top of page
becphilippines

Luke 24 - Abide, Wait, Tarry




 

Ang pangyayaring ito ay katatapos pa lamang ng isa sa pinakamahalagang pangyayari sa banal na kasulatan. Ang panahon na ang ating Panginoong Jesus ay hinuli, pinarusahan, hanggang sa siyaý ipako sa krus at namatay. Ang lahat ng mga itoý nararapat na mangyari sapagkat ito ay sinabi na mula pa noong unang panahon na dahil sa kamatayan ng Kordero ng Dios ay magkakaroon ng pag-asa ang lahat ng maniniwala at susunod sa ating panginoong Jesus. Mahalaga ang mga pangyayaring ito sapagkat dito natin makikita na sulit ang paghihintay natin sa muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus, na gaya ng kaniyang ipinangaral ay may pagkabuhay na mag-uli sa mga patay.

Sa pag-aaral na ito ay bibigyang pansin natin ang salitang “Abide”, ano nga ba ang kahulugan nito sa salitang Grego? Ano ang kahalagahan nito sa ating buhay bilang mga mananampalataya. Ang salitang “Abide”ay laging ginagamit sa banal na kasulatan, maging si Juan ay laging gumagamit sa mga salitang ito sa iba’t ibang pamamaraan. Ang salitang ito ay simpling nangangahulugang manatili o tumira. Ito ay ginamit upang himukin ang ating puso na manatili lagi sa piling ng ating Dios, tinuturuan din tayo na magkaroon ng mahigpit na pakikisama sa Dios. Sa salitang Grego ginamit ang salitang “Hupomeno” na ang ibig sabihin ay upang magpatuloy sa kahirapan o magpatuloy sa ginta ng kabagabagaban. Ginamit din naman ang salitang “Epimeno”sa salitang Grego na nagpapatungkol sa salitang pananatili at pagpapatuloy. Ang pangatlo rito ay ang salitang “Parameno” na ang ibig sabihin naman ay mahabang pananatili o manatiling may pagtitiis. Ang pang-apat naman ay “Emmeno” Pagpapatuloy at paninirahan sa loob. Isang halimbawa nito ay ang pagpapatuloy natin sa lahat ng ating gawain sa Eklesia at sa ating pananatili roon. Pang-lima naman rito ay ang salitang “Perimeno” na ang ibig sabihin ay maghintay o paghihintay. Alam naman natin na tinuturuan din naman tayong maghintay sa lahat ng ipinapangako ng ating Panginoong Dios. Pang-anim ang salitang “Prosmeno” na naka salang-alang ang pagpapatuloy at pananatili kapiling ang mga kasama. Ang ating Panginoong Jesus din naman ay nanatili kasama ang napakaraming tao upang silaý pangaralan ng salita ng Dios. Sa pang-pito ay ang salitang “Diameno”na nangunguhulugang pagpapatuloy ng walang katapusan. Ito ay gumagawang walang kapaguran at pang walang hanggan.

Lahat ng salitang ito ay nagtuturo sa atin na upang ang bawat isa sa atin ay manatiling lagi sa ating Dios. Sapagkat alam natin na ang nanatili sa Dios ay pagpapalain sa mga huling panahon. Maraming mga kilalang tao sa Biblia na patuloy na naghihintay at namatay na tapat sa Dios at sila namaý pinangakuan ng buhay na walang hanggan. Mapalad ang naghihintay at nagtitiis, sapagkat ang magtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas.



 

Theme: Abide, Wait, Tarry

Reading: Luke 24

Exhorter: Bro.Dominador Soriano Jr.

Summarized by: Bro.Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

17 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page