Ano ng aba ang mga sinyales sa muling pagbabalik ng Panginoong Jesus? Ito ay ilan sa mga tanong ng mga disipolo ng ating panginoon, na kung papaano ay mga katanungan din naman natin ngayon. Ito ay taasang sinagot ng ating panginoong Jesus, na sinasabi unang una ay babagsak ang mga bato ng templo ng Jerusalem at ito nga ang nangyari. Pangalawa ay maraming mga sundalo ang sasakop sa bayan at kanila itong kukubkubin at ang bayan ay aalis sa kaniyang lupain. Higit sa lahat bago paman bumalik an gating panginoon ay mapupuno ng takot ang mundo dahil sa mga kasakunaang darating at doon na nga ay babalik an gating panginoong Jesus. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa lahat ng pahayagan, sa mga balitang ating naririnig ay nagbabadya ng ating pagkabalisa, bagaman ganun paman ang banal na salita ng Dios ay nagpapahiwatig sa atin ng pag asa ng buhay na walang hanggan na siyang magiging pampalubag loob ng ating mga kapighatiang dinaranas ngayon. Alam natin na tayo’y alalayan ng Dios at ito ang sagot ng ating pagkabahala na sa likod ng kahirapang ito ay nariyan ang Dios na nangako sa atin mula pa sa mga magulang sa pananampalataya na sina Abraham, Isaac at Jacob. Ang Psamls 27 ay isang magandang halimbawa sa bawat isa sa atin bilang mga mananampalatayang naghihintay ng ating kaligtasan, halimbawa na lamang ang sinabi niya sa versikolo 14 “Magantay ka sa Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; Oo, umasa ka sa Panginoon.” Ang paghihintay natin sa ating panginoon ay siyang magiging basihan ng exhortasyong ito na kung papaano ay tinuturuan tayong maging metatag at maging matiisin sa lahat ng pagkakataon. Ilan sa mga katanungan natin ngayon, ano ano ng aba ang ginagawa nating paghahanda sa muling pagbabalik ng panginoon? Papaano natin maipapakitang naghihintay nga tayo? At bakit ito mahalaga? Alam nating ito’y napakahalaga sapagkat mapalad ang naghihitay sapagkat sila’y pagkakalooban ng Dios. Gaya na lamang ng sinabi sa aklat ng Luke 12:36 “At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya.” Kaya maliwanag sa bawat isa sa atin na kinakailangan tayong maghintay at mag tiyaga sa paghihintay sa muling pagbabalik ng panginoon.
Theme: "The Waiting Saint"
Reading: Psalm 27
Exhorter: Bro. Efren Facun
Summarized by: Bro. Michael Alesna
For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel
Comments