Gaano nga ba kahirap unawain ang salitang pag-ibig? Ito ay isang simpling salita na napakadaling unawain pero napakahirap gawin. Ang salitang ito ay palagi nating naririnig at napakarami naring nagbigay ng aral sa salitang ito, pero gaano ba ito kadalas na ginagawa o isinasabuhay ang salitang pag ibig. Marami naring mga kilala sa biblia na nagiging aral ang mga patungkol sa pag ibig, ngunit bakit iilan ang nagsasagawa nito? Masakit man isipin ang sinasabi nating madali ay isa pala sa mga mahihirap gawin. Kung iisipin natin, hindi naman natin kailangan na maging sobrang talino upang makuha ang nais nitong iparating sa atin, ayon nga sa pahayag ni Solomon, na mabuhay tayong magalak at sumunod sa Dios. Ang pagkakilala natin sa Dios ay katumbas nang pagsunod sa kaniya. Kung atin ngang minamahal ang ating panginoong Dios at ating panginoong Jesus at tuparin natin ang kaniyang kautusan. Si Pablo ay isang napaka gandang halimbawa dito, na dahil sa pagmamahal niya sa Dios ay ninais niyang hulihin at patayin ang mga sumusunod sa ating panginoong Jesus. Sa pagkaka alam ni Pablo ito ay nakakalugod sa Dios, sa kaniyang pagkaka alam ay tama ang kaniyang ginagawa ngunit siya ay nagkakamali dito. Sa buhay natin may mga bagay na inaakala nating na dami ng ginagawa natin sa Ecclesia ay nasisiyahan na ang Dios sa atin. Ngunit para sa Dios ang lubos na mahalaga ay ang pagsunod sa kaniya at pagmahal sa ating kapwa tao. Marami ang nagsasabing nakikilala nila ang Dios ngunit mga hindi gumagawa ng nais ng Dios, ang tawag sa kanila ay Sinungaling. Ito ay taasang ipinahayag sa 1 Juan 2:4 “Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya;” Ni isa man sa atin ay walang nagnanais tawaging sinungaling; kaya ang narapat nating gawin ay sumunod nalamang sa ating panginoong Dios upang di tayo ma bilang na sinungaling. Ang pagmamahal, pagkakilala, at pagsunod sa ating Dios ay kinakailangan magsama sa lahat ng pagkakataon ng ating buhay. Bro.Winefredo
Theme: "How to love thy God"
Reading: 1 John 2
Exhorter: Bro. Winefredo Pimentel
Summarized by: Bro. Michael Alesna
For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel
Comments