top of page

Tagalog Reading Materials

1. ANO ANG LANGIT?

Sinasabi sa atin ng Bibliya ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa langit:

· “Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao” (Psalm 115:16).

· “Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios” (Matthew 5:34).

· Si Jesucristo na immortal na anak ng Dios, ay “tinanggap sa langit”, ngunit, siya’y babalik sa lupa (Acts 1:11).

· “At walang umakyat sa langit,” (John 3:13) “Sapagka't hindi umakyat si David sa …

mga langit … siya'y namatay at inilibing” (Acts 2:34, 29).

Ano ang natutunan natin sa mga katotohanang ito ng Bibliya?

(i) Ang langit ay tirahan ng Dios, hindi atin. Hindi Niya tayo inaanyayahan na samahan Siya sa langit, maski bago mamatay o pagkatapos mamatay.

(ii) Ang langit ay luklukan ng Dios. Totoong ang mga tinubos ay magiging “hari at sasardote” ngunit “sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa” (Revelation 5:10).

Ang lahat ng ating binasa ay akma nang perpekto sa Psalm 115:10: “ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao”. Kaygandang araw marahil ng araw na iyon kung “ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon” (Habakkuk 2:14).

(iii) Dahil ang plano ng Dios sa sangkatauhan ay nauugnay sa lupa, maiintindihan natin kung bakit sinabi ng Jesus na “walang umakyat sa langit,” at kung bakit sinabi ni Pedro na “hindi umakyat si David sa mga langit”.

Bakit tayo pupunta sa langit kapag tayo’y mamamatay, kung ang lahat ng plano ng Dios sa mga tapat Niyang lingkod ay magaganap sa lupa? Sinabi ni Pedro sa mga Hudyo “magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon; At upang kaniyang suguin ang Cristo … siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay” (Acts 3:19-21). Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagsalita tungkol sa muling pagtatayo ng kaharian sa lupa. At ito ay magyayari sa pagbabalik ni Jesus upang maging “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon” (Revelation 19:16). Katulad ni Jesus, tayo ay nanalangin na “dumating nawa ang kaharian mo” (Matthew 6:10).

2. SAAN ANG IMPIYERNO?

Ang “impiyerno” ang salita sa Biblia na madalas ay hindi nauunawaan. Sa Lumang Tipan, ito’y nangangahulugang “hukay”. Sa Bagong Tipan, ang impiyerno ay maaring “libingan/hukay” o tumutukoy sa “Libis ng Hinnom”, isang literal at totoong lugar sa labas ng Jerusalem.

Ang paniniwala na ang impiyerno ay lugar na pupuntahan ng mga masasamang tao pagkamatay, at dito ay masusunog magpakailaman, ay hindi totoo. Bakit hindi? Dahil ang Bibliya ay nagsabi na;

· Ang pinakamabuting tao na nabuhay sa mundo, si Jesucristo, ay pumunta doon nang mamatay siya.

· Si Jesus ay lumabas mula sa impiyerno (hell) nang buhayin siyang muli sa mga patay.

Walang pag-aalinlangan sa dalawang katotohanang ito. Sa Acts 2:26-27, sinipi ni Pablo ang Psalm 16:10 na nagsasabi, “Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol (hell). Sinabi niya na alam ni David na “ilulukluk Niya ang isa sa kaniyang luklukan; nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo“ (Acts 2:30-31). Ang ibig ipakahulugan nito, si Jesus ay galing sa libingan/hell nang buhayin muli siya sa mga patay.

Hindi lamang sa lumabas mula sa impiyerno (hell) si Jesus, sinabi rin niya na “At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades (hell)” (Revelation 1:18). Bakit ba tayo mayroong mga susi? Para buksan ang pintuan. Pininta ni Jesus ang isang maliwanag na larawan sa “pagbukas ng pintuan” ng impiyerno at ng kamatayan, sa pamamagitan ng pagbuhay muli sa mga patay sa kanyang pagbabalik (1 Corinthians 15:20-23).

Kailangan na nating itanong ngayon ang tanong na: “Saan ang hades (hell) na pinuntahan ni Jesus?” Ating nabasa, “kinuha ni Jose ang bangkay … at inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan” (Matthew 27:57-60). Ang “impiyerno/hell” sa Psalm 16:10 na pinuntahan ni Jesus ay isang libingan. Ang libingan ay isang madilim at natatakpang lugar. Sa katotohanan, ang katulad na salitang Hebreo na nagmula sa Lumang Tipan na isinalin bilang “hell”, ang salitang sheol, ay isinalin sa English bilang “grave” o libingan sa Psalms 49:15.

Ang pangunahing kahulugan ng salitang “sheol” sa lumang tipan (Hebrew) at “hades” sa bagong tipan (Greek) ay “ang hindi nakikita” o ang lugar na natatakpan”. Kaya ang impiyerno, ang libingan, at hindi nakikitang lugar ay magkasingkahulugan. Tunay nga na si Jesus ay binuhay muli sa mga patay sa libingan ni Joseph.

Si Jesus ay nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan. Mainam na sabihin ni David na “tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol” (Psalm 49:15). Literal na bubuhayin ni Jesus ang mga responsible sa kanya mula sa impiyerno; yaon ay, ang libingan.

‘Ni minsa’y hindi binanggit ng Bibliya na ang “sheol” ay lugar ng masasama para sa walang hanggang paghihirap. Gumamit si Jonah ng salitang “sheol” (“hell” AV) upang sabihing siya ay napasa-tiyan ng malaking isda (Jonah 1:17 – 2:2). Ito ay isang perpektong halimbawa ng “hell” na ang ibig sabihin ay “lugar na natatakpan”. Walang kinalaman ang “hell” (o impiyerno) sa nasusunog ng apoy.

May dalawa pang mga salitang Griyego, bukod sa “hades” na isinalin din bilang “hell” sa Bagong Tipan. Ang isa dito ay minsan lang nabanggit, sa II Peter 2:4. Ito ay nangangahulugang “pinakamalalim na bahagi ng lugar na natatakpan”. Ang isa pang salita ay madalas gamitin at tumutukoy sa “Libis ng Hinnom”. Ang mga basura ng Jerusalem ay tinatapon at sinusunod ditto. Dito rin tinatapon ang mga bangkay ng mga kriminal, at sinusunog sa apoy na hindi hinahayaang maapula. Bagama’t ang mga ito’y patay na katawan at hindi mga buhay. Ang apoy ang siyang patuloy na nagsusunog, hindi ang ang mga patay na katawan ang patuloy na nasusunog.

Nalalaman ng lahat ng mga nakatira sa Jerusalem ang gustong ipahiwatig ni Jesus, nang sinabi niya ang tungkol sa katawang “mabulid sa impierno” (Matthew 5:29). Siya’y nagsasalita tungkol sa walang hanggang kamatayan para sa mga hindi nagsilakad sa kagustuhan ng Dios.

Samakatuwid, ang kahulugan ng salitang “hell” sa bagong tipan ay “hindi nakikita” o tinatawag nating libingan/grave o di kaya’y “Libis ng Hinnom”. Ang “hell o impiyerno” ay hindi lugar ng walang hanggang pagdurusa.

3. PAANO MAKATUTULONG SA ATIN ANG PAG-ALAM SA KATOTOHANAN TUNGKOL SA LANGIT AT IMPIYERNO PARA MAUNAWAAN ANG LAYON NG DIOS SA SANGKATAUHAN?

Ito ay isang malaking tulong sa atin. Ang Bibliya ay nagsabi tungkol sa “langit”, ngunit hindi plano ng Dios na pumunta tayo doon. Kung tayo ay mamatay bago dumating si Jesus, tayo ay pupunta sa libingan (“hell”). Hindi tayo dapat na matakot, kung tayo ay nabibilang kay Jesus. Sinabi niya, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan” (John 11:25). Sa muling pagbabalik niya sa lupa, “Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?” (1 Corinthians 15:54-55). Ang mga tapat sa kanya ay pagpapalain ng buhay na walang hanggan sa paghuhukom (tignan “Pagkabuhay na Maguli at Paghuhukom” sa serye ng babasahin na ito)

Nangako ang Dios na pupunuin Niya ang lupa ng Kanyang kaluwalhatian. At ito ay matutupad sa muling pagbabalik ni Jesus upang itatag ang kaharian ng Dios. Siya ay maghahari mula sa Jerusalem, “siyang bayan ng dakilang Hari.” (Matthew 5:35). Sa panahon na yaon, “lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.” (Psalm 72:11); “at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa:” (Zechariah 9:10).

Ikaw? Makakasama ka ba sa mga tapat na mananampalataya kay Jesus? Gusto mo bang maging immortal, gaya nila, at tulungan si Jesus na turuan ang mga mortal na tao upang sumunod sa Dios? Dahil, “silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran” (Daniel 12:3).

Kung pagsisilbihan mo nang katanggap-tanggap ang Dios ngayon, ikaw ay mapapabilang sa dakilang gawain ng pangangaral sa mga araw na darating. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga tunay na tagasunod, “sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo” (John 14:19).

Ang kaharian ng Dios ay darating. Tunay nga, na sa araw na yaon, ang biyaya ng langit ay magpapaulan sa ibabaw ng lupa.

Ang Langit at Impiyerno

ANO BA ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

CBM

Button

Sinasabi sa atin ng Bibliya ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa langit:
· “Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao” (Psalm 115:16).

1. SINO ANG MGA CHRISTADELPHIAN?

Ang pangalang ‘Christadelphian’ ay pinili dahil ito ay naglalarawan sa ugnayan ni Jesus at ng kanyang mga disipulo.

Ang Bagong  Tipan ay isinulat sa Griyego. Ang ‘Christadelphian’ ay binubuo ng ng dalawang salitang Griyego, ang ‘adelphos’ at ‘Cristos’, na nangangauhulugang ‘Kapatid kay Cristo’. Ang mga salitang ito ay makikita sa Bibliya, sa Col. 1:2.

Si John Thomas, isang mangangaral noong ika-19 na siglo, ay nagpasyang ipangalan ang ‘Christadelphian’. Siya ay naglakbay nang malawak sa USA at SA Britania na nangangaral tungkol sa Evangelio. Ang kanyang malinaw na pag-unawa at paliwanag tungkol sa mensahe ng Bibliya ay nanguna upang ang iba’y mahikayat na ipinangaral niya ang katotohanan. Sila ay nagpabautismo kay Cristo at naging mga miyembro ng mga pamayanang Christadelphian na nagtitipon-tipon upang sumamba. Noong una, sila ay karaniwang matatagpuan lamang sa USA at Britania, subalit mgayon ay mayroon nang komunidad ng Christadelphian sa bawat kontinente. Ito’y totoong naging pangbuong mundong pagsasama.

Ang totoong natatanging tampok sa mga Christadelphian ay yaong pagtitiwala sa Bibliya bilang pinagmulan ng mga paniniwala at awtoridad. Ang lahat ng mga salita, sa Luma at Bagong Tipan, ay kinasihan ng Diyos at ibinigay sa mga babae at lalake para sa kanilang kaligtasan. Bilang resulta ng pagbibigay-diin nito, ang mga paniniwala ng mga Christadelphian ay kapareho niyaong itinuro ni Jesus at ng mga apostol noong unang siglo.

Binabasa ng mga Christadelphian ang Bibliya araw-araw. Sa pamamagitan ng isang plano, binabasa ng mga Christadelphian ng isang beses ang Lumang Tipan at dalawang beses naman ang Bagong Tipan sa isang taon. Isa sa maraming benepisyo nito ay araw-araw nilang personal na nasusuri nang personal ang kanilang paniniwala sa awtoridad ng Kasulatan, Ang planong ito makukuha nang libre, sa kahilingan.

2. ANO ANG PINANINIWALAAN NG MGA CHRISTADELPHIAN?

Hinihiling sa iyo ng mga Christadelphian na ikumpara ang kanilang paniniwala sa katuruan ng Bibliya. Magkakaroon ka ng higit na benepisyo kung maglalaan ka ng oras upang saliksikin at basahin ang mga ibinigay na sipi. Dahil si Jesus “Ang Katotohanan”, ang kanyang sariling mga salita ay sinipi sa ibaba:

· Ang Diyos ang walang hanggang Tagalikha ng sansinukob. Nilikha Niya ang buhay sa lupa, at nilalang ang tao na kawangis ng Kaniyang sarili (Genesis 1:27; Mga Gawa 17:24-28).

· Ang Bibliya ay Salita ng Diyos na buong kinasihan. (2 Pedro 1:20, 21; 2 Timoteo 3:14-17).

· Ang mga anghel ay imortal na nilalang na nagsasagawa ng kalooban ng Diyos (Hebreo 1:13, 14).

· Ang plano ng Diyos ay ang punan ang buong mundo ng kanyang kaluwalhatian (Mga Bilang 14:21; Habakkuk 2:14).

· Ang tao (si Adan) ay binigyan ng pagpipilian. Maaari niyang sundin ang Diyos, at mabuhay, o sumuway sa Kanya at mamatay. Si Adan ay nagkasala sa pamamagitan ng pagsuway sa Diyos. Siya ay hinatulan ng kamatayan (Genesis 3:17-19).

· Lahat tayo ay nagmula sa lahi ni Adan. Dahil siya ay nagkasala, at namatay, ang lahat ng kalalakihan at kababaihan ay ipinanganak nang may kamatayan. Gayunpaman, tayong “lahat ay nagkasala”, at tayo’y nararapat na mamatay sa sarili nating pananagutan (Romans 3:23; 5:12; 6:23).

· Tulad ni Adan, lahat tayo ay may pananagutan para sa ating sariling mga pagkilos. Kung wala, hindi matatawag ng isang Diyos na may makatarungang pag-iisip ang ating mga maling pagkilos na ‘kasalanan’. Hindi natin masisisi ang isang supernatural na diyablo. "Ang bawat isa ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat" (Santiago 1:14-16). Sinabi ni Jesus, “Sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid…” (Mateo 15:19).

· Ang Diyos ay ang Ama ni Jesucristo. Ginamit ng Diyos ang Kanyang Banal na Espiritu kaya’t si Maria ay "naglihi sa kanyang sinapupunan". Si Jesus samakatwid ay parehong Anak ng Diyos, at Anak ng tao (Lucas 1:30-35).

· Si Jesus ay hindi kapantay ng Diyos. Sinabi niya, “ang Ama ay lalong dakila kay sa akin” (Juan 14:28), at “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios” (Juan 20:17).

· Ang Banal na Espiritu ay kapangyarihan ng Diyos, na ginagamit kung kalian Niya naisin (Genesis 1:2; Isaiah 61:1) Hindi ito hiwalay na persona.

· Maaaring magkasala si Jesus, ngunit hindi siya nagkasala. "Inalis niya ant kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kanyang sarili kaya't si Cristo ay inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami.” Sa mga sabik na naghihintay sa kanya, “sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Hebreo 9: 26-28).

· Dahil sa kanyang perpektong pagsunod sa kalooban ng Diyos, binuhay si Jesus mula sa mga patay. Binigyan siya ng buhay na walang hanggan. Sinabi niya, “Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?” (Lucas 24:26).

· Si Jesus, pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay, ay mayroon pa ring isang pisikal na katawan. Sinabi niya kay Tomas, ang isa sa 12 mga apostoles, "idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran” (Juan 20:27). DELETE IT!

· Si Jesus, pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay, ay mayroon pa ring isang pisikal na katawan. Sinabi niya kay Tomas, ang isa sa 12 mga apostoles, "idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran” (Juan 20:27).

· Pagkatapos ng kanyang pagkabuhay na muli, umakyat si Jesus sa langit (Mga Gawa 1:11). Siya ay kumikilos bilang ating Panginoon at tagapamagitan (1 Timoteo 2: 5).

· Nanalo si Jesus laban sa kasalanan at kamatayan. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, lahat ng naniniwala at matapat na sumunod sa kanya ay makakatanggap ng pagpapala ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 1 Corinto 15:22; 1 Pedro 5: 4).

· Kung tayo’y masumpungang tapat, at mabigyan ng imortalidad, Si Jesus ang "magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian" (Filipos 3:21).

Ang pagpapala ng buhay na walang hanggan ay ibibigay sa paghuhukom. Ito ay magaganap pagkatapos bumalik ni Jesus sa lupa at buhayin ang mga patay. Sinabi ni Jesus, "ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay" (Juan 5:28, 29).

· Maraming beses na sinasabi sa atin ni Jesus na siya ay babalik sa lupa. “Ang Anak ng tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo'y bibigyan ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa” (Mateo 16:27).

· Sa pagdating ni Jesus, siya ay magiging "Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari" (Apoc. 17:14). Ang mga hari ay magsisiyukod sa harap niya (Mga Awit 72:11). Tinatawag ng Bibliya ang oras na ito na ‘Ang Kaharian ng Diyos’. Ang mga tapat na mananampalataya ay magiging mga walang kamatayang santo at tutulungan si Jesus na mamuno sa kanyang kaharian. Ipinangako niya na ang kanyang labindalawang apostol ay "magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel" (Mateo 19:28).

· Dapat na kilalanin ng mga kalalakihan at kababaihan na sila ay makasalanan. Dapat silang naniniwala sa Ebanghelyo, magsisi at magpabautismo. Sinabi ni Jesus, "Ang sumasampalataya at nabautismuhan ay maliligtas" (Marcos 16:16).

· Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos" (Juan 14:15). Dapat nating sundin ang kanyang halimbawa ng pagsunod sa Diyos at praktikal na paglilingkod, at alalahanin siya sa pamamagitan ng pagpuputol-putol ng tinapay at pag-inom ng alak nang regular, "hanggang sa dumating siya" (1 Corinto 11: 23-26).

· Sa panghuli, dapat nating tandaan na pinili ng Diyos na ibunyag ang Kaniyang katangian sa mga Hudyo. Gumawa siya ng mga pangako kay Abraham, Isaac, Jacob at David at sa bansang Israel. Marami sa mga pangakong ito ay matutupad sa pagbalik ni Jesus sa lupa.

Masdan ang Israel! Isaalang-alang ang mga talatang ito sa Bibliya. (Genesis 12: 2, 3; 13: · 14-17; 2 Samuel 7: 12-16; Jeremias 23: 5-8; Ezekiel 36: 22-24; 37: 21,22).

3. ANONG PAYO ANG MAAARI MONG IBIGAY SA AKIN UPANG MATULUNGAN AKONG LUBUSANG MAGAMIT SA AKING SARILING PAG-AARAL SA BIBLIYA?

Mayroong ilang mga simple ngunit napakahalagang mga panuntunan para sa pag-aaral ng Bibliya: (a) manalangin bago magbasa; (b) tingnan nang mabuti ang eksaktong mga salita na iyong pinag-aaralan; (c) suriin ang konteksto–kung ano ang sinasabi bago at pagkatapos; (d) tumingin sa magkatulad na salita, parirala at sitwasyon sa ibang bahagi ng Bibliya: ihambing at ikumpara ang mga ito; (e) isipin ang tungkol dito – palagi!

Ang mga mahalagang katuruan sa Bibliya ay nababanggit nang madalas. Ang pagbabalik ni Jesus, ang pagkabuhay na muli, ang paghuhukom, ang buhay na walang hanggan para sa mga tapat na tagasunod ni Cristom at ang Kaharian ng Diyos sa lupa ay totoo: ang lahat ng mga ito ay itinuro sa maraming mga iba’t-ibang lugar.

Gamitin ang babasahin na ito, kasama ng iyong Bibliya, upang suriin ang iyong paniniwala. Kung ang mga ito ay hindi makatayo sa maingat na pagsusuri, sukuan mo ito. Ang tapat na pagsunod sa salita ng Diyos ay gagabay tungo sa buhay na walang hanggan. Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa sangkatauhan. “Bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos” (Mga Awit 119:73).

Ang Mga Christadelphian

Sino sila?
Ano ang kanilang pinaniniwalaan?

CBM

Button

Ang pangalang ‘Christadelphian’ ay pinili dahil ito ay naglalarawan sa ugnayan ni Jesus at ng kanyang mga disipulo.

Mahalaga ang mga susi upang buksan ang mga nakasarang pintuan. Narito ang limang "gintong mga susi" na makakatulong sa iyo upang buksan ang mensahe sa Bibliya tungkol sa mga Hudyo, at sa atin:

1. Pag-unawa sa mga pangako ng Diyos kay Abraham.

2. Pag-alam ng tungkol sa mga pangakong ginawa ng Diyos kay David.

3. Pagtingin sa relasyon ng Diyos sa mga Hudyo.

4. Pag-unawa sa gawain ni Jesucristo.

5. Pag-alam ng tungkol sa darating na kaharian ng Diyos sa sanlibutan.

Kailangan nating gamitin ang lahat upang maunawaan "Ang Mga Hudyo sa Layunin ng Diyos”.

1. PAANO NAGSIMULA ANG LAHI NG MGA HUDYO?

Ang lahi ng mga Hudyo ay nagsimula sa isang lalaking tinawag na Abram. Kilala ng Diyos ang kanyang tao. Ang pananampalataya ni Abram ay isa pa ring mahusay na halimbawa ng pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang mga pangako. Dinala ng Diyos si Abram mula sa Ur, malapit sa Persian Gulf, sa lupang kilala natin bilang Israel.

Ang Diyos ay gumawa ng mga natatanging pangako kay Abram (ang kanyang pangalan sa kalaunan ay pinalitan ng Abraham):

a) “Gagawin kitang isang malaking bansa.”

b) “Pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo.”

c) “Pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa” (Gen. 12:2,3)

d) “Ang buong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakaylan man.”

e) “Gagawin kong parang alabok ng lupa ang iyong binhi” (Gen. 13:15- 16).

f) “Papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.”

g) “Aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila” (Gen. 17:6-8).

Ang apo ni Abraham na si Jacob ay mayroong labindalawang anak na lalaki. Sa paglipas ng mga henerasyon, sila’y naging isang malaking bansa – Ang mga Hudyo.

1. BAKIT ANG MGA HUDYO AY PINILI BILANG ESPESYAL NA MGA TAO?

Ang Diyos ay may malaking pagpapahalaga sa katapatan nina Abraham, Isaac, at Jacob. Ang mga Hudyo ay pinili, "sapagka't kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi” (Deut 4:37). Sinabi ng Diyos, “Talastasin mo nga na hindi ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios ang mabuting lupaing ito upang ariin ng dahil sa iyong katuwiran; sapagka't ikaw ay isang bayang matigas ang ulo” (9:6).

Walang nagbago pagkatapos ng mga siglo, nang ipinako nila sa krus ang Anak ng Diyos, si Jesucristo (Mga Gawa 7:51).

Gayunpaman, sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng isang espesyal na tao, nagawang kunin ng Diyos ang atensyon sa Kaniyang katangian at layunin sa lupa. Sinabi niya kay Moises: “Dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa” (Exodus 9:16).

Napakahalaga nito, sapagkat kalaunan ay sinabi ng Diyos: "Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa” (Mga Bilang 14:21). Ang kahanga-hangang pangakong ito ay matutupad pagkatapos na si Jesucristo ay bumalik sa lupa.

2. ANO ANG NANGYARI SA MGA HUDYO SA KASAYSAYAN?

Ang karaniwan sa kasaysayan ng mga Hudyo ay nakalulungkot. Bagaman nagkaroon sila ng malaking pribilehiyo na malaman ang tungkol sa Diyos, hindi sila naging masunurin. Sinabi ng Diyos na kung sila ay masunurin - “itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa”. Subalit, kung hindi, “ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon” (Deut. 28:1, 37).

Ang mga Hudyo ay nagdusa sa maraming mga bansa sa mundo; pinatalsik mula sa Israel sa sakit ng kamatayan (AD 135).; pinatalsik mula sa England (1020) at France (1306; pinatalsik mula sa Spain (1492) at Portugal (1498); pinatalsik mula sa Russia at Ukraine, maraming pinapatay at inuusig sa proseso (1918); at sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anim na milyon ang namatay sa Holocaust (1939-1945).

Gayunpaman, himala sa mga himala, nakaligtas sila bilang isang bansa! Iyon ay dahil may layunin pa rin ang Diyos sa kanila: “Kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios” (Ezekiel 36:28).

3. ANO ANG HINAHARAP PARA SA MGA HUDYO?

Ang hinaharap para sa mga Hudyo ay matatag na nakaugat sa pangako ng Diyos kay Abraham na kanilang aariin ang lupain ng Israel magpakailanman.

Kinalaunan ay nangako ang Diyos kay Haring David: “Aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan … at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man” (2 Samuel 7:12-13).

Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay nagmula kay David sa pamamagitan ni Maria na kanyang ina. Namatay siya para sa ating mga kasalanan at nabuhay na muli upang mabuhay magpakailanman. Babalik siya sa sanlibutan upang matupad ang mga pangakong ginawa kay David: “Sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama. At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian” (Lucas 1:32-33).

Si Pedro, sa Araw ng Pentecost, ay nagpapaalala sa mga Hudyo na, "sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing” subalit “may panunumpang isinumpa

Ang Mga Hudyo sa Layunin ng Diyos

CBM

Button

Mahalaga ang mga susi upang buksan ang mga nakasarang pintuan. Narito ang limang "gintong mga susi" na makakatulong sa iyo upang buksan ang mensahe sa Bibliya tungkol sa mga Hudyo, at sa atin:

1. ANO ANG MALI SA ATING MUNDO?

Kung hindi ka sumasang-ayon na mayroon tayong mga problema, nakatira ka sa ibang planeta! Sinabi ng isang pinuno ng pulisya sa USA: "Walang disiplina sa sarili. Ito ay ganap na pagpapakalayaw. Walang respeto sa batas at pagpapahalaga."

Iyon ay makatarungang buod.

· Mula sa kawalan ng disiplina ay nagmula ang katiwalian, imoralidad, karahasan, pag-abuso sa droga at alkohol, pag-hijack, pag-kidnap, pagnanakaw, pang-aabuso sa bata, homosexual, panggagahasa at pagpatay.

· Ang pagbagsak ng moral ay humantong din sa hindi kasiyahan, pagtakas, pagkamakasarili at pagtaas ng mga pagpapakamatay.

Ang mga lipunan at ekonomiya ay nawawasak. Habang ang populasyon ng mundo ay lumalaki ng higit sa limampung milyong katao sa isang taon, higit sa 10,000 na mga bata na wala pang limang taong gulang ang namamatay bawat araw mula sa gutom at sakit. Ang sangkatauhan, mismo, ay may isang malungkot na hinaharap. Ito ay isang napakalungkot na kwento.

2. BAKIT NASA KAGULUHAN ANG MUNDO?

Ang kawalan ng pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Kanyang mga batas ay nagdulot ng matinding kasamaan na ito. Mula sa simula, ang tao ay pumili ng kanyang sariling paraan, sa halip na ang pamamaraan ng Diyos. Nagkasala si Adan, sinuway niya ang Diyos, at tayo, ang kanyang 'mga anak', ay nagkasala mula noon.

Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay walang kasalanan. Makinig sa sinabi niya: “Sapagka't sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong” (Mateo 15:19). Kahila-hilakbot iyon, ngunit tumpak na listahan. Dagdag pa ni apostol Santiago: "Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap?” (Santiago 4:1).

Harapin natin ito. Ang tao, na walang Diyos, ay nasa walang pag-asa at desperadong kalagayan. Kailangan ang pagbabago ng kalikasan ng tao. Ngunit huwag mawalan ng pag-asa: kapag isinugo ng Diyos si Jesucristo upang magbalik sa sanglibutan, ang mga bagay ay magiging mahusay–mas mahusay.

3. MAY PLANO BA TALAGA ANG DIYOS PARA SA MUNDO?

Tiyak na mayroon! Sinasabi sa atin ng Bibliya, ang Kanyang aklat, ang tungkol dito. Tanungin mo ang iyong sarili: "Ano ang kailangan ng mundo." Ihambing ang iyong mga ideya sa mga ito: isang pinuno ng daigdig – kapayapaan – walang  gutom – mabuting kalusugan – walang masamang mga pinuno – kalayaan mula sa takot at pang-aapi – isang panlahat na wika – walang karera ng armas – makatarungang mga batas – tulong para sa mga mahihirap at walang tahanan – walang polusyon. At, higit sa lahat, kailangan ng mundo ang mga batas ng Diyos upang makilala, maunawaan at sundin.

Nangako ang Diyos na makakamtan ang lahat ng mga ito, sa pamamagitan ni Jesucristo at ng kanyang tapat at walang kamatayang mga katulong. Ang Bibliya ay may tawag para sa oras ng pagpapalang ito:

“ANG KAHARIAN NG DIYOS ".

Ito ang plano ng Diyos. Sa oras ng matinding kaguluhan, malapit nang dumating sa lupa, mga tao ay "makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Lucas 21:27). Siya ay darating upang matupad ang pangakong ginawa kay Maria sa kanyang pagsilang: "Sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama. At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian” (Lucas 1:32, 33).

Oo, si Jesus ay darating upang maging Hari ng mga Hudyo. Ngunit, hindi lamang sa mga Hudyo. Siya ay magiging Hari ng buong mundo. Hindi sinisira ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Pinangako niya kay Jesus: “Ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari” (Awit 2:8). “Lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya” (Awit 72:11). Hindi, walang makakatakas dito: Si Jesus ay magiging “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon” (Apocalipsis 19:16).

Ito ay magiging oras ng dakilang pagpapala para sa mga taong nakaligtas sa paghatol ng Diyos sa mundo at nabubuhay sa kapanahunan ng Kaharian. Masisiyahan sila sa mabuting kalusugan, isang mapayapang buhay at malalaman ang mga daan ng Diyos (Isaias 35), "Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon” (Jeremias 3:17).

Mayroong dalawang iba pang mga kamangha-manghang katotohanan tungkol sa pagpili ng Diyos ng Kanyang Anak, na si Jesus, bilang hari.

· Una, siya ay perpekto para sa gawaing ito. Isipin ang kanyang pagkatao: siya ay walang kasalanan, hindi masisira, mapagmahal, mabait, mahabagin, at sensitibo sa mga pangangailangan ng mahihina. Matapang din siya, malakas na pag-iisip at makatarungan. Siya ay may kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa kanyang utos. Bilang hari ng mundo, kakailanganin niya ang lahat ng mga katangiang ito upang mamuno sa mga bansa.

· Pangalawa, sapagkat siya ay nabuhay ng isang perpektong buhay sa lupa, na laging ginagawa ang kalooban ng kanyang Ama, pagkamatay niya, "siya'y binuhay na maguli ng Dios” (Mga Gawa 2:24) at ginawang walang kamatayan. Ang mundo ay hindi na mangangailangan ng isa pang pinuno! Maghahari siya hanggang sa ang lahat ng mga kaaway ng Diyos ay masira. At sa huli, mismong ang sumpa ng kamatayan ay sisirain niya (1 Corinto 15:25, 26).

4. MAY PLANO BA ANG DIYOS PARA SA IYO?

Oo, ginagawa Niya! Walang alinlangan na mayroon kang plano para sa buhay na ito. Marahil ay kasama dito ang sumusunod:

(1) magpakasal at pagkakaroon ng pamilya;

(2) pagkakaroon ng magandang trabaho;

(3) tinatamasa ang seguridad at

(4) maagang pagretiro

Para sa maraming tao, ito ang mga kanais-nais na layunin, Gayunpaman, hindi ito maihahambing sa plano na mayroon ang Diyos para sa mga taong tapat na naniniwala, nagtitiwala at sumusunod sa Kanya ngayon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangako ng Diyos:

(a) Pagdating ni Jesus upang bangunin ang mga patay at hatulan ang sanglibutan, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga nagmamahal at sumunod sa Diyos. Tulad ng sinabi ni Paul, si Jesus ay “siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian” (Filipos 3:21).

(b) Ang mga nabiyayaan ng buhay na walang hanggan ay maghahari kasama ni Jesus sa Kaharian ng Diyos at tutulungan siyang maitaguyod ang mga batas ng Diyos sa buong sanglibutan.

(c) Ang tinubos ay tutulong kay Jesus upang mamuno sa mga bansa sa buong panahon ng Kaharian, "Sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon” (Apocalipsis 20:4).

(d) Ang mga tapat sa Diyos (ang mga tinubos) ay hindi mamamatay kailanman. Matapos ang pangalawang muling pagkabuhay sa pagtatapos ng isang libong taon, lahat ng pinili ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman sa Kanyang Kaharian. Ang Diyos ay magiging "lahat sa lahat" (1 Corinto 15:28).

MGA KONDISYON NG DIYOS

Paano maihahambing ang plano ng Diyos para sa Kanyang mga lingkod sa iyong plano? Ito ba ay mas malaki at mas mahusay? Tiyak, oo! At, ito ay walang hanggan. Kahit na ang iyong plano ay matagumpay, hindi ito magtatagal. Dapat mong harapin ang hindi kanais-nais na katotohanan na ikaw ay mortal.

May plano ang Diyos para sa iyo. Nais mo bang mabuhay magpakailanman, sa bagong mundo ng Diyos? Maaari; ngunit kailangan mong gumawa ng isang bagay tungkol dito. Handa ka bang sundin Siya ngayon? Sinabi ni Jesus, “Sumunod ka sa akin” at "Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15).

Ipinangako ng Diyos: “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas” (Mateo 16:16). Sinabi ni Jesus na kapag siya ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama, ay “bibigyan [niya] ang bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa” (Mateo 16:27).

Para sa mga mahal sa Diyos, darating ang araw na "ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila … papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Apocalipsis 21:3, 4).

Hindi nais ng Diyos na makaligtaan mo ang magandang araw na iyon!

Ang Plano ng Diyos sa Sanglibutan –at Sa’yo

CBM

Button

Kung hindi ka sumasang-ayon na mayroon tayong mga problema, nakatira ka sa ibang planeta! Sinabi ng isang pinuno ng pulisya sa USA: "Walang disiplina sa sarili. Ito ay ganap na pagpapakalayaw. Walang respeto sa batas at pagpapahalaga."

1. ALING ARAW ANG SABBATH?

Marahil ay magugulat ka sa sagot sa katanungang ito. Ang Sabbath sa Bibliya ay nagsisimula sa paglubog ng araw tuwing Biyernes at natatapos sa paglubog ng araw tuwing Sabado. Ganyan sinusunod ng mga Hudyo ang Sabbath. Ang araw ay nagsisimula sa oras ng paglubok ng araw. Ang dahilan nito ay matatagpuan sa Genesis 1:5, “At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.” Gabi ang nauuna.

Ang Sabbath, at ang mga tungkulin ng mga tao sa Sabbath ay unang naitala pagkalipas 2,500 taon, sa Exudos 20:9,10: “Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Dios” … “pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at pinakabanal.” Ito ay sinusunod pa rin ng mga Hudyong orthodox hanggang ngayon. Ito ay isang magandang pagkakataon para makapagpahinga sa anim na araw na trabaho, lalong-lalo na ng mga alipin. Sa pangkalahatan, ito ay kapahingahan sa mga abalang araw ng pagtatrabaho. Sa Sabbath, naibibigay nila ang kanilang buong atensiyon sa gawain sa Panginoon, ang pagsamba.

2. INISIP BA NI JESUS NA ANG SABBATH AY ISANG ESPESYAL NA ARAW?

May malaking pagkakaiba sa pagitan ng paniniwala ng mga matatanda ng Hudyo at sa paniniwala ni Jesus. Ang mga pinunong ito ay lubhang estrikto. Sila ay mahigpit sa mga taong hindi kasing-estrikto nila tungkol sa pagpapatupad ng mga batas. Sa katunayan, mas malubha pa sila kaysa hinahangad ng Dios. Ito ay malayo sa pananaw na mayroon si Jesus. Nauunawaan niya ang tunay na kahulugan ng Sabbath.

Ang mga matatanda ng mga Hudyo ay nakatuon sa “sulat ng batas”. Si Jesus ay nakatuon sa “espiritu ng batas”. Nang pagalingin ni Jesus ang mga kalalakihan at kababaihan sa araw ng Sabbath, ang mga matatanda ay nagalit sa kanya. Sila ay dumaing dahil ang taong pilay na pinagaling niya ay “nagtrabaho” sa araw ng Sabbath. Siya ay nagbuhat ng kanyang higaan pagkatapos niyang gumaling! Sila rin ay nagalit sa mga alagad ni Jesus ng sila ay nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay trigo, sa araw ng Sabbath.

Noong nagpagaling si Jesus sa araw ng Sabbath, alam niya na ito ay sa ikakaluwalhati ng Dios. Ito dapat ay tama, dahil ginawa ni Jesus ang gawain ng kanyang ama. Ang Dios ay nalugod na tawagin si Jesus na “Ang sinisinta kong Anak”. Sabin i Jesus, “Ginawa ang Sabbath para sa tao”. Ito ay araw ng kapahingahan at pagsamba, at para dakilain ang Dios sa pamamagitan ng paggawa ng ng kanyang kalooban.

Ganun din nang pagalingin ni Jesus ang babaeng may baluktot na katawan ng 18 na taon (Luke 13:11-13), at isang lalaking paralisado ng mahigit 38 na taon, (John 5:1-9), ang mga matatanda ay patuloy na nagmamaktol. Subali’t ang Sabbath, sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus, ay lalong pinabuti. Mas higit pa kaysa pisikal na kapahingahan ang inaalok ni Jesus nang sabihin niyang “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” (Matthew 11:28-30). Kaya rin ni Jesus na pasanin ang pabigat na kasalanan. Kaya niyang ipakita ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.

Ang halimba ni Jesus ay mamakakatulong sa atin upang lalo nating maiintindihan ang tunay na kahulugan ng Sabbath. Araw-araw, ginagawa niya ang kagustuhan ng kanyang Ama. At kailangan itong sundin ng kanyang mga alagad. Ang paggawa ng kalooban ng Dios araw araw ay mas mahalaga kaysa makipagtalo kung kailangan ba o hindi ang pagsunod sa Sabbath.

3. DAPAT BANG IPANGILIN NG MGA KRISTIANO ANG SABBATH?

Maraming dahilan kung bakit hindi dapat pilitin ang mga Kristiano na ipangilin ang Sabbath bilang espesyal na araw:

a) Wala sa Bagong Tipan ang nagsasabi sa mga Kristiano na dapat ipangilin ang Sabbath.

b) Sa Acts 15, napagpasiyahan ng mga matatandang Kristiano na “walang lalong mabigat na pasanin” ang iatang sa mga hindi Hudyong Kristiano maliban sa “magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid”. Ito ay isang matalinong payo. Ito’y magpapanatili ng kaayusan sa mga Kristianong Hudyo at Gentil. Pansinin natin na ang Sabbath ay hindi kasali bilang isang bagay na dapat ipangilin ng mga Gentil na Kristiano.

c) Hindi binanggit sa Bagong Tipan na ang mga Kristiano ay hinatulan dahil sa hindi pagsunod sa Sabbath.

d) Sa Exodus 31:13-17, nakasaad na ang Sabbath ay tanda sa pagitan ng Dios at ng Israel. Walang binanggit na ito ay tanda sa pagitan ng Dios at mga Kristiano.

e) Ang mga Kristiano ay hindi napasailalim sa kautusan ni Moises. Ito ay maliwanag na ipinahayag ni Pablo sa Galatians 3:24-25, “ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo”. Sinasabi sa atin ni Pablo na may kalayaan kay Cristo ang mga Kristianong mananampalataya. Sa katunayan, nagalit si Pablo sa ilang mga Kristiano noong bumalik sila sa kautusan. Tinawag niya silang “mangmang na taga Galacia” dahil sa ginawa nila (Galatians 3:1).

Ang mga Kristiano ay binigyan ng kalayaang pumili  kung pahahalagan o hindi ang Sabbath bilang espesiyal na araw. Sinabi ni Pablo …

“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng Sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo” (Colosians 2:16, 17).

Si Jesucristo mismo ay ang diwa. Ang kanyang salita at gawa ay siyang makapagbago sa ating buhay. Ang batas ay anino lamang. Ang pagkikipagtalo tungkol sa Sabbath ay pagkikipagtalo tungkol sa anino. Nawawala ang tunay na kahalagahan nito. Ang pagkaunawa sa buhay ni Jesus ay higit na mahalaga.

Sinabi sa’tin ni Pablo, sa payak na salita: “May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip” (Romans 14:5). Ibig sabihin, wala ni isa sa atin o anomang grupo ng relihiyon ang magsasabi kung paano natin ipangilin ang Sabbath. Ang mga Hudyo ay dapat na magpangilin ng Sabbath dahil sinabi ito ng Dios sa kanila. Maaari itong gawin ng mga Kristiano, ngunit hindi kailangan. Hindi ito inutos ng Dios sa mga Kristiano.

Ang ating pagtuunan ng pansin ay ang buhay ng ating Panginoong Jesus, ang kanyang turo at ang kanyang sakripisyo. Ito ang maghahatid sa atin sa kaligtasan at buhay na walang hanggan. Kailangan natin isipin na araw-araw ay para sa Dios, dahil lahat ng oras natin ay para sa Dios. Kailangan natin lumakad ng naayon sa Dios.

4. ANO ANG “KAPAHINGAHAN” NA PINANGAKO NG DIOS SA MGA MANANAMPALATAYANG KRISTIANO?

“Yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan … Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso. May natitira pa ngang isang pamamahingang Sabbath, ukol sa bayan ng Dios.” (Hebrew 4:1-9). Ang pagkakilala kay Jesus ay nagbibigay sa atin ng kapahingahan. Ngunit naghihintay sa atin ang mas dakilang pagpapala sa darating na panahon. Ito ay ang pagbabalik ni Jesus sa lupa. Bubuhayin niya muli ang mga patay at bibigyan ng buhay na walang hanggan ang mga tunay na mananampalataya. Darating siya na “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon”. Ito ay magiging panahon ng kapayapaan at kagalakan.

Ang panahong ito sa hinaharap ay tinatawag ng Bibliya bilang “Kaharian ng Dios”. Sa panahong ito, ang magandang mensahe ay “ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Revelation 11:15).

At ang mga naligtas ay tutulong kay Jesus sa pagtuturo ng mensahe ng kaligtasan sa mga taong mortal sa lupa. Isang napakagandang biyaya sa atin! Kung ating sasambahin nang katanggap-tanggap ang Dios sa araw-araw, at hindi lamang sa araw ng Sabbath, ay mapapasaatin ang buhay na walang hanggan sa pababalik ng ating Dakilang Hari.

Ang Sabbath

ITO BA’Y ISANG ESPESYAL NA ARAW?

CBM

Button

Marahil ay magugulat ka sa sagot sa katanungang ito. Ang Sabbath sa Bibliya ay nagsisimula sa paglubog ng araw tuwing Biyernes at natatapos sa paglubog ng araw tuwing Sabado. Ganyan sinusunod ng mga Hudyo ang Sabbath. Ang araw ay nagsisimula sa oras ng paglubok ng araw

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page