top of page

Tagalog Exhortation - Beatitudes

becphilippines

 



 

Ang pag-uugali, Ito ay isang salita na kumbaga hindi mahirap unawain. Sa panimulang aral ng ating panginoong Jesus tinuruan niya ang kaniyang mga alagad ng mga magagandang pag-uugali. Sa ating pamumuhay pananampalataya ka man o hindi ang pag uugali ay napaka importante lalong lalo na sa ating pakikipagsalamuha sa ating mga kapwa tao. Sa ating mga mananampalataya napakamahalagang itanong na, bakit napaka importante ang pag-uugali? At bakit ito ay nakakaapekto sa ating buhay mananampalataya. Ganun din sa mga araw araw na pamumuhay natin, sa pagpasok sa mga trabaho ay tinitingnan din naman ang pag uugali at kung minsan ito ay mas mahalaga pa kisa doon sa kaalaman na nasa isang tao. Ang pag uugali ng isang tao ay nakikita minsan sa kung papaano siya nakikisalamuha sa mga tao, at sa kabilang banda ay nakakaapekto ito sa ating imahe sa mundong ito. Sa ating lakarin patungo sa buhay na walang hanggan may mga pag uugaling magiging hadlang sa atin; ilan sa mga sumusunod ay ating makikita sa Salmo 15, hindi lumalakad ng matuwid, hindi gumagawa ng matuwid, hindi nagsasabi ng katotohanan sa dila at puso, naninira ng ibang tao, gumagawa ng masama sa kaibigan at kapatid, nagmamaliit ng kapwa tao, mga mata na puno ng kasamaan, isinusumpa ang sariling kasamaan, pabago bago ng disisyon at ng mga kaibigan, nagpapatubo ng salapi sa kapatid, sumusuhol sa ibang tao upang siraan ang iba. Kaya sa pahayag ng ating panginoong Jesus sa kaniyang mga alagad ay binibigyang diin niya ang mga pag uugaling dapat taglayin ng isang mangangaral at bilang isang kapatid kay Cristo upang taglayin din niya ang pangako ng Dios na buhay na walang hanggan at ang kaharian ng Dios na siyang nakasaad sa Mateo 5 ng aral na ito

 

Theme: "Beatitudes"

Reading: Matthew 5

Exhorter: Bro. Ernesto Facun

Summarized by: Bro. Michael Alesna


For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel


38 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page