Sa ganang atin ang panahon ay lubhang napakabilis at ang mga pangyayari sa buhay natin ngayon ay mas lalong lumalala at yan ay patunay na nalalapit na ang muling pagbabalik ng ating panginoong Jesus. Bagaman ganito ang mga nangyayari ay patuloy tayong umasa sa mga pangako ng Dios sa ating mga magulang sa pananampalataya na walang iba kundi ang buhay na walang hanggan.
Ang ating exhortasyong ito ay isang napakagandang paalaala para sa atin kung papaano dumating ang magandang balita sa buhay ni Lukas. Maliwanang na sa pangangaral ni Apostol Pablo ay ilang beses niyang nakasama ito sa pangangaral sapagkat si Lukas ay isang manggagamot na siyang patuloy na tumutulong ka Pablo sa panahon na siya’y nagkakasakit. Bilang isang doctor maaring maraming nagmamahal kay Lukas at marahil siya ay may kakayahan sa buhay sapagkat kung mapapansin natin ang kaniyang mga sulat ay ilang beses niyang tinatalakay ang mga kayamanan. Laging nagiging tema ni Lukas ang mga kahalagahan ng kayamanan. Ito ay nag tuturo sa atin kung papaano natin gagamitin ang ating kayamanan at ang kahalagahan ng kayamanan sa Dios. Sa aklat na ito ay tumutukoy sa napakaraming parabola na laging tumuyukoy sa tamang paghawak ng kayamanan at kung papaanong ang ilang tao na siyang humihingi ng tulong ay dapat na tulongan. Ang pagtulong sa ating kapwa tao ay isa sa mga mahahalagang isagawa ng bawat isa sa atin. Na ang exhortasyong ito ay nagbibigay ng aral upang ang bawat isa sa atin ay maging mabuting alipin ng ating panginoong Dios.
Kaya nga habang tayo ay nabubuhay ay gamitin natin sa matalinong pag gamit ang buhay natin. Kung tayo ang meron at tayo naman ay may kakayahang tumulong ay dapat nga tayong tumulong. Huwag nating ipagdamot ang mga bagay na meron sa atin at alam natin na ang Dios ang siyang magibigay sulit sa atin sa huling panahon.
Theme: The Parable of the Good Steward
Reading: Luke 16
Exhorter: Bro. Noli Lagasca
Summarized by: Bro.Michael Alesna
For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL
Comments