Ano ang naiisip natin kapag napapakinggan natin ang salitang paghuhukom o ano ang nararamdaman natin sa tuwing napapakinggan natin ang mga katagang yaon? Karamihan ay nakakaramdam ng takot at pangingilabot, ang ilan ay nakakaramdam ng kasayahan sapagkat ito ang araw ng Panginoon. Kung iisipin natin ito ay ang huling araw na kung saan haharap tayo sa hukuman ng Panginoon at susulitin natin ang mga bagay na ating ginawa dito sa mundong ibabaw. Sa paghuhukom na ito ay malalahad ang mga di hayag na bagay, ito man ay mabuti o masama sa harapan ng Panginoong Dios. Sa pagharap natin sa hukuman, kinakailangan na tayo’y magpakalakas at magpakatapang na gaya ng ipinakita ng Daniel bilang halimbawa dito. Na kung paano ito ay ipinakita kay Daniel at maging sa napakaraming propeta at apostol ng ating panginoong Jesus. Ang pangitain na ipinakita dito ay maaring sandata natin, bilang kalakasan natin na sa pagbabalik ng panginoon bagaman mamamatay tayo ay bubuhayin tayo sa araw ng Panginoon. Ang araw ng paghuhukom ay hindi upang katakutan kundi upang maging kalakasan natin sapagkat may pag asa na tayong lahat ay magkakamit ng buhay na walang hanggan. Sa tuwing tayo ay nahihirapan at nararamdaman natin na tayo ay nasa kapahamakan at nag iisa, isipin natin na ang Dios ay nandiyan na handang tumulong sa atin. Tandaan natin na ang Dios ay laging tumitingin sa kaniyang mga minamahal na anak, at ayaw niya itong mapahamak kundi upang iligtas. Ang Dios ay nasisiyahan sa bawat kaniyang nilalang na manumbalik sa kaniya at sumunod sa kaniyang palatuntunan. Nawa’y ang bawat isa sa atin ay magkitakita sa kaharian na darating, kung hindi man ngayon kundi sa lalong madaling panahon. Tandaan natin na ang paghuhukom ay hindi upang katakutan kundi araw ng kaligtasan at kasiyahan.
“Fear not the Day of Judgment”
Scripture Reading: Daniel 10
Exhorter: Bro Ruben Madriaga
Full video:https://www.youtube.com/watch?v=XKJpikAz2aM
Thank you..
Comentarios