Ang Parabolang ito ay tumutukoy sa muling pagbabalik ng ating panginoon dito sa ibabaw ng lupa upang masulit ng tao ang kaniyang gantimpala ayon sa kaniyang gawa. Ang panginoong Dios ay naglaan sa atin ng pag asa sa pamamagitan ng ating panginoong Jesus. Ngunit sa kabilang banda napakaraming naging hadlang dito, na kung papaano ang tao ay nagiging hindi handa sa pagbabalik ng panginoon. Sa parabolang ito ay ating matutunghayan ang isang mananampalatayang alipin at ang hindi mananampalatayang alipin. Ito ay isang kwento sa dalawang klasi ng tao kung papaano niya pinanghahawakan ang kaniyang sarili habang naghihintay sa muling pagbabalik ng panginoon.
Tayong lahat ay binigyan ng responsibilidad sa loob ng ecclesia upang ingatan ang bawat isa sa atin. Bawat isa ay may kanikaniyang gawain at kinakailangan na ang bawat isa ay gumalaw ayon sa palatuntunan ng ating Amang Dios. Sa aral na ito ay tinuturuan tayo na tingnan an gating mga kapatid, na dapat ay makita rin naman natin ang pangangailangan ng iba. Ganun paman ang ating panginoon ay nag iwan ng aral para doon sa mga nagdadalawang akala ukol doon sa pangako ng Dios na darating, na kung paano ay napakaraming nagtatanong kung tunay ba ang pangako ng Dios. Ang maling pagiisip at kakulangan ng pananampalataya ay may malaking epekto sa darating na panahon. Sapagkat ang nag iisip na ito’y di mangyayari ay talagang hindi mangyayari sa kaniya.
Ngayon sa loob ng tahanan o maging sa loob ng Ecclesia ay kinakailangan ng magandang ulat at kalidad. Ayon nga sa sinasabi ng ating apostol Pablo sa kaniyang sulat kay Titus ay nag iwan siya ng mga kalidad ng isang namumuno sa Ecclesia, sa Titus 1:7-8 “Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan; Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;.
Theme: The traveling owner of the house
Reading: Mark 13: 24-37
Exhorter: Bro. Dominador Soriano
Summarized by: Bro. Michael Alesna
For more videos of Studies and Exhortations visits: BEC YOUTUBE CHANNEL
Comments