top of page

Tagalog Exhortation - Whoever does the will of God

becphilippines


 

Sa simulain ng pangangaral ng ating Panginoong Jesus, siya ay naging kilala sa iba’t ibang bayan. Siya ay gumagawa ng mga himala, nagpapagaling sa mga may sakit at nagpapakain sa karamihan, at dahil dito marami sa kaniya ang nagsisisunod saan man siya pumunta. Sa kadahilanang ang iba’y sa pagpapagaling at pagkain na lamang naka tingin hindi sa aral ng panginoong Jesus at ito ang ilan sa mga habol ng mga taong nagsisisunod sa kaniya. Ang iba’y upang tingnan lamang ang pagkakamali ng panginoon sa lahat ng kaniyang ginagawa. Marami sa mga pangangaral ng panginoon na sinusundan siya ng mga tao at sinusubukan siya sa pamamagitan ng mga kautusan na nagmula sa lumang tipan. Sa Exhortasyong ito, may dalawang tao na pagkukunan natin ng aral, Una ang lalaking may tuyo na kamay na ito’y nakita ng panginoon at pinagaling. Pangalawa ang mga taong nakamasid sa panginoon upang siya’y akosahan na gumagawa ng paglabag sa araw ng Sabbath. Sa panahong ito, maraming tao rin na ang hinahanap ay ang pagkakamali ng kaniyang kapwa na waring kaugali ng mga sinaunang tao na nagmamasid at naghihintay na magkamali an gating panginoong Jesus. Nguni tang lahat ng ito ay hindi nagtagumpay sapagkat ang ating panginoong Jesus ay pinapatnubayan ng Dios at kalian man ay hindi nagkamali sa kaniyang mga ginagawa. Ang ating panginoong Jesus ay may katangiang kagaya ng Dios na hindi sumasang ayon sa kamalian at kasalanan. Kaya ganun na lamang ang galit niya sa mga gawaing ito at dahil dito hindi siya nakagawa ng pagkakasala. Ang ating panginoong Jesus ay hindi kalian man humihingi ng kabayaran sa lahat ng kaniyang ginagawa, ang ninanais lamang niya’y maniwala tayo sa kaniya at sumunod sa kaniyang alituntunin. Isang magandang halimbawa ang pagpapagaling ng panginoon na dahil dito’y marami ang nagsipaniwala sa kaniya dahil dito. Tayo ay tinuturing na parti ng pamilya ng panginoon, na dahil dito dapat tayong makisama sa kanilang gawain, ang paggawa ng kabutihan at pag iwas sa kasalanan. Umasa tayo sa pagbabalik muli ng panginoon ditto sa ibabaw ng lupa upang tanggapin natin ang tunay na kagalingan sa lahat ng ating mga karamdaman. Sapagkat alam natin na ang panginoon lamang ang makakapagbigay ng tunay na kagalingan at kapahingahan ng bawat isa sa atin. Maniwala lamang tayo sa kaniya at gumawa ng ayon sa

kanyang mga halimbawa ay pagpapalain tayo.


 

"Whoever does the will of God"

Scripture Reading: 1 Corinthians 16

Exhorter: Bro Ernesto Facun Jr.



Thank you...


Picture Sources: https://experiencelife.com/wp-content/uploads/2013/04/Paradox-of-Choice.jpg

4 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page