Ang buhay ni Haring David ay laging kakabit ng salitang Dakilang mandirigma, dahilan na siya’y naging bantog sa buong Israel kalakip narin ng karating na mga bansa. Sa mga laban na dinaanan ni David siya ay laging kasama ng Dios, na siya ay pinapatnubayan nito. Isa sa pinaka kilalang laban ni David ay ang kaniyang pakikipaglaban kay Goliath, isang kampeon sa larangan ng pakikipagdigma sa mga Filisteo. Si Goliath ay kilala rin sa kaniyang laki at lakas na dahil dito kahit ang haring Saul ay ayaw lumaban sa taong ito. Sa Apat na pung araw na ang taong ito’y hinahamon ang Israel, ni isa ay walang naglakas loob na labanan siya. Ang ganitong paguugali ay kakulangan ng tiwala sa ating panginoong Dios, at dahil sa pagkukulang na ito, nagbubunga ng kaduwagan at takot sa kalaban. Maliwanag sa pangyayaring ito na kung Malaki ang tiwala natin sa Dios ay maaring magiging matagumpay tayo sa ating mga laban sa buhay. Ngayon, paano pumasok sa usapan ang batang si David, sa halip na siya ay magdadala lamang ng baon para sa kaniyang mga kapatid ay narinig niya kung paano niwawalang puri ni Goliath ang bayan ng Dios at maging ang panginoong Dios mismo. Bilang taong may takot sa Dios at may pananampalataya sa kaniya, hindi pinalagpas ni David ang pangyayaring ito at siya ay nagnais na labanan si Goliath alang alang sa pangalan ng Dios. Hindi nag alinlangan si David na lumaban sa taong ito kahit kitang kita ang layo ng kanilang pang pisikal na kalakasan, sapagkat alam ni David na ito’y hindi lamang laban sa pagitan ni David at Goliath kundi ito ay laban ng Dios na makapangyarihan. Kung tayo ay may Dios, bakit tayo natatakot at nag aalinlangan sa laban ng buhay? Kung tayo ay nagkakaroon ng problema sa buhay, bakit tayo nanghihina? Kung nahihirapan tayo, bakit nawawalan tayo ng pag asa? Hindi ba’t may Dios tayo? Sino nga ang makakatalo sa atin kung tayo’y may Dios? Sa buhay natin, wala tayong ibang malalapitan at sandalan sa lahat ng bagay na dumaraan sa ating buhay kundi ang Dios na maykapal. Kaya sa ating lakarin, tumiwala lamang tayo sa Dios at laging manalangin sa kanya.
Theme: "Si David ang Dakilang Mandirigma"
Reading: 1 Samuel 24
Exhorter: Bro. Jonifer Natividad
Summarized by: Bro. Michael Alesna
Full Video: https://www.youtube.com/watch?v=EOYfa2cE6IY
Thank you!!
コメント