top of page

Tagalog Exhortation - "Hidden away inside the house"

becphilippines

 


 

Sa ating babasahin ngayon, sa sulat ni Moses na pinamagatang Exodus, makikita natin ang kagandahang loob ng Dios. Makikita rin atin ditto ang pagliligtas ng Dios sa kaniyang baying Israel mula sa pagka alipin. Ngunit bago paman ipakita o ibigay ng Dios ang kaniyang pangako sa kaniyang bayan ay nagbigay muna siya ng mga palatuntonan na dapat nilang gawin sapagkat sila ay nanirahan noong una sa lugar na walang kinikilalang Dios. Ang mga palatuntonang ito ay siyang makakatulong sa kanila upang silay maging matuwid sa harapan ng ating Amang Dios. Ayon sa ipinahayag ni apostol Pablo sa 2 Thessalonica 2:15-16 “Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat. Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya,”. Ang Dios ay nagbigay ng kaaliwan para sa atin ngunit kinakailangan na pagtibayin ang pagsunod sa palatuntonan ng Dios. Sa nakaraan makikita natin kung paano nila pinaghandaan ang pagliligtas ng Dios s kanila at ganun din sa atin ngayon na dapat nating paghandaan ang muling pagbabalik ng anak ng Dios. Pero bago paman mangyari ang lahat ng ito ay nakaharang sa atin ang napakaraming pagsubok ng buhay, at ngayon dumaranas tayo ng virus na kumakalat sa buong mundo. Ang mga pagsubok ng ating buhay ay kung minsan nagdudulot ng magandang bagay. Tulad na lamang ng virus sa ngayon, dahil dito ay nagsara ang mga painuman, naibsan ang polusyon na dulot ng mga usok, maraming kahalayan ang nahinto dahil sa mga ito. Sa problema na dumaraan sa ating buhay ito ang mga nagpapatibay sa atin upang tayo ay tumayong malakas at nagririsulta ng pagtitiis na sa pagtitiis na ito ay magbubunga ng buhay na walang hanggan. Ganun na lamang ang paglalakbay ng kaniyang bayan patungo sa lupang ipinangako ng Dios sa kaniyang bayan, ay ganun din tayo ngayon na nagalakbay sa mundong ito na naghihintay sa muling pagbabalik ng ating panginoong Jesus. Alam natin na ang aing panginoong Jesus ang sinugo ng Ama upang tayo ay iligtas sa lahat ng paghihirap na ito. Ang halimbawa na ating laging nababasa sa banal na kasulatan ay mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa atin sa gitna ng napakaraming problema sa buhay na ito. Na dahil sa pangako ng Dios at kung ating inaalala ito ay mapapatibay an gating pananalig sa kaniya.


 

Theme: "Hidden away inside the house"

Reading: Exodus 12

Exhorter: Bro. Ruben Madriaga

Summarized by: Bro. Michael Alesna






For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel

8 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page