top of page

Tagalog Exhortation - "What Door is God Opening in your Life Today"

becphilippines

Anong pinto ang binubuksan ng Dios para sa ating buhay ngayon? Ito ay isang simpleng tanong na siyang pagkukunan natin ng Aral sa aklat na ito. Marahil tayo ay may kanya kanyang sagot sa tanong na ito sapagkat tayo ay man kanya kanyang pangangailangan at motibo sa buhay. Sa panahon natin ngayon ay sadyang napakahirap na, kung minsan naiisip nating sumuko na dahil sa sobrang bigat na dinadala natin at sa mga problema ng ating buhay, sa mga sakit na dumarapo sa atin at maging sa financial na pangangailangan. Na dahil ditto ay naiisip natin kalian kaya matatapos ang pandimyang ito, at ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tayo nawawalan ng ganang magdasal, magbabasa ng salita ng Dios at kawalan na ng pag asa sa Buhay. Kadalasan, ginugusto nating pagbuksan tayo ng Dios ng pintuan bagaman ninanais ng Dios na tayo ang magbukas ng pintuan para sa kanya. Lagi nating tandaan na mahal tayo ng Dios, na handa tayong tulongan sa lalong madaling panahon, ngunit ninanais din ng Dios na tayo’y gumalaw ng umaayon sa kaniyang kagustuhan. May pagkakataon na may hinihingi tayo sa kaniya na hindi natin nakukuha at marami ring bagay na hindi natin hinihingi ngunit ipinagkakaloob sa atin ng Dios. Ito ay nangyayari sapagkat alam ng Dios ang mga bagay na dapat ay para sa atin at ang mga hindi para sa atin. Kung minsan ang pintuan ng Dios ay nakasara upang ating mapag tanto na kinakailangan nating makipagkasundo sa Dios upang tayo’y pagbuksan. Katulad na lamang sa pangyayari sa panahon ni Noe, na ang pintuan ng arka ay sinarhan ng Dios, na ang ibig sabihin ay nailigtas ang pamilya ni Noe, bagaman ito ay kabaliktaran sa mga nasarhan sapagkat ito’y kaparusahan sa kanila dahil sa hindi pagtalima sa Dios. Ang kaligtasan ay nakabukas sa ating lahat, ngunit ito ay hindi sa lahat ng pagkakataon. Ang pinto ay bukas habang tayo ay nabubuhay pa, na mayroon pa tayong pagkakataon na magbago sa harapan ng Dios. Ngunit kung darating ang panahon na huli na ang lahat ay hindi na tayo makakapasok sa pintuan ng Dios. Katulad na lang ng nangyari sa sampung mga dalaga na nagsipasok ang Lima at naiwan ang Lima sa labas ng pintuan. Kaya sa lahat ng pagkakataon kinakailangan na tayo’y maghanda lalong lalo na sa muling pagbabalik ng ating panginoong Jesus Cristo.


What Door is God Opening in your Life Today

Scripture Reading: 1 Corinthians 16

Exhorter: Bro Ernesto Facun Jr.


Thank you......

14 views0 comments

Recent Posts

See All

Commenti


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page