
Bible Education Center
Digital Library
But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you. (Matt. 6:33)
Bautismo

CBM
1. NABAUTISMUHAN BA ANG MGA TAGASUNOD NI JESUSCRISTO?
Oo, tunay nga na ang mga taga-sunod ni Jesus ay nabautismuhan. Bakit? Dahil ito ay utos niya na kanilang gawin. Isa ito sa mga pinakamahahalagang utos na ibinigay nya sa kanila. Ang bautismo ay paraan ng pagpapakita ng mga mananampalataya na sila naniniwala kay Jesus at sa kaniyang turo. Lahat ng mga bagong nagbagong-loob ay naging miyembro ng espesyal na grupo, ang mga disipulo ni Jesus. Sila ay nangaral at nagturo tungkol sa salita ng Dios at umaasa sa muling pagbabalik ni Jesucristo sa lupa.
Naiisip mo ba kung ang isang tao ay natanggap bilang isang sundalo, at tumangging sumunod sa mga utos ng pinuno ng hukbo? Si Jesucristo na Pinuno ng Kristiano ay nagsabi, “Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.” (John 14:15). Sinabi rin niya na “Ang sumasampalataya (sa evangelio – ang mabuting balita ng kanyang katuruan) at mabautismuhanay maliligtas” (Mark 16:16). Kung gusto nating tanggapin ni Jesus, kinakailangan nating sundin at tanggapin ang mga salita niya.
Ang bautismo ay isang utos ni Jesucristo na nakapagliligtas ng buhay. Ito ay pinaniwalaan ni Felipe. Siya ay nangaral sa Samaria nang matagumpay, kaya’t “nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae” (Acts 8:12). Ang mensahe ng pananampalataya, kasunod ng bautismo, ay ang puso (sentro) ng Bagong Tipan.
2. ANO BA ANG SINASABI NG BIBLIA TUNGKOL SA BAUTISMO?
Sa ngayon, marami sa mga simbahan ang nagwiwisik sa ulo ng mga sanggol at tinatawag nila itong Bautismo (binyag). Ito ay hindi bautismo ayon sa Biblia. Kapag ang Biblia ang nagsasalita tungkol sa bautismo, ang tinutukoy nito ay mga kababaihan at kalalakihan na nasa tamang edad na, na may kakayahang gumawa ng sariling desisyon upang sumunod sa Panginoong Jesus at magkusang magpabutismo. At sila ay ganap inilubog sa tubig. Ito ang tunay na bautismo sa Biblia.
Isang magandang halimbawa na makapagpapatunay dito ay matatagpuan sa Acts 8. Nakipag-usap si Filipe sa isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan, at “ipinangaral sa kaniya si Jesus.” (v. 35). Walang duda na habang sila’y nag-uusap ay may dala silang kani-kanilang tubig para sa kanilang paglalakbay. Napakadali sanang gawin ni Filipe ang pagwiwisik ng tubig sa ulo ng bating para isagawa ng Bautismo, pero hindi niya ito ginawa. Ngunit ang bating na naniwala sa mga salita ni Felipe tungkol kay Jesus ay hindi nabautismuhan hanggang “nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?” (Acts 8:36) “At sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang magsiahon sila sa tubig … ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa“ (Acts 8:38, 39).
Pansinin na sila ay “kapwa lumusong” at “umahon sa tubig”. Ang bating ay isang maygulang ng tao na naniwala sa ipinangaral ni Filipe sa kaniya tungkol kay Jesus. Siya ay ganap na nilubog sa tubig.
3. ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG BAUTISMO?
Bakit kailangan nating ganap na matakpan ng tubig sa ating bautismo? Pinili ng ating Panginoong Dios ang paglubog sa tubig dahil ito ay isang makapangyarihang paraan upang ipakita na ang ating kasalanan ay kailangang mapatawad. Nauunawaan ng mga mananampalataya na kailangan nilang mailigtas mula sa kasalanan at nangangailangan ng awa ng Dios. Sila ay lulubog sa tubig dahil sa bautismo, at “mamatay” sa lumang paraan ng pamumuhay. Sila ay aahon sa tubig tungo sa bagong buhay. Sa bautismo, kinikilala ng mga mananampalataya ang kamatayan ni Jesucristo, na siyang namatay para sa atin.
Tulad ng pagkabuhay ni Jesus sa mga patay, sila rin ay bubuhayin mula sa tubig ng bautismo, upang “tayo'y makalalakad sa panibagong buhay” (Romans 6:4). Ngayon, ang mga mananampalataya ay mga anak na ng Dios, at nais nilang masiyahan ang Dios. Kung gagawin nila ito, sila ay bibigyan ng gatimpala ng buhay na walang hanggan. Ito ay matutupad sa muling pagbabalik ni Jesus para mamahala sa buong mundo (Luke 1:32, 33). Hindi na nakakagulat kung itinuring ni Jesus ang bautismo na napakahalaga.
4. BAKIT KAILANGAN KONG MAGPABAUTISMO?
Kailangan mong magpabautsmo dahil, tulad ng ibang tao, ikaw ay mamamatay. Ating natanggap ang kabayaran ng kasalanan. Sinabi ni Pablo, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Romans 6:23). Kung wala ang Dios, ang kamatayan ang huling hantungan.
Maraming tao ang ayaw pagusapan ang mga mahahalagang bagay na hindi naaayon sa gusto nila. Isa nga dito ay ang kamatayan, ngunit kailangan nating harapin ito. Ang magandang balita ay ang Dios ay nagalok sa atin ng buhay na walang hanggan, ngunit ayon sa kanyang takda. Ito ay makatarungan, dahil Siya ang nagbibigay buhay. Sinabi ni Pedro sa atin sa Act 2 at 3 na kailangan natin ng limang hakbang sa kaligtasan. Ito ay ang mga sumusunod:
a) Manampalataya kay Jesus at sa kaniyang mensahe.
b) Magsisi (magbago ng pagiisip, mapagtanto na kailangan natin ang Dios at ang Kaniyang kapatawaran)
c) Magbagong-loob (Lumakad nang naayon sa kagustuhan ng Dios)
d) Sundin si Jesus sa paglilinis ng kasalanan sa pamamagitan ng Bautismo
e) Magpatuloy nang tapat sa pagawa ng kagustuhan ng Dios. (Acts 2:27-42; 3:18-21)
Tinutupad lagi ng Dios ang kanyang mga pangako. Hindi Niya tayo pababayaan. Gaya ng sinabi ni Jesus, “hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama” (John 10:29).
5. BAKIT KAILANGAN KONG SUNDIN ANG UTOS NG DIOS?
Ang Biblia ay nagsasabi sa atin, mula Genesis hanggang Revelation, na ang Dios ay seryoso. Ang pagsunod sa Dios ay nagbubunga ng buhay, at ang hindi pagsunod ay nagbubunga ng kamatayan. Seryoso ang Dios sa lahat ng Kaniyang sinasabi.
Nangaral si Noe sa mga masasamang tao sa kanyang panahon (Genesis 6). May pagpipilian sila: ang maniwala sa mensahe ni Noe, magsisi at maligtas, o wag pansinin at mapahamak. Hindi nila ito pinansin at sila’y napahamak. Hindi nagbago ang isip ng Dios. May pinagpilian din si Noe: ang gumawa ng arko at maligtas, o tanggihan ang salita ng Dios. “Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya” (Genesis 6:22). NaIligtas si Noe dahil siya ay sumunod sa Dios. Kung ating ipagwawalang-bahala ang malinaw na utos ng Dios na magpabautismo, ay ating pinipili ang kamatayan sa halip na buhay.
Ang taga bantay ng bilanguan ay nagtanong kay Pablo at Silas, “Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Acts 16:30). Ang sagot: “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.” Sumunod siya at nabautismuhan.
Ang ating Panginoong Jesus mismo, bagaman walang kasalanan ay nagpabautismo. Sinabi niya: “sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran.” (Matthew 3:15). Tayo na makasalanan, atin bang ipagwawalang-bahala ang bautismo gayong si Jesus ay hindi? Kailangan natin sundin ang kanyang halimbawa sa lahat ng bagay.
6. ANO ANG KAILANGAN KONG GAWIN NGAYON UPANG MAKAMTAN ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA KAHARIAN NG DIOS?
Upang matamasa ang buhay na walang hanggan, kailangan sundin at gawin ang limang hakbang sa kaligtasan; bawat isa sa mga ito. Nakatala sa Acts 10 ang tungkol kay Cornelio, na nagpapakita na ang paggawa lamang ng mabuti nang hindi nagpapabautismo ay hindi sapat. Inutusan ni Pedro si Cornelio na “magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo” (v. 48).
Ang Bautismo ay simula ng bagong buhay na magdadala sa atin sa tunay na kaligayahan. Ito’y magbibigay sa atin ng bagong layunin sa buhay sa walang katiyakan na mundo. Ang Dios ng Kapayapaan ang magbibigay ng kapayapaan sa’yo.
Handa ka bang sundin ang utos ng ating Panginoong Jesus para manampalataya at magpabautismo? Anong pagpapala ang naghihintay sa iyo! Pagpakakalooban ka ng Dios ng buhay na walang hanggan sa muling pagbabalik ni Jesus para itatag ang Kaharian.
“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Romans 6:23)