Ang araling ito ay tumutokoy sa isang Hari ng Israel na nag ngangalang Jehoram. Si Jehoram ay nagharing walong taon sa edad na tatlumput tatlo at siya ay kilala bilang isang masamang hari. Sa kaniyang kasamaan maging ang kaniyang mga kapatid ay nakatikim ng kaniyang kalupitan at dumaan ng kamatayan. Isang hari na gumawa ng kasamaan sa harapan n gating Amang Dios.
Ang babasahing ito ay nagpapakilala sa apat na taong may Ketong na nakaupo sa harapan ng pintuang bayan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga taong may Ketong ay karumaldumal ayon sa sulat ni Moises sa Leviticus 13:43-46 “Kung magkagayo'y titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo, gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman; Ay ketongin siya, siya'y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal; nasa kaniyang ulo ang salot niya. At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. Karumaldumal, karumaldumal. Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan.” Ang apat na may Ketong ay nagsasabi sa kanilang sarili na wala na silang pag asa, kaya kanilang ipinasapalaran na lamang ang kanilang buhay kung sila man ay papatayin o bubuhayin na kanilang piniling pasukin ang kampamento ng Siria. Sa kanilang paglalakbay ay may mga bagay na hindi nila inaasahan, isang napakalaking himala at pagliligtas na nagmula sa ating Amang Dios na nasa langit. Na noong silay nakarating na sa kampamento ay nadatnan nilang wala ng tao roon at ang lahat ng kayamanan nila ay kanilang iniwan roon. Ito ay sa kadahilanang ang Dios ay gumalaw upang tulongan ang mga taong ito, ang Dios ay nagparinig ng isang hugong ng maraming kabayo, isang hugong ng malaking hukbo. Dahil ditoý nagmadaling umalis ang mga taga Siria at sa pagdating ng apat na may Ketong ay lubha silang nagtaka kung bakit ganun ang nagyari at inisip nilang silaý mananagot doon. Kamangha mangha ang pag-uugaling meron ang mga taong ito, sa halip na silaý magalak at magsaya dahil sa kayamanan na kanilang naratnan ay natakot sila sa maaring mangyari sa kanila kaya itoý isinaysay nila sa Hari.
Sa pangyayaring ito, nangibabaw ang awa ng ating Panginoong Dios, na siyaý gumawa ng isang himala upang ang mga taong itoý lumapit lalo sa ating Dios. Alam natin na ang Dios ay hindi maramot at nagbibigay siya sa mga taong nangangailangan na humihingi sa kaniya. Kaya nga tayo ay tinuturuan na lumapit sa Dios na may mapagpakumbabang puso, isang puso na tunay sa paglilingkod sa lahat ng pagkakataon.
Theme: God's Victory
Reading: 2 Kings 7
Exhorter: Bro. Jonifer Natividad
Summarized by: Bro.Michael Alesna
For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL
Commenti