top of page
becphilippines

Matthew 14 - A walk to remember




 

Ito ay isa sa pinaka kilalang pangyayari sa buhay ni Apostol Pedro bilang isang alagad ng ating Panginoong Jesus kung papaanong hinangad niyang lumakad sa tubig kasama ng ating Panginoong Jesus. Bilang isang alagad alam nating itoý hindi nagsisimula bilang isang malakas na mananampalataya sapagkat tayong lahat ay nagsisimula sa pagiging bata at kinakailangan nating maging handa at lumakas sa lahat ng ating lakarin sa mundong ibabaw.

Ang aral na ito ay pinamagatan nating “A walk to Remember” isang paglakad na kasama ng ating Panginoong Dios at ng ating Panginoong Jesus. Si Pedro ay kilala bilang isa sa mga malalapit na alagad ng ating Panginoong Jesus, kaakibat nito ang pagiging positibo niya sa lahat ng kanilang lakarin lalong lalo na sa pangangaral ng salita ng Dios. Sa praktikal na buhay tayo ay may kanikaniyang misyon, maaring ito ay sa Pamilya, Paaralan, Kaibigan, Trabaho, sa Sarili, sa Komunidad at sa Pag ibig. Sa kabilang banda tayo rin ay may pananagutan at misyon bilang mga mananampalataya halimbawa ang pagiging masunurin, pangangaral ng salita ng Dios, pagbabasa ng Biblia, pagpapalakas sa ating mga kapatid at maging ganun na rin sa ating komunidad na makita nila at makilala tayong may Dios. Sa lahat ng misyon natin sa buhay ay may mga nakaabang na pagsubok sa ating buhay. Sa ating mga sarili may mga iba’t ibang klase ng pagsubok, ito ay ang kasaganaan at kahirapan. Minsan binigyan tayo ng biyaya upang subukin tayo kung kakailanganin pa ba natin ang Dios sa panahon ng kabutihan? Kung minsan naman ay naghihirap tayo, itatakwil ba natin ang Dios dahil dito. Sa ating binasa nakita natin doon kung papaanong ninais ni Pedro na lumusong sa Tubig ngunit dahil sa kakulangan ng pananampalataya ay unti-unti siyang lumubog. Ngunit dahil sa ating Panginoong Jesus siya ay nailigtas mula sa kapahamakan.

Sa pagsubok at problema sa ating buhay at huwag tayong mag alinlangan sapagkat ang Dios at ang ating panginoong Jesus ay handang tumulong sa atin. Hindi masamang magpahinga, lahat tayo ay napapagod pero hindi maaring huminto. Kaya sa ating lakarin, huwag nating isipin na mag-isa lang tayo, andiyan an gating mga kapatid at higit sa lahat an gating Dios kasama ng kaniyang anak, an gating Panginoong Jesus.



 

Theme: A Walk to Remember

Reading: Matthew 14

Exhorter: Bro. Joshua Khu

Summarized by: Bro.Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page