top of page

Tagalog Exhortation - "Fear Not God is in Control"

becphilippines

 


 

Fear Not God is in control Nagagalak ka ba sa mga sinyales na dumarating sa panahon natin ngayon? Ito ay isang katanungan na kung papaano ay siyang titingnan natin sa gitna ng mga nagyayaring kasakunaan ngayon. Masakit man isipin ang mga ito ay ilan lamang sa mga masasakit na darating sa ating buhay, hindi pa ito ang huli. Bagaman tayo’y nasa mga ganitong panahon ay patuloy na pinag titibay ng Dios ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng kaniyang mga halimbawang iniwan sa bawat isa sa atin. Kahit ngayon ay maliwanang na gumagalaw ang kamay ng Dios. Ngayon, kung tayo’y magbalik tanaw sa anim na buwan ang nakalipas, ano ang mga ginawa noon at ano ang ginagawa natin ngayon? Napaka lungkot isipin na napakarami nang nagbago lalong lalo na sa loob ng ecclesia. Ang unang araw ng isang linggo na siyang pinaka masayang araw ay unti unting napapawi sapagkat nalimitahan ang pagkikitakita natin sa loob ng Ecclesia at ngayon nagkikitakita nalamang tayo sa ating mga gadget. Maging ganun paman ang Dios ay sumasa atin at walang dapat ipangamba at ikatakot. Sa panahon natin ngayon ay punong puno na ng pangamba dahil sa kabila kabilang mga nangyayari sa ating panahon, pero ang lahat ng ito’y kinakailangang mangyari bago dumating ang ating panginoong Jesus. Halimbawa nalamang dito ang sinabi sa Mateo 24:6-7 “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.” Hindi lingid sa ating kaalaman ang nagyayari ngayon na kung paano ang napakaraming bansa ay naghahanda ng kanilang pandigma. Hindi lamayong mangyari na ito’y maganap sapagkat ito’y nasusulat sa banal na kasulatan bago paman babalik an gating panginoong Jesus dito sa ibabaw ng lupa. Maging mga sinyales sa langit ay darating at makikita ng sangkalupaan bilang pinaka tanda ng pagparito ng anak ng Dios. Ayon sa ipinahayag sa aklat ng Lukas 21:25-26 “At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. Ang lahat ng mga bagay na ito’y darating, at hindi natin dapat ikatakot kundi bagkus ay ika saya natin sapagkat nalalapit na ang pagbabalik ng ating tagapagligtas. Kaya patuloy tayong magpakalakas at magtulongan ang bawat isa sa atin upang ang bawat isa sa atin ay magkikita kita muli sa kaharian ng ating panginoong Dios.


 

Theme: "Fear Not God is in Control"

Reading: Luke 21

Exhorter: Bro. Albert Cruz

Summarized by: Bro. Michael Alesna



For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel

11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page