGAN KONG GAWIN NGAYON UPANG MAKAMTAN ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA KAHARIAN NG DIOS?

Upang matamasa ang buhay na walang hanggan, kailangan sundin at gawin ang limang hakbang sa kaligtasan; bawat isa sa mga ito. Nakatala sa Acts 10 ang tungkol kay Cornelio, na nagpapakita na ang paggawa lamang ng mabuti nang hindi nagpapabautismo ay hindi sapat. Inutusan ni Pedro si Cornelio na “magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo” (v. 48).

Ang Bautismo ay simula ng bagong buhay na magdadala sa atin sa tunay na kaligayahan. Ito’y magbibigay sa atin ng bagong layunin sa buhay sa walang katiyakan na mundo. Ang Dios ng Kapayapaan ang magbibigay ng kapayapaan sa’yo.

Handa ka bang sundin ang utos ng ating Panginoong Jesus para manampalataya at magpabautismo? Anong pagpapala ang naghihintay sa iyo! Pagpakakalooban ka ng Dios ng buhay na walang hanggan sa muling pagbabalik ni Jesus para itatag ang Kaharian.

“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Romans 6:23)

Bautismo

ANG KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NITO

CBM

Button

Oo, tunay nga na ang mga taga-sunod ni Jesus ay nabautismuhan. Bakit? Dahil ito ay utos niya na kanilang gawin. Isa ito sa mga pinakamahahalagang utos na ibinigay nya sa kanila.

1. BAKIT ANG PANANAW NI JESUCRISTO TUNGKOL SA BUHAY PAGKATAPOS NG KAMATAYAN AY NAPAKAHALAGA?

Maraming pinuno ang mundo. Ang ilan ay polotikal at ang iba ay sa relihiyon. Sa lahat ng magagaling na pinuno, si Jesucristo lamang ang nabuhay mula sa mga patay. Daan-daang mga tao ang nakakita sa kanya pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na mag-uli (1 Corinto 15: 3-8). Ginagawa nitong natatangi si Jesus. Dahil naranasan niya ang buhay pagkatapos ng kamatayan, siya ang pinakamahusay na magsasabi sa atin tungkol dito. Kung tayo ay matalino, makikinig tayo sa kanyang sasabihin.

2. ANO ANG PAG-ASA SA BIBLIYA PARA SA BUHAY SA HINAHARAP?

Isang sundalo ang nanalangin bago ang isang labanan: "O Diyos, kung mayroong isang Diyos, iligtas mo ang aking kaluluwa, kung mayroon akong kaluluwa." Napakalungkot na maaaring siya ay malapit nang mamatay pero wala siyang alam tungkol sa buhay sa hinaharap. Gayunpaman maraming mga tao ngayon ang katulad ng sundalong iyon. Hindi nila alam kung ano ang aasahan kapag namatay sila.

Ang pag-asa sa Bibliya ay nakasentro sa tatlong dakilang katotohanan:

(a) Ang pagbabalik ni Cristo mula sa langit

(b) Ang pagkabuhay na muli ng mga patay; at

(c) Ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos sa sanlibutan ng Kanyang Anak na si Jesucristo.

Si Jesus mismo ang nagsasaad ng tatlong dakilang katotohanan na ito nang sabihin niya, " Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian” (Mateo 25:31); at “Sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, at magsisilabas” (Juan 5:28, 29).

Ang pag-alam tungkol sa pag-asang ito ay makakatulong sa atin na maunawaan kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

3. KAILAN MAKAKASAMA NG MGA PINILI SI JESUCRISTO?

Nilinaw ito ni Jesus sa atin. Sabi niya, “Ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa”(Mateo 16:27). Pansinin ang pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan:

(a) Si Jesus ay darating sa kaluwalhatian, at pagkatapos ...

(b) Siya ay magbibigay-gantimpala.

Una sa lahat darating siya, at pagkatapos ay magbibigay gantimpala. Dahil si Jesus ay hindi pa bumalik sa sanlibutan, wala pa siyang maaaring nagantimpalaang kahit kanino. Sabi din niya, “gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap” (Lucas 14:14). Dahil ang pagkabuhay na maguli ay hindi pa naganap, wala pang maaaring gantimpalaan.

Ang pagbabalik ni Jesus sa sanlibutan, ang muling pagkabuhay ng mga patay at ang gantimpala ng buhay na walang hanggan sa mga tapat na tagasunod, lahat ay nasa hinaharap pa rin.

4. ANO ANG “MULING PAGKABUHAY NG PATAY”?

Binanggit ni Jesus si "Abraham, at Isaac, at Jacob" na nasa Kaharian ng Diyos. Samakatuwid, kapag ang mga patay ay nabuhay na muli, makikilala sila bilang mga tao. Magkakaroon sila ng mga katawan, tulad ng ginawa kay Jesus nang binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay. Matapos ang kanyang pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay nakikita at nahahawakan (Juan 21:27). Hindi siya isang espiritung walang katawan. Ang pangako ni Apostol Pablo ay si Jesus "na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian” (Filipos 3:21. Kaya tulad din ni Jesus, ang mga nabigyan ng buhay na walang hanggan ay magkakaroon ng katawang walang kamatayan.

Ang pagkabuhay na muli ng mga patay ay magaganap kapag bumalik si Jesus upang itatag ang Kaharian ng Diyos sa sanlibutan. Sinabi sa atin ni Pablo: " Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin … si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito” (1 Corinto 15:22, 23).

Hanggang sa araw na iyon, para sa mga namatay, ang kamatayan ay tulad ng pagtulog (1 Corinto 15:51; Mga Awit 6: 5). Ang sandali ng kanilang paggising ay ang muling pagkabuhay. Ang oras ay walang kabuluhan sa libingan.

Ang pag-asa sa Bibliya ng pagkabuhay na mag-uli ay mahusay na ipinahayag ni Marta noong una. Sa pagsasalita tungkol sa kanyang kapatid na si Lazaro, sinabi niya, “Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw” (Juan 11:24).

5. ANO ANG “PAGHUHUKOM”?

Ang Bibliya ay naglilinaw ng isang bagay mula sa simula. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan alinman upang pumili ng Kaniyang pamamaraan o tanggihan ito. Sinabi Niya sa atin kung ano ang mangyayari kung (a) paglilingkuran natin Siya, o (b) tanggihan natin Siya.

Ang mga taong nakakaalam tungkol sa Diyos, at samakatuwid ay masagot sa Kanya, “lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo” (2 Corinto 5:10). Sa mga naglingkod sa kanya, sasabihin ni Jesus, “Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan” (Mateo 25:34). Sa mga “hindi nagsisitalima sa katotohanan” (Roma 2:8) hindi sila mapupunta sa kaharian ng Diyos.

Kinumpirma ni Jesus ang mga katuruang ito. Sinabi niya na ang mga "nagsigawa ng mabuti" ay mabibiyayaan ng "pagkabuhay na maguli sa buhay", at ang mga "nagsigawa ng masama" ay magdurusa "sa pagkabuhay na maguli sa paghatol" (Juan 5:29).

6. ANO ANG SINASABI NG BIBLIYA TUNGKOL SA “WALANG KAMATAYANG KALULUWA”?

Walang sinabi ang Bibliya tungkol sa "mga walang kamatayang kaluluwa". Oo, tama, wala talaga. Bagaman mayroong "imortalidad" at "kaluluwa," ang mga salitang "walang kamatayang kaluluwa ay hindi kailanman lumitaw na magkasama saanman sa Bibliya.

Ang salitang "kaluluwa" (Hebrew, nephesh sa Lumang Tipan, at Greek psuche sa Bagong Tipan) ay tumutukoy sa:

(a) Buhay; halimbawa, 1 Samuel 22:23: “Siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay”, at

(b) Isang nabubuhay (tao o hayop): halimbawa, Genesis 46:18: “Ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao (AV, mga kaluluwa).

Ginagamit ng mga marino ang salitang "kaluluwa" sa parehong paraan. Kapag nasa panganib sila sa dagat, nagpapadala sila ng isang "SOS" signal. Nangangahulugan ito ng "Save Our Souls". Ito ay isang sigaw para sa tulong, humihiling sa sinuman na iligtas ang kanilang natural na buhay.

Sa Bibliya, nalalaman natin na ang isang kaluluwa (Nephesh, tao) ay maaaring:

(a) Humipo (Leviticus 5:2)

(b) Kumain (Leviticus 7:20)

(c) Magkasala (Leviticus 5:15)

(d) Mamatay (Josue 11:11; Ezekiel 18:4)

Ang ideya na ang mga tao ay may mga walang kamatayang kaluluwa ay nagmula sa mga pilosopong Griyego. Ang ideya na ito ay hindi tama. Hindi ito sinusuportahan ng Bibliya. Laging itinuturo ni Jesus na siya ay paparito mula sa langit, hindi tayo pupunta sa kanya.

7. PAANO NAGKAKATUGMA ANG MGA KAGANAPAN SA HINAHARAP?

Maaari nating ibuod ang katuruan ng Bibliya tungkol sa hinaharap na tulad nito:

(a) Kapag namatay tayo, simpleng patay lang tayo, walang kaalaman sa anuman. Ito ay tulad ng isang mahabang pagtulog, hanggang sa –

(b) Si Jesucristo ay bumalik sa sanlibutan, upang

(c) Bangunin ang mga patay, at

(d) Hatulan ang responsableng buhay at patay, pagkatapos, sa wakas ay

(e) Itatag ang Kaharian ng Diyos sa lupa.

Sinabi ni Daniel sa atin: “Marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak” (Daniel 12:2).

Saang pangkat ka? Mayroon ka bang karunungan na sundin si Jesus ngayon? Kung gagawin mo ito, mabubuhay ka magpakailan man kasama niya kapag dumating siya sa kaluwalhatian upang itatag ang Kaharian ng Diyos.

Oo, may buhay pagkatapos ng kamatayan. Nawa ang kagila-gilalas na pangakong ito ay hawakan ang iyong puso, at hikayatin kang maglingkod sa Diyos ngayon, sapagkat, “silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man” (Daniel 12:3).

Buhay Pagkatapos ng Kamatayan

ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

CBM

Button

Maraming pinuno ang mundo. Ang ilan ay polotikal at ang iba ay sa relihiyon. Sa lahat ng magagaling na pinuno, si Jesucristo lamang ang nabuhay mula sa mga patay.

1. ANO ANG TUNGKULIN NG ISANG MANANAMPALATAYA SA KANYANG BANSA?

Itinuturo ng Bibliya na hangga't maaari, tungkulin ng bawat mananampalataya na sumunod sa mga mahistrado, gobyerno at kalalakihan at kababaihan na may awtoridad. Ang mga sumusunod kay Jesucristo ay dapat sumubok na sundin ang kanyang halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas ng bansa kung saan sila nakatira. Nangangahulugan ito ng pagkilos na naaayon sa batas, pagbabayad ng buwis kahit na hindi sang-ayon dito, at pagiging mabubuting mamamayan na may konsensya.

“Kaya't ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios”. “Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan”. “Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin”.

Basahin ang Mateo 22:16-21; Roma 13:1-9; Tito 3:1-2.

2. DAPAT BANG SUMUWAY ANG ISANG KRISTIYANO SA AWTORIDAD?

Mayroon lamang isang pagbubukod sa patakaran ng pagsunod at iyon ay kapag ang mga batas ng tao ay sumasalungat sa mga batas ng Diyos. Sa kasong iyon dapat unahin ng mananampalataya ang Diyos.

Ito ay sapagkat kapag ang mga tao ay nabautismuhan kay Jesucristo, ibinibigay nila ang kanilang katapatan sa kanya. Ang mga naniniwala ay nangako na maglilingkod sa Diyos at samakatuwid ay hindi sila maaaring magbigay ng hindi nakalaang paglilingkod sa iba.

Inilalarawan ng Bibliya ang mga mananampalataya bilang "estranghero” at "mga manlalakbay". Iyon ay upang sabihin, hindi sila kabilang sa anumang bansa sa mundong ito, kundi sa Panginoong Jesucristo. Kung, samakatuwid, sinabi ng awtoridad na ang isang tao ay dapat makipaglaban, itatali ng mananampalataya ang kanyang katapatan kay Jesucristo para tumanggi.

“Kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan”. “Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya”. “Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon”. “Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas”. “Sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa”.

Basahin ang Juan 15:19 at 17:14-16; 2 Corinto 6:14-18 at 7:12; Filipos 3:20; Hebreo 11:13-14 at 13:14.

3. BAKIT NAKIPAGLABAN ANG BAYAN NG DIYOS NANG PANAHON NG LUMANG TIPAN?

Sa Lumang Tipan ang bayan ng Israel ay madalas na nakikipagdigma laban sa ibang mga bayan. Ginawa nila ito sapagkat sinabi sa kanila ng Diyos na gawin ito. Inutusan ng Diyos ang Israel na lumaban sa ilang mga okasyon para sa isang espesyal na dahilan na hindi na nararapat ngayon.

Ang buong mundo ay pag-aari ng Diyos. Ang mga bansa ay hindi sumasamba sa Diyos sa paraang dapat at hindi iginagalang ang Kanyang mga batas. Ang dahilan kung bakit nakikipaglaban ang Israel ng Bibliya at ginagamit sila ng Diyos upang bawiin ang ilan sa lupa para sa Kanya. Inutusan Niya ang Israel na sirain ang mga bansang masasama at tinulungan Niya sila sa gawaing ito. Dapat silang magtatag ng isang kaharian kung saan ang Diyos ay maluluwalhati.

Nabigo ang Israel sa gawaing ito. Sila rin ay naging suwail sa Diyos at masasama. Kapag ang Panginoong Jesucristo ay bumalik sa lupa, lalabanan niya ang mga bansa upang matanggal ang lahat ng kasamaan. Maaari niyang hilingin sa mga mananampalataya na tulungan siya. Kung gayon magiging tama para sa kanila na gawin ito. Si Jesus ay hindi mabibigo sa gawaing ito. Pansamantala, gayunpaman, mali para sa kanyang mga tagasunod na masangkot sa pakikipaglaban sa anumang uri.

“Ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay”. ”Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka”.

Basahin ang Mateo 26:52 at Juan 18:36.

4. ANO ANG ITINURO NI JESUS TUNGKOL SA PANANALAKAY?

Itinuro ni Jesus na mali ang labanan ang kasamaan sa pamamagitan ng karahasan. Ang kanyang batas sa Sermon on the Mount ay nagsasabi na hindi tayo dapat manindigan para sa ating sariling mga karapatan o manlaban kung may nagkamali sa atin. Sinabi niya na sa halip ay manalangin tayo para sa mga nasabing tao at laging subukang gumawa ng mabuti.

Dito, si Jesus ang perpektong halimbawa. Pinayagan niya ang sarili na siya ay arestuhin, hamakin at kutyain, bugbugin at ipako sa krus, kahit na siya ay walang kasalanan at hindi karapat-dapat sa anumang ganitong pagtrato.

“Mapapalad ang maaamo”. “Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao”. “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig”. “si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya … Na, nang siya'y alipustain ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid”.

Basahin ang Mateo 5:5-7, 38-48; at 1 Pedro 2:19-24.

5. TAMA BANG LABANAN ANG ISANG BANAL NA DIGMAAN?

Hindi. Lahat ng mga bansang nakikidigma ay naniniwala na tamang gawin nila ito. Pakiramdam ng ilan ay nasa tabi nila ang Diyos. Ang iba ay naniniwala na mayroon silang makatarungang dahilan para sa laban. Dahil ang mga kalalakihan at kababaihan ay tao, hindi nila nakikita ang mga bagay sa pananaw ng Diyos. Maaaring pakiramdam nila, tama sila, ngunit sa paningin ng Diyos maaaring mali sila. Walang anumang "makatarungang" dahilan para sa digmaan sa ating panahon at walang banal sa paningin ng Diyos sa ngayon.

Ang nag-iisang pakikidigma sa kasalukuyang panahon kung saan tama para sa mananampalataya na makisali ay ang digmaan laban sa kanyang sariling mga pagnanasang makasalanan. Ito ay isang espirituwal na pakikidigma na dapat nating lahat na labanan sa loob ng ating sarili. Dito dapat tayong lahat na makipaglaban sa loob ng ating sarili. Sa ganitong paraan, hinahangad nating maging mas maging katulad ng ating Panginoon, si Jesucristo.

“Hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman. Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman”. “Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo”.

Basahin ang 2 Corinto 10:3-5; at Efeso 6:12-17.

6. ANO ANG MANGYAYARI KUNG ANG BAWAT TAO SA BANSA AY TUMANGGING MAKIPAGLABAN?

Minsan nagtatanong ang mga tao kung ano ang mangyayari kung ang bawat tao ay magkaroon ng ganitong ugali at tumangging makipag-away. Kung gayon magagawang sirain ng mga masasamang bansa ang iba, at sakupin ang mundo. Ito ay hindi isang makatuwirang tanong, Kung ang bawat tao sa isang bansa ay talagang tinanggap ang salita ng Diyos at nagtiwala sa Kanya, ipagtatanggol Niya ang bansang iyon upang hindi sila masira. Hangga’t hindi pa bumabalik si Jesus sa mundo, gayunpaman, hindi magkakaroon ng isang bansa kung saan ang bawat isa ay tunay na naniniwala sa Diyos at tumangging lumaban para sa kadahilanang iyon.

7. ANO ANG DAPAT GAWIN NG ISANG MANANAMPALATAYA KUNG TATAWAGIN SIYA UPANG LUMABAN?

Siguraduhin na naiintindihan at pinaniniwalaan mo ang mga alituntunin upang magparehistro sa mga awtoridad bilang isang "conscientious objector", isang tao na, sa batayan ng budhi, tumangging makipag-away o mapailalim sa mga utos ng militar. Kung gagawin mo ito maaari kang payagan na tulungan ang iyong bansa sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang ospital o sa agrikultura. Sa ibang mga bansa ang pribilehiyong ito ay hindi kinikilala at ang mga mananampalataya ay maaaring ikulong sa bilangguan o bugbugin at patayin.

Pinakamainam na subukan at magparehistro, at kung maaari ay ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit hindi ka makikilahok sa anumang marahas na aktibidad o trabaho sa ilalim ng utos ng militar. Mahalagang matiyak na ang iyong buhay ay naaayon sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo. Samakatuwid dapat nakatuon ka sa paglilingkod ng Diyos at sa iyong pinakamalapit na ecclesia at hindi dapat magkaroon ng trabaho na nagsasangkot ang karahasan.

Dapat Bang Makipaglaban ang Isang Kristiyano?

PAGTUTURO SA BIBLIYA TUNGKOL SA DIGMAAN AT PANANALAKAY

CBM

Button

Itinuturo ng Bibliya na hangga't maaari, tungkulin ng bawat mananampalataya na sumunod sa mga mahistrado, gobyerno at kalalakihan at kababaihan na may awtoridad.

1. BAKIT ANG JERUSALEM ANG MAGIGING WALANG HANGGANG KABISERA NG MUNDO SA HINAHARAP?

Bakit ang Jerusalem, hindi ang London, Beijing, New York, Roma o Moscow? Sinasagot ng Bibliya ang katanungang ito. Si Jesucristo mismo ang nagsabi, “Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios; kahit ang lupa, sapagka't siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't siyang bayan ng dakilang Hari” (Mateo 5:34-35).

Walang 'dakilang hari' ang naghahari sa Jeruslaem nang sinabi ni Jesus ang mga salitang iyon. Sinakop ng mga Romano ang mga Hudyo, si Poncio Pilato ang Gobernador ng Roma, at si Herodes (hindi isang Hudyo) ay isang papet na hari. Mas masahol pa ang darating para sa Jerusalem. Ginawa ito ni Jesus na malungkot, ngunit tumpak na propesiya, “pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na … at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil” (Lucas 21:20, 24).

Noong AD 30, matapos matagal na palibutan ng isang Romanong hukbo ang lungsod at isang milyong mga Hudyo ang namatay sa pagkubkob, ang Jerusalem ay bumagsak. Walang hari ang nagligtas sa mga tao o sa lungsod. Mula sa araw na iyon hanggang sa kanya, walang hari ng mga Hudyo ang namuno sa Jerusalem. Sa paglipas ng mga siglo, ang mga digmaan ay naganap doon, ang mga mananakop ay dumating at nawala. Naghari ang paghihirap at kamatayan. Napakalungkot, para sa Jerusalem ay nangangahulugang 'Lungsod ng Kapayapaan'.

Ngunit, pagkalipas ng 1900 taon ng pagiging malayo sa kanilang lupain, sampu-sampung libong mga Hudyo ang bumalik sa Palestina noong 1940’s. Ang Estado ng Israel ay itinatag noong 1948, at noong 1967 ang Jerusalem ay ibinalik sa mga kamay ng mga Hudyo. Mula noon, ang mga digmaan at pagtatalo sa pagitan ng mga Hudyo at Arabo ay pumipigil sa anumang pangmatagalang kapayapaan, at wala pa ring hari na namamahala sa Jerusalem ngayon. Hindi tayo dapat magulat dito. Dahil sa pagsuway ng Israel, anim na raang taon bago ang kapanganakan ni Jesus, nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang propetang si Ezekiel (21:26, 27) Sinabi niya ang tungkol sa hari sa Jerusalem nang panahong iyon: "Alisin mo ang putong … Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya.” Kaya't walang hari ang maghahari hanggang sa dumating ang tama - ang hari ng Diyos.

Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay hindi mali nang sinabi niya na "Ang Jerusalem ay lungsod ng dakilang hari". Siya ay gumagawa ng isang propesiya. Nakikita niya ang malayong hinaharap. Malayo pa, na kahit sa panahon natin ngayon, ito ay hinaharap pa rin.

Maraming mga hari, reyna at republika sa sanlibutan, Gayunpaman, ang plano ng Diyos para sa sanlibutan ay magkaroon lamang ng isang kaharian at isang hari, Mga siglo bago isinilang si Jesus, sinabi mismo ng Diyos kay Daniel, "ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man … at yao'y lalagi magpakailan man” (Daniel 2:44).

Ang kaharian ng Diyos, na may kabiserang Jerusalem, ay pupuno sa sanlibutan. Pinili niya ang isang hari na dapat “magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat … hanggang sa mga wakas ng lupa. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya (Mga Awit 72:8-11).

2. SINO ANG MAGIGING HARI SA JERUSALEM?

Pinili ng Diyos ang kanyang anak na si Jesucristo upang maging hari sa Jerusalem. Bakit? Sapagkat si Jesus ang nag-iisang perpekto at walang kasalananang tao na nabuhay kailanman. Binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay at siya ay buhay magpakailanman. Dahil dito, ang sanlibutan ay hindi na kailanman mangangailangan pa ng ibang hari.

Si Jesus ay mayroong lahat ng mga personal na katangian na kailangan ng isang dakilang hari. Tulad ng propesiya tungkol sa kanya, mayroon siyang "karunungan at ng kaunawaan … payo at ng katibayan … kaalaman at ng takot sa Panginoon (Isaias 11:2). Si Jesus ay hahatol nang may “katuwiran” (v4). Ito lang ang kailangan ng mundo. Siya ang pinakamahusay na kwalipikadong hari. “Karapatdapatang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala” (Apocalipsis 5:12).

Ang “Kaharian ng Diyos” ay isang pangkaraniwang parirala sa Bibliya. Alam natin ngayon na magsisimula ito kung kailan "suguin ng Ditos ang Cristo" sa sanlibutan (Mga Gawa 3: 20-21). Nangako ang Diyos na “inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion” at Kanyang sinabi kay Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari”. (Mga Awit 2:6-8).

Si Jesus, "ang Prinsipe ng Kapayapaan" ay "magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa", mula sa Jerusalem "ang Lungsod ng Kapayapaan". Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos, "Humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo” (Zacarias 9:9-10).

Panghawakan ang katotohanang ito: Si Jesucristo ay babalik sa lupa upang maging Hari ng Sanlibutan.

3. PAANO AKO MAKIKIBAHAGI SA HINAHARAP NA KAHARIAN NG DIYOS?

Ang bawat isa sa atin ay may dalawang hinaharap. Paanong nangyari to? Ang unang hinaharap ay may kinalaman sa mga araw, marahil buwan at taon, na hinaharap sa ating natural na buhay. Ang pinaniniwalaan natin, at kung paano tayo gumugugol ng oras ngayon, ang tutukoy sa ating higit na pinakamahalagang walang hanggang hinaharap. Ang hinaharap na iyon ay maaaring maging walang hanggang kasiyahan sa Kaharian ng Diyos, o walang hanggang kamatayan. Ang desisyon ay sa atin, at dapat nating gawin ito sa lalong madaling panahon. Kung ikukumpara sa kawalang-hanggan, ang ating natural na buhay ay napakaliit talaga. Wala tayong mahabang panahon upang magpasya.

Si Jesus ay babalik sa lupa upang mamuno bilang hari sa Jerusalem. Maghahari siya sa mga natural na tao ng Israel. Ang kanyang kaharian ay lalaganap pagkatapos sa buong mundo. Siya ang magiging tanging hari sa buong sanlibutan, at maghahari sa lahat. Magkakaroon siya ng mga espesyal na “katulong” na magtuturo sa sanlibutan ng tungkol sa Diyos at sa Kanyang hangarin. Ang mga katulong na ito, ang kanyang "mga banal", ay mabibigyan ng buhay na walang hanggan sa Paghuhukom. Ang Paghuhukom na ito ay gaganapin kapag si Jesus ay bumalik na sa sanlibutan (mangyaring basahin ang katulad na babasahin sa seryeng ito, ang "Muling Pagkabuhay at Paghuhukom").

Hindi bibigyan ni Jesus ng buhay na walang hanggan ang lahat pagdating niya. Ibibigay niya lamang ito sa mga naniniwala sa salita ng Diyos, ang Bibliya, at sumusunod sa mga aral nito. Ito ay nagsasangkot ng pag-unawa na tayo ay makasalanan, naghahanap ng kapatawaran ng Diyos, tumatanggap kay Jesus bilang ating tagapagligtas, nagpabautismo "kay Cristo", at sinusunod ang mga utos ng Diyos.

Kung ipagkakatiwala natin ang ating sarili sa buhay na ito ng paglilingkod, kung gayon sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, bibigyan Niya tayo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo, ang ating dakilang tagapagligtas at hari (Mateo 16:27).

Ang kaloob ng buhay na walang hanggan ay ang pinakadakilang biyayang inialok. Isipin ang kagalakan ng pamumuhay kasama si Jesus at ang lahat ng kanyang mga banal magpakailanman.

Pipiliin mo bang sundin si Jesus? Kung gagawin mo ito, pipiliin ka niyang mabuhay at magharing kasama niya magpakailanman, pagdating niya upang maging hari sa Jerusalem.

Jerusalem

ANG WALANG HANGGANG KABISERA

CBM

Button

Bakit ang Jerusalem, hindi ang London, Beijing, New York, Roma o Moscow? Sinasagot ng Bibliya ang katanungang ito.

1. SI JESUS BA AY BAHAGI NG PAGKA-DIYOS?

Ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ni Jesus ay nagpalito sa maraming mga tao sa loob ng daang siglo.

Kung maipapakita mula sa Bibliya na si Jesus ay hindi bahagi ng Diyos, malayo pa ang mararating bago matugunan ang pangunahing tanong na inilagay sa babasahing ito; "Kailan unang umiral si Jesus?" Kung si Jesus ay hindi 'Diyos', kung gayon hindi siya maaaring nasa langit bago siya ipinanganak, gaya ng wala tayo sa langit bago tayo ipinanganak.

a) Makinig sa anghel na si Gabriel, na nakikipag-usap kay Maria: “Maria … maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake at tatawagin mo ang kaniyang pangalang Jesus. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama … lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1: 30-35).

Tandaan ang mga puntong ito:

(1) Ang Diyos ay magiging ama ng sanggol, si Maria ay magiging kanyang ina. Sa totoong kahulugan, siya ay magiging Anak ng Diyos. Hindi kailanman tinutukoy ng Bibliya si Jesus bilang 'Diyos Anak'.

(2) Ibibigay sa kanya ng Diyos ang trono ni David. Samakatuwid, si Jesus ay hindi maaaring maging kapantay ng Diyos, dahil tatanggapin niya ang pagpapalang ito mula sa kanya.

(3) May kilala ka bang anak na kasing edad ng kanyang ama? Ito ay imposible. Ang isang ama ay laging una bago ang kanyang anak. Si Jesus ay hindi maaaring maging kapwa-walang hanggan gaya ng Diyos.

b) Makinig kay Jesus mismo:"Ang Ama ay higit sa akin" (Juan 14:28). Hindi lamang ang Diyos at si Jesus ay magkahiwalay na mga persona, o ama at anak, kundi ang Diyos ay mas dakila. Gayon ang sabi ni Jesus! Hindi sila maaaring maging pantay.

c) Makinig sa mga manunulat ng Bagong Tipan:Sinabi ni Apostol Juan na “ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo. Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya” (Juan 1: 17, 18). Si Jesus ay nag-iisang anak ng Diyos, ganap na naaayon sa mga espiritwal na pamamaraan ng Diyos. Dahil dito siya ay "nasa sinapupunan ng Ama". Walang sinuman ang maaaring nasa kanilang sariling sinapupunan.

Sinabi ni Apostol Pablo, "May isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan” (1 Timoteo 2: 5-6). Mayroon pa bang mas simpleng paliwanag?

Ang ilan ay magsasabi na si Jesus ay isang tao lamang sa panahon ng kanyang 'oras sa lupa'. Sinasabi nila na si Jesus ay bumalik sa pagiging Diyos matapos siyang pumunta sa langit. Ngunit sinabi sa atin ni Pablo na siya ay isang tagapamagitan, at isang tao, ngayon. Sinabi din ni Jesus, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin” (Mateo 28:18). Ang Diyos ang nagbigayat si Jesus ang taong tumanggap. Paano sila magiging pantay, at magkapareho ng pagkatao? Sinabi ni Pedro, pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, “Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios.” Nakaupo siya ngayon na "pinarangal ng kanang kamay ng Dios” (Mga Gawa 2:32-36). Bukod dito, si Jesus ay dapat umupo sa kanang kamay ng Diyos hanggang sa suguin siya ng Diyos sa lupa upang maging hari ng sanglibutan (Mga Gawa 3: 19-21). Yan ang kinabukasan para kay Jesus.

Pinatotohanan ni Pablo na “kaniyang [ang Diyos] ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:30-32). Ang pangunahing layunin ng Diyos ay upang wakasan ang kamatayan. Kahit pagkatapos nito, “ang Anak rin ay pasusukuin … sa kaniya” (1 Corinto 15:28).

Kahit na sa kawalang-hanggan, ang Diyos pa rin ang kataas-taasang ama at si Jesus ang maluwalhating anak. Ang kamangha-manghang pangitain na nakikita sa Apocalipsis 5: 11-14 ay malinaw na nagsasaad nA "Sa kanya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero (Jesus) ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailanman kailan man."

Sinabi ni Juan na ang mga sumunod sa katuruan ni Jesus ay mayroong Ama at Anak (2 Juan talata 9). Ang "Ama" at ang "Anak" ay magkakaibang mga persona, na may magkakaibang tungkulin na gagampanan sa pagliligtas ng mga nagpapangilin ng salita ng Diyos.

2. NABUHAY BA SI JESUS SA LANGIT BAGO SIYA IPINANGANAK?

Nakita na natin na si Jesus ay hindi Diyos. Samakatuwid hindi siya maaaring nabuhay bago pa siya ipinanganak.

Sa pagtingin natin sa ilang mga banal na kasulatan na nangangailangan ng maingat na pag-iisip upang maunawaan, dapat nating tandaan ang dalawang sipi na ito:

(1) Mga Gawa 15:18 “Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.”

(2) Roma 4:17 “Ang Dios, na … tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.”

Ang mga hinaharap na kaganapan sa plano ng Diyos ay tiyak na sigurado, na ang Diyos ay nagsasalita tungkol sa mga ito na para bang nangyari na. Dahil dito, mababasa ang ilang mga sipi ng Bibliya na tila mayroon nang Jesus bago siya ipinanganak.

Gayunpaman, ang Diyos ay nagsalita tungkol sa ibang mga tao sa parehong paraan. Sinasabi sa atin ni Jeremias na sinabi ng Diyos sa kanya: “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa” (Jeremias 1: 4-5).

Hindi kami naniniwala na nasa langit si Jeremias bago siya ipinanganak. Nasa plano siya ng Diyos. Samakatuwid ang Diyos ay nagsalita tungkol sa pagkakilala kay Jeremias bago siya ipinanganak. Nasa isipan siya ng Diyos, ngunit hindi pa siya uniiral sa realidad hanggang sa kanyang pagsilang.

Sinabi sa atin ni Pablo na kapwa siya at ang iba pang mga Kristiyano sa kanyang kapanahunan ay umiiral sa pag-iisip ng Diyos bago niya nilikha ang sangkatauhan: "Sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan …na tayo'y itinalaga niya” (Efeso 1: 4, 5). Alam ng Diyos mula pa sa simula ang Kanyang gagawin. Ngunit ‘ni si Pablo, o ang mga mananampalataya, ay talagang hindi pa umiral bago sila ipinanganak.

Ganun din si Jesus. Siya rin ay nasa isip ng Diyos mula pa nang pasimula. Gayunpaman, inilalarawan ni Pedro ang pagkakaiba sa pagitan ni Jesus na nasa isip at hangarin ng Diyos, at ang kanyang pag-iral sa paglaon bilang isang tunay na persona. Sinabi sa atin ni Pedro na tinutubos tayo ni Jesus ng kanyang "mahalagang dugo". Siya ay "nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo” (1 Pedro 1: 19-20).

Sinasabi sa atin ni Pedro ang simpleng katotohanan. Alam ng Diyos ang lahat tungkol sa gawaing nasa isip niya para kay Jesus bago pa niya nilikha si Adan. Si Jesus ay "nakilala nga nang una", ngunit hindi pa sya umiiral sa realidad bago siya ipinanganak ni Maria sa Betlehem.

Sinasabi din sa atin ni Pablo na, "Sinugo ng Diyos ang kanyang Anak" nang “dumating ang kapanahunan” (Galacia 4:4-5).

Inilahad muli ng Hebreo ang katuruang ito: “Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak” (Hebreo 1:1-2).

Si Jesus, “sinugo” ng Diyos

Sinabi sa atin ni Jesus na siya ay sinugo ng Diyos: “Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo” (Juan 3:34).

Maraming tao ang nag-aakala mula sa mga pahayag na tulad nito, na si Jesus ay dapat na kasama ng Diyos sa langit bago siya ipinanganak. Kailangan nating magkaroon ng kamalayan na ang Diyos ay nagsalita tungkol sa mga Propeta ng Lumang Tipan na ipinadala upang ihatid ang kanyang mensahe (2 Cronica 36:15). Sa panahon ng Bagong Tipan, ipinadala ng Diyos si Juan Bautista. "Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan" (Juan 1: 6).

Walang sinumang nagsabi na si Juan Bautista ay nasa langit bago siya "sinugo". Gayundin si Jesus. Pareho silang nagsalita ng mga salita ng Diyos sa mga tao sa panahon ng kanilang buhay.

Sinabi ni Jesus na "Bumaba akong mula sa langit" (Juan 6:38). Paano natin mauunawaan ang talatang ito? Sa katulad na paraan na ginagawa natin kapag sinabi sa atin ng Bibliya na ang tinapay ay bumaba mula sa langit. Sinabi ni Jesus na ang Diyos ay nagbigay sa kanila ng tinapay (mana) na galing sa langit upang kainin (Juan 6:31). Ang mana ay hindi pisikal na bumaba mula sa isang literal na langit. Sa halip, ang mana ay ibinigay ng Diyos, tulad din kay Jesus.

Maraming mga bagay na dapat nating maunawaan sa espiritwal na paraan. Halimbawa, sinabi ni Juan Bautista na si Jesus ay "una sa akin". Siya ay nasa diwa ng pagiging mas mahalaga sa layunin ng Diyos, dakilang tulad ni Juan.

Sinabi ni Jesus, "Ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito” (Juan 8:23). Ibig niyang sabihin na ang Diyos ay kanyang ama, at pinapakita niya ang pag-iisip ng Diyos na mas mahusay kaysa sa iba. Ipinakita niya sa atin ang pag-uugali ng Diyos.

Si Jesus ay madalas na nagsasalita ng matalinghaga kapag nagsisiwalat ng mga espiritwal na katotohanan. Dapat nating laging tingnang mabuti ang mga sipi sa Bibliya kung nais nating pahalagahan ang malalim na mga salita ni Jesus.

Buod:

(1) Hindi sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay naroroon sa paglalang.

(2) Ang mga anghel, na nilikha bago itinatag ang sanglibutan (Job 38: 7) ay hindi kailanman nagbanggit kay Jesus. Magagawa sana nila, kung naroon na siya noon.

(3) Ang Lumang Tipan ay laging nagsasalita ng tungkol sa buhay ni Jesus sa hinaharap, hindi sa nakaraan.

(4) Kahit na sa kanyang maluwalhati at walang kamatayang estado, a) Si Jesus ay binanggit bilang isang tao, at b) napapailalim pa rin siya sa Diyos, ang kanyang ama.

(5) Si Jesus ay palaging nasa isip ng Diyos. Siya ay dapat maging tagapagligtas ng sanglibutan. Hindi pa umiiral si Jesus bago ang kanyang pagsilang. Masigasig nating hinihintay ang kanyang pagbabalik sa lupa, upang maitaguyod ang kaharian ng Diyos.

“Ako'y madaling pumaparito. Siya nawa: pumarito ka Panginoong Jesus” (Apocalipsis 22:20).

Kailan Unang Umiral si Jesus?

CBM

Button

Ang relasyon sa pagitan ng Diyos at ni Jesus ay nagpalito sa maraming mga tao sa loob ng daang siglo.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page