top of page

Tagalog Exhortation - Ang Tunay Na Pagnanampalataya

becphilippines


 

Sa buhay natin ngayon, tayo ay dumaraan ng napakaraming pagsubok na sinusubok ang ating pananampalataya. Tayo ay sinusubok ng panahon at problema na dumarating sa ating buhay. Maliwanag na isa sa mga aral sa bawat isa sa atin ay upang paglabanan ang lahat ng mga ito, na kung minsan ito’y nagpapahina sa pananampalataya ng karamihan kung wala ang gabay ng ating panginoong Dios. Maraming bagay ang dapat nating gawin upang ang bawat isa sa atin ay lumakas at maging matatag sa harapan ng Dios, katulad na lamang ng ating readings sa exhortasyong ito. Si Timoteo ay isang binata na hinasa ang kaalaman sa pamamagitan ng kanyang ina at lilang. Hindi rin lingid sa ating kaalaman na siya ay natuto rin sa pangangalaga ni apostol Pablo, na kung paano ay inaring anak ni Pablo si Timoteo sa pamamanpalataya. Ayon sa ating babasahin, marami ang magsisitalikod sa pag gawa sa katotohanan, marami sa mga kapatid ang aalis at higit sa lahat marami ang mahihikayat sa mga maling aral at ito nga ay nangyari hindi lamang sa panahon nila kundi pati sa panahon natin ngayon. Na napakaraming pananampalataya sa ngayon na walang tamang batayan sa banal na kasulatan. Ang pananampalataya ay dapat umaayon sa tamang paniniwala at tamang pag gawa. Kaya sa pangangaral ni apostol Pablo na dapat ay maging mahusay si Timoteo at pagsanayan ang kabanalan sa lahat ng pagkakataon. Tayo ay may takbuhin, at ito ang buhay na walang hanggan. Hinihikayat tayo ngayon na tayo ay makipagbaka ng mabuting pakikipagbaka. Ang takbuhing ito ay nangangailangan ng pagsasanay, hindi sa pagsasanay ng katawan kundi sa pagsasanay sa kabanalan. Ang pagsasanay na ginagawa natin sa oras na ito ay bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng ating panginoong Jesus Cristo. Ayon nga kay apostol Pablo ang pagsasanay na ito ay samahan natin nga pagsusumikat at pagtitiis. Dapat ang dalawang bagay na ito ay isama natin lagi sa lahat ng ating ginagawa sa ating buhay. Nawa ang bawat isa sa atin ay pagpalain ng panginoong Dios habang ating hinihintay ang kaharian na siyang itatatag dito sa ibabaw ng lupa.


 

Theme: "Tunay Na Pananampalataya"

Reading: 1 Timothy 4

Exhorter: Bro. Manzano Donato

Summarized by: Bro. Michael Alesna




Thank you...


4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page