top of page
becphilippines

John 15 - Laban lang



 

Laban lang, ito ay isang nakapa epektibong salita na siyang nagpapalakas sa atin habang tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay. Sa araw na tayo ay nagkakatipon tipon ay pinapalakas natin ang bawat isa sapagkat alam natin na ang bawat isa ay naghihina at kinakailangang palakasin ng bawat isa ang kaniyang kapatid at sabihing Laban Lang. Tayo ay mapapalad dahil kilala natin ang Dios at ang ating Panginoong Jesus, mapalad din tayo sapagkat mayroon tayong mga kapatid sa pananampalataya na dumaramay sa oras ng pangangailangan, mayroon tayong pamilya na handang umagapay sa atin sa oras ng kapighatian. Kaya nga sa bawat oras na tayo ay may problema ay isipin lang natin na hindi tayo nag iisa at sabihin natin sa ating mga sarili na Laban Lang.

Sa ating babasahing ito ay ating matatagpuan ang mga pangangaral ng ating Panginoong Jesus na kung saan ay kaniyang ipinakita rito ang espesyal na relasyon ng kaniyang mga alagad, na siyang kaniyang mga pinili upang ipagpatuloy ang kaniyang mga mabubuting aral. Ito ay aral na kung papaano natin panghawakan ang tamang relasyon sa isa’t isa at paano tayo makisama sa lahat ng ating mga gawain sa loob ng Eklesia. Marahil ay mayroon din tayong mga karanasan ka kung minsan ay hindi tayo nagkakaunawaan pero ang samahan ay dapat paring manatili na may pagmamahalan at pagkakaisa. Sapagkat sinabi nga ng Panginoon sa siyaý nasa atin kung tayo ay nangagkakatipontipon sa kaniyang pangalan. Gaano nga ba kahalaga ang relasyon natin sa ating mga kapatid sa pananampalataya, sa ating pamilya, sa ating mga kaibigan at sa ating Panginoong Dios at ng ating Panginoong Jesus. Ang pakikisama natin ay nagbubunga ng maraming mga bagay, una dito ay ang ating emosyon, ang lakas natin, ang tamang kasama, ang tiwala sa bawat isa at ang pakiramdam na hindi tayo nahihiwalay sa iba. Kung minsan ay nakakaramdam tayo na bakit parang naiiba tayo at bakit parang wala tayong kasama. Ngunit ang kaisipang ito ay mali sapagkat kailan man ay hindi tayo nag iisa at ang kinakailangan lang nating gawin ay tumingin sa ating paligid at sabihin sa iyong sarili na marami tayo. Tayo ay tinuturuan ng Panginoon na kung dumating sa buhay natin na nagkaroon tayo ng problema sa ating kapatid ay harapin natin ito na maypagmamahal at pagpapakumbaba. Tinuturuan din tayo na makiisa sa ating mga kapatid at maging mapagmahal sa ating mga kapatid na atin ding tingnan ang sitwasyon kung tayo ba ay nasa tama o tayo ba ay nagkakamali. Maraming pagkakataon na nangaral ang ating Panginoong Jesus patungkol sa kaniyang pagkakatawag sa atin, at kaniyang tinawag tayong alipin ng ating Panginoon, at ito ay itinuro sa atin upang malaman natin na kinakailangan nating sumunod.

Ngayon, tayo ay tumitingin sa lakarin ng ating Panginoong Jesus, at hayag sa atin ang kaniyang lakad na bilang mga alagad at alipin ng ating Panginoon ay kinakailangang tayong makisama sa bawat isa sa ikakaunlad. Bilang mga tinatawag na kapatid, maging malakas at matuwid tayo habang ating hinihintay ang muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus sapagkat wala na tayong hihingin pa kundi ang buhay na walang hanggan.



 

Theme: Laban Lang

Reading: John 15

Exhorter: Bro. Ernesto Facun

Summarized by: Bro.Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

7 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page