top of page

Tagalog Exhortation - Sino ang Nagnakaw sa iyong puso




Sino ang nagnakaw ng iyong Puso? Marahil ang katanungan ito ay maaring magbibigay sa atin ng pagbubulaybulayan sa araw na ito. Maaring sa buhay natin masasabi nating tayo ay nasa Dios sa lahat ng pagkakataon, bagaman hindi natin maiiwasan na mayroon at mayroong nagnanakaw ng ating mga puso upang mapalayo tayo sa Dios. Sa dinami dami ng hadlang sa ating buhay upang maipalapit tayo sa Dios, ang lahat ng ito ay bumabagsak sa salitang kasalanan. Dahil sa kasalanan na ating nagagawa tayo ay napapalayo sa ating Dios. Ano nga ba ang ilan sa mga bagay na inilalayo ang ating puso sa Dios? Hindi lingid sa atin na dahil sa ating Trabaho, kaibigan, okasyon, pamilya, karelasyon at mga bagay na nakakaaliw ay ilan lamang sa kumukuha ng ating atensiyon upang ilayo ang ating puso sa Dios. Katulad na lamang ni Haring Solomon na inilayo ng babae ang kaniyang puso, na sa halip na maging focus siya sa Dios ay mas nabigyang pansin niya ang kagandahan ng buhay na kasama ang kaniyang mga babae. Maging ang karangyaan ng kaniyang buhay ay naging sanhi ng kaniyang pagbagsak, pagbagsak ng kaniyang spiritual na katayuan. Ilan sa mga pagkukunan natin ng aral ay kumakatawan sa tatlong personalidad. Si David hari, si Absalom na anak ng Hari at si Ittai na Getheo. Si David na mapagmahal sa anak, Si Absalom na nagnanais maging hari at Si Ittai na nagpasimulang maniwala at sumunod kay haring David. Si Absalom na pinakamamahal ni David ay gumagawa ng paraan upang makuha ang puso ng Israel at nakuha nga ni Absalom ang puso ng bayan. Marami sa mga tao ang naniwala at sumunod kay Absalom hindi sa kaniyang pagiging matuwid kundi sa kagandahan ng kaniyang ka anyuan at dahil sa mga ginagawa niyang nagpapalubag sa kalooban ng mga tao sa bayan. Bilang Hari, mas ninais ni haring David ang umalis kisa lumaban sa kaniyang anak na si Absalom. Ito ay nangyari dahil sa pagmamahal niya kay Absalom at upang pangalagaan narin ang buhay ng nakakarami. Ang tao ay napapalayo sa Dios dahil may mga bagay o taong kumukuha ng ating atensiyon o focus patungo sa buhay na walang hanggang. Katulad na lamang ng mga taong naniwala at sumunod kay Absalom na ang pinatunguhan ay kamatayan. Marami ang sumunod sa kaniya na ang hanggad ay ang magandang buhay na ipinapakita ni Absalom na siya ring hinahanap ng tao sa ngayon. Marami sa ngayon na ang hinahanap ay ang kagandahan ng buhay at hindi ang kagandahan ng buhay pagkatapos ng kamatayan. Mas hinahangad ng karamihan ang mga bagay na siyang nagnanakaw sa kanilang puso palayo sa Dios, mga bagay na temporary lamang na may kasiraan. Tayo ay tinuturuan na bantayan ang ating mga puso na huwag manakaw ng sanlibutan. Na lagi tayong mag ingat sa lahat ng nasa atin at mga dumarating sa atin baka ito ang magiging dahilan na di tayo makakapasok sa kaharian ng Dios.



Theme: "Sino ang nagnakaw sa iyong puso"

Reading: 2 Samuel 15:1-23

Exhorter: Bro. Michael Alesna

Summarized by: Bro. Michael Alesna


For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel

 
 
 

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page