top of page

The Significance of Personal Weaknesses


ree

Lahat ng tao ay may pagkakaiba sa lahat ng aspeto, ganun din ang ating kalakasan at kaninaan ay magkakaiba. Ano nga ba ang kahalagahan ng mga bagay na ito? Ano ang kahalagahan na malaman natin ang ating kahinaan at kalakasan. Kung atin na ngang masiyasat ang ating sarili maganda rin na marunong tayong tumanggap ng ating kahinaan. Sapagkat ang taong hindi marunong tumanggap ng kahinaan ay ang taong di marunong magpakumbaba. Ayon nga sa laging ipinanapangaral ng ating panginoon na marunong at subukin nating mapagpakumbaba.


Sa mga nakaraang taon, nakita natin na hindi lahat ng bagay ay kaya nating gawin at nakita rin natin ang ating kahinaan. Dumating sa punto na ninais nating mapunan ang ating kahinaan at pagkakamali, ngunit ito’y di mangyayari kung di tayo marunong magpakumbaba. Si apostol Pablo ay isang napakagandang ihimplo sa mga bagay na ito, na kaniyang kinikilala ang kaniyang kahinaan. Ayon nga sa sinabi ni Apostol Pablo sa kaniyang sulat 2 Corinto 11:27-30 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran. Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia. Sino ang nanghina, at ako'y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako'y di nagdaramdam? Kung kinakailangang ako'y magmapuri, ako'y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan. Kaya nga sa mga halimbawa na makikita natin sa aral na ito ay maging liwanag at salamin sating buhay.


Tayo ay sinasanay ng ating panginoong Dios, sa pamamagitan ng salita ng Dios. May dalawang uri ng pagsasanay na kinakakailangan nating gawin sapagkat kailangan nating magpakalakas. Una ay ang pagsasanay ng katawan at ang pangalawa ay mas higit dito, ang pagsasanay ng espiritu. Ang mabuhay sa piling ng Dios ay isang napakagandang gawain na kinakailangan nating isabuhay.


Theme: The Significance of Personal Weaknesses

Reading: Romans 7

Exhorter: Bro. Ernesto Facun

Summarized by : Bro. Michael Alesna



For more videos of Studies and Exhortations visits: BEC YOUTUBE CHANNEL

 
 
 

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page