top of page

Ang Langit at Impiyerno

Ang Langit at Impiyerno

CBM

1. ANO ANG LANGIT?

Sinasabi sa atin ng Bibliya ang ilang mahahalagang katotohanan tungkol sa langit:

· “Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao” (Psalm 115:16).

· “Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios” (Matthew 5:34).

· Si Jesucristo na immortal na anak ng Dios, ay “tinanggap sa langit”, ngunit, siya’y babalik sa lupa (Acts 1:11).

· “At walang umakyat sa langit,” (John 3:13) “Sapagka't hindi umakyat si David sa …

mga langit … siya'y namatay at inilibing” (Acts 2:34, 29).

Ano ang natutunan natin sa mga katotohanang ito ng Bibliya?

(i) Ang langit ay tirahan ng Dios, hindi atin. Hindi Niya tayo inaanyayahan na samahan Siya sa langit, maski bago mamatay o pagkatapos mamatay.

(ii) Ang langit ay luklukan ng Dios. Totoong ang mga tinubos ay magiging “hari at sasardote” ngunit “sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa” (Revelation 5:10).

Ang lahat ng ating binasa ay akma nang perpekto sa Psalm 115:10: “ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao”. Kaygandang araw marahil ng araw na iyon kung “ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon” (Habakkuk 2:14).

(iii) Dahil ang plano ng Dios sa sangkatauhan ay nauugnay sa lupa, maiintindihan natin kung bakit sinabi ng Jesus na “walang umakyat sa langit,” at kung bakit sinabi ni Pedro na “hindi umakyat si David sa mga langit”.

Bakit tayo pupunta sa langit kapag tayo’y mamamatay, kung ang lahat ng plano ng Dios sa mga tapat Niyang lingkod ay magaganap sa lupa? Sinabi ni Pedro sa mga Hudyo “magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon; At upang kaniyang suguin ang Cristo … siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay” (Acts 3:19-21). Ang mga propeta sa Lumang Tipan ay nagsalita tungkol sa muling pagtatayo ng kaharian sa lupa. At ito ay magyayari sa pagbabalik ni Jesus upang maging “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon” (Revelation 19:16). Katulad ni Jesus, tayo ay nanalangin na “dumating nawa ang kaharian mo” (Matthew 6:10).

2. SAAN ANG IMPIYERNO?

Ang “impiyerno” ang salita sa Biblia na madalas ay hindi nauunawaan. Sa Lumang Tipan, ito’y nangangahulugang “hukay”. Sa Bagong Tipan, ang impiyerno ay maaring “libingan/hukay” o tumutukoy sa “Libis ng Hinnom”, isang literal at totoong lugar sa labas ng Jerusalem.

Ang paniniwala na ang impiyerno ay lugar na pupuntahan ng mga masasamang tao pagkamatay, at dito ay masusunog magpakailaman, ay hindi totoo. Bakit hindi? Dahil ang Bibliya ay nagsabi na;

· Ang pinakamabuting tao na nabuhay sa mundo, si Jesucristo, ay pumunta doon nang mamatay siya.

· Si Jesus ay lumabas mula sa impiyerno (hell) nang buhayin siyang muli sa mga patay.

Walang pag-aalinlangan sa dalawang katotohanang ito. Sa Acts 2:26-27, sinipi ni Pablo ang Psalm 16:10 na nagsasabi, “Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol (hell). Sinabi niya na alam ni David na “ilulukluk Niya ang isa sa kaniyang luklukan; nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo“ (Acts 2:30-31). Ang ibig ipakahulugan nito, si Jesus ay galing sa libingan/hell nang buhayin muli siya sa mga patay.

Hindi lamang sa lumabas mula sa impiyerno (hell) si Jesus, sinabi rin niya na “At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades (hell)” (Revelation 1:18). Bakit ba tayo mayroong mga susi? Para buksan ang pintuan. Pininta ni Jesus ang isang maliwanag na larawan sa “pagbukas ng pintuan” ng impiyerno at ng kamatayan, sa pamamagitan ng pagbuhay muli sa mga patay sa kanyang pagbabalik (1 Corinthians 15:20-23).

Kailangan na nating itanong ngayon ang tanong na: “Saan ang hades (hell) na pinuntahan ni Jesus?” Ating nabasa, “kinuha ni Jose ang bangkay … at inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan” (Matthew 27:57-60). Ang “impiyerno/hell” sa Psalm 16:10 na pinuntahan ni Jesus ay isang libingan. Ang libingan ay isang madilim at natatakpang lugar. Sa katotohanan, ang katulad na salitang Hebreo na nagmula sa Lumang Tipan na isinalin bilang “hell”, ang salitang sheol, ay isinalin sa English bilang “grave” o libingan sa Psalms 49:15.

Ang pangunahing kahulugan ng salitang “sheol” sa lumang tipan (Hebrew) at “hades” sa bagong tipan (Greek) ay “ang hindi nakikita” o ang lugar na natatakpan”. Kaya ang impiyerno, ang libingan, at hindi nakikitang lugar ay magkasingkahulugan. Tunay nga na si Jesus ay binuhay muli sa mga patay sa libingan ni Joseph.

Si Jesus ay nagtagumpay laban sa kasalanan at kamatayan. Mainam na sabihin ni David na “tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol” (Psalm 49:15). Literal na bubuhayin ni Jesus ang mga responsible sa kanya mula sa impiyerno; yaon ay, ang libingan.

‘Ni minsa’y hindi binanggit ng Bibliya na ang “sheol” ay lugar ng masasama para sa walang hanggang paghihirap. Gumamit si Jonah ng salitang “sheol” (“hell” AV) upang sabihing siya ay napasa-tiyan ng malaking isda (Jonah 1:17 – 2:2). Ito ay isang perpektong halimbawa ng “hell” na ang ibig sabihin ay “lugar na natatakpan”. Walang kinalaman ang “hell” (o impiyerno) sa nasusunog ng apoy.

May dalawa pang mga salitang Griyego, bukod sa “hades” na isinalin din bilang “hell” sa Bagong Tipan. Ang isa dito ay minsan lang nabanggit, sa II Peter 2:4. Ito ay nangangahulugang “pinakamalalim na bahagi ng lugar na natatakpan”. Ang isa pang salita ay madalas gamitin at tumutukoy sa “Libis ng Hinnom”. Ang mga basura ng Jerusalem ay tinatapon at sinusunod ditto. Dito rin tinatapon ang mga bangkay ng mga kriminal, at sinusunog sa apoy na hindi hinahayaang maapula. Bagama’t ang mga ito’y patay na katawan at hindi mga buhay. Ang apoy ang siyang patuloy na nagsusunog, hindi ang ang mga patay na katawan ang patuloy na nasusunog.

Nalalaman ng lahat ng mga nakatira sa Jerusalem ang gustong ipahiwatig ni Jesus, nang sinabi niya ang tungkol sa katawang “mabulid sa impierno” (Matthew 5:29). Siya’y nagsasalita tungkol sa walang hanggang kamatayan para sa mga hindi nagsilakad sa kagustuhan ng Dios.

Samakatuwid, ang kahulugan ng salitang “hell” sa bagong tipan ay “hindi nakikita” o tinatawag nating libingan/grave o di kaya’y “Libis ng Hinnom”. Ang “hell o impiyerno” ay hindi lugar ng walang hanggang pagdurusa.

3. PAANO MAKATUTULONG SA ATIN ANG PAG-ALAM SA KATOTOHANAN TUNGKOL SA LANGIT AT IMPIYERNO PARA MAUNAWAAN ANG LAYON NG DIOS SA SANGKATAUHAN?

Ito ay isang malaking tulong sa atin. Ang Bibliya ay nagsabi tungkol sa “langit”, ngunit hindi plano ng Dios na pumunta tayo doon. Kung tayo ay mamatay bago dumating si Jesus, tayo ay pupunta sa libingan (“hell”). Hindi tayo dapat na matakot, kung tayo ay nabibilang kay Jesus. Sinabi niya, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan” (John 11:25). Sa muling pagbabalik niya sa lupa, “Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?” (1 Corinthians 15:54-55). Ang mga tapat sa kanya ay pagpapalain ng buhay na walang hanggan sa paghuhukom (tignan “Pagkabuhay na Maguli at Paghuhukom” sa serye ng babasahin na ito)

Nangako ang Dios na pupunuin Niya ang lupa ng Kanyang kaluwalhatian. At ito ay matutupad sa muling pagbabalik ni Jesus upang itatag ang kaharian ng Dios. Siya ay maghahari mula sa Jerusalem, “siyang bayan ng dakilang Hari.” (Matthew 5:35). Sa panahon na yaon, “lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.” (Psalm 72:11); “at siya'y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa:” (Zechariah 9:10).

Ikaw? Makakasama ka ba sa mga tapat na mananampalataya kay Jesus? Gusto mo bang maging immortal, gaya nila, at tulungan si Jesus na turuan ang mga mortal na tao upang sumunod sa Dios? Dahil, “silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran” (Daniel 12:3).

Kung pagsisilbihan mo nang katanggap-tanggap ang Dios ngayon, ikaw ay mapapabilang sa dakilang gawain ng pangangaral sa mga araw na darating. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga tunay na tagasunod, “sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo” (John 14:19).

Ang kaharian ng Dios ay darating. Tunay nga, na sa araw na yaon, ang biyaya ng langit ay magpapaulan sa ibabaw ng lupa.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page