
Bible Education Center
Digital Library
But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you. (Matt. 6:33)
Ang Sabbath

CBM
1. ALING ARAW ANG SABBATH?
Marahil ay magugulat ka sa sagot sa katanungang ito. Ang Sabbath sa Bibliya ay nagsisimula sa paglubog ng araw tuwing Biyernes at natatapos sa paglubog ng araw tuwing Sabado. Ganyan sinusunod ng mga Hudyo ang Sabbath. Ang araw ay nagsisimula sa oras ng paglubok ng araw. Ang dahilan nito ay matatagpuan sa Genesis 1:5, “At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw.” Gabi ang nauuna.
Ang Sabbath, at ang mga tungkulin ng mga tao sa Sabbath ay unang naitala pagkalipas 2,500 taon, sa Exudos 20:9,10: “Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni't ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Dios” … “pinagpala ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at pinakabanal.” Ito ay sinusunod pa rin ng mga Hudyong orthodox hanggang ngayon. Ito ay isang magandang pagkakataon para makapagpahinga sa anim na araw na trabaho, lalong-lalo na ng mga alipin. Sa pangkalahatan, ito ay kapahingahan sa mga abalang araw ng pagtatrabaho. Sa Sabbath, naibibigay nila ang kanilang buong atensiyon sa gawain sa Panginoon, ang pagsamba.
2. INISIP BA NI JESUS NA ANG SABBATH AY ISANG ESPESYAL NA ARAW?
May malaking pagkakaiba sa pagitan ng paniniwala ng mga matatanda ng Hudyo at sa paniniwala ni Jesus. Ang mga pinunong ito ay lubhang estrikto. Sila ay mahigpit sa mga taong hindi kasing-estrikto nila tungkol sa pagpapatupad ng mga batas. Sa katunayan, mas malubha pa sila kaysa hinahangad ng Dios. Ito ay malayo sa pananaw na mayroon si Jesus. Nauunawaan niya ang tunay na kahulugan ng Sabbath.
Ang mga matatanda ng mga Hudyo ay nakatuon sa “sulat ng batas”. Si Jesus ay nakatuon sa “espiritu ng batas”. Nang pagalingin ni Jesus ang mga kalalakihan at kababaihan sa araw ng Sabbath, ang mga matatanda ay nagalit sa kanya. Sila ay dumaing dahil ang taong pilay na pinagaling niya ay “nagtrabaho” sa araw ng Sabbath. Siya ay nagbuhat ng kanyang higaan pagkatapos niyang gumaling! Sila rin ay nagalit sa mga alagad ni Jesus ng sila ay nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay trigo, sa araw ng Sabbath.
Noong nagpagaling si Jesus sa araw ng Sabbath, alam niya na ito ay sa ikakaluwalhati ng Dios. Ito dapat ay tama, dahil ginawa ni Jesus ang gawain ng kanyang ama. Ang Dios ay nalugod na tawagin si Jesus na “Ang sinisinta kong Anak”. Sabin i Jesus, “Ginawa ang Sabbath para sa tao”. Ito ay araw ng kapahingahan at pagsamba, at para dakilain ang Dios sa pamamagitan ng paggawa ng ng kanyang kalooban.
Ganun din nang pagalingin ni Jesus ang babaeng may baluktot na katawan ng 18 na taon (Luke 13:11-13), at isang lalaking paralisado ng mahigit 38 na taon, (John 5:1-9), ang mga matatanda ay patuloy na nagmamaktol. Subali’t ang Sabbath, sa pamamagitan ng mga gawa ni Jesus, ay lalong pinabuti. Mas higit pa kaysa pisikal na kapahingahan ang inaalok ni Jesus nang sabihin niyang “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.” (Matthew 11:28-30). Kaya rin ni Jesus na pasanin ang pabigat na kasalanan. Kaya niyang ipakita ang daan patungo sa buhay na walang hanggan.
Ang halimba ni Jesus ay mamakakatulong sa atin upang lalo nating maiintindihan ang tunay na kahulugan ng Sabbath. Araw-araw, ginagawa niya ang kagustuhan ng kanyang Ama. At kailangan itong sundin ng kanyang mga alagad. Ang paggawa ng kalooban ng Dios araw araw ay mas mahalaga kaysa makipagtalo kung kailangan ba o hindi ang pagsunod sa Sabbath.
3. DAPAT BANG IPANGILIN NG MGA KRISTIANO ANG SABBATH?
Maraming dahilan kung bakit hindi dapat pilitin ang mga Kristiano na ipangilin ang Sabbath bilang espesyal na araw:
a) Wala sa Bagong Tipan ang nagsasabi sa mga Kristiano na dapat ipangilin ang Sabbath.
b) Sa Acts 15, napagpasiyahan ng mga matatandang Kristiano na “walang lalong mabigat na pasanin” ang iatang sa mga hindi Hudyong Kristiano maliban sa “magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid”. Ito ay isang matalinong payo. Ito’y magpapanatili ng kaayusan sa mga Kristianong Hudyo at Gentil. Pansinin natin na ang Sabbath ay hindi kasali bilang isang bagay na dapat ipangilin ng mga Gentil na Kristiano.
c) Hindi binanggit sa Bagong Tipan na ang mga Kristiano ay hinatulan dahil sa hindi pagsunod sa Sabbath.
d) Sa Exodus 31:13-17, nakasaad na ang Sabbath ay tanda sa pagitan ng Dios at ng Israel. Walang binanggit na ito ay tanda sa pagitan ng Dios at mga Kristiano.
e) Ang mga Kristiano ay hindi napasailalim sa kautusan ni Moises. Ito ay maliwanag na ipinahayag ni Pablo sa Galatians 3:24-25, “ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo”. Sinasabi sa atin ni Pablo na may kalayaan kay Cristo ang mga Kristianong mananampalataya. Sa katunayan, nagalit si Pablo sa ilang mga Kristiano noong bumalik sila sa kautusan. Tinawag niya silang “mangmang na taga Galacia” dahil sa ginawa nila (Galatians 3:1).
Ang mga Kristiano ay binigyan ng kalayaang pumili kung pahahalagan o hindi ang Sabbath bilang espesiyal na araw. Sinabi ni Pablo …
“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng Sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo” (Colosians 2:16, 17).
Si Jesucristo mismo ay ang diwa. Ang kanyang salita at gawa ay siyang makapagbago sa ating buhay. Ang batas ay anino lamang. Ang pagkikipagtalo tungkol sa Sabbath ay pagkikipagtalo tungkol sa anino. Nawawala ang tunay na kahalagahan nito. Ang pagkaunawa sa buhay ni Jesus ay higit na mahalaga.
Sinabi sa’tin ni Pablo, sa payak na salita: “May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip” (Romans 14:5). Ibig sabihin, wala ni isa sa atin o anomang grupo ng relihiyon ang magsasabi kung paano natin ipangilin ang Sabbath. Ang mga Hudyo ay dapat na magpangilin ng Sabbath dahil sinabi ito ng Dios sa kanila. Maaari itong gawin ng mga Kristiano, ngunit hindi kailangan. Hindi ito inutos ng Dios sa mga Kristiano.
Ang ating pagtuunan ng pansin ay ang buhay ng ating Panginoong Jesus, ang kanyang turo at ang kanyang sakripisyo. Ito ang maghahatid sa atin sa kaligtasan at buhay na walang hanggan. Kailangan natin isipin na araw-araw ay para sa Dios, dahil lahat ng oras natin ay para sa Dios. Kailangan natin lumakad ng naayon sa Dios.
4. ANO ANG “KAPAHINGAHAN” NA PINANGAKO NG DIOS SA MGA MANANAMPALATAYANG KRISTIANO?
“Yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan … Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso. May natitira pa ngang isang pamamahingang Sabbath, ukol sa bayan ng Dios.” (Hebrew 4:1-9). Ang pagkakilala kay Jesus ay nagbibigay sa atin ng kapahingahan. Ngunit naghihintay sa atin ang mas dakilang pagpapala sa darating na panahon. Ito ay ang pagbabalik ni Jesus sa lupa. Bubuhayin niya muli ang mga patay at bibigyan ng buhay na walang hanggan ang mga tunay na mananampalataya. Darating siya na “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon”. Ito ay magiging panahon ng kapayapaan at kagalakan.
Ang panahong ito sa hinaharap ay tinatawag ng Bibliya bilang “Kaharian ng Dios”. Sa panahong ito, ang magandang mensahe ay “ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Revelation 11:15).
At ang mga naligtas ay tutulong kay Jesus sa pagtuturo ng mensahe ng kaligtasan sa mga taong mortal sa lupa. Isang napakagandang biyaya sa atin! Kung ating sasambahin nang katanggap-tanggap ang Dios sa araw-araw, at hindi lamang sa araw ng Sabbath, ay mapapasaatin ang buhay na walang hanggan sa pababalik ng ating Dakilang Hari.