Tagalog Exhortation - Ang Tunay na Kaaliwan
- becphilippines
- Oct 2, 2020
- 2 min read

Ang buhay ng isang mananampalataya ay dumaraan ng napakaraming pagsubok at kung minsan ito ay nagbabadya ng kalungkutan sa ating buhay. Ganun paman ang Dios na maylalang ay naglaan sa atin ng tunay na kaaliwan. Hindi natin maitatago na naaaliw din naman tayo sa mga nasa mundong ito, lalong lalo na sa mga bagay na nasa sanlibutan, kasama na dito ang mga kaibigan natin, laro, gadget, trabaho at napakarami pang iba na siyang nagbibigay aliw sa ating buhay. Ganun paman ito ay walang kahalintulad sa tunay na kaaliwan na siyang ibibigay ng ating panginoong Dios, sa pamamagitan ng kaniyang anak na walang iba kundi ang ating panginoong Jesus. Gaya nga ng nakasaad sa Mateo 5v.4 Mapalad ang nanghahapis sapagkat silay aaliwin. Maging mahirap man ang buhay natin ngayon, pinangako ng Dios na tayo ay aaliwin niya sa takdang panahon at ito ay ang muling pagbabalik ng kaniyang anak dito sa ibabaw ng Lupa. Bilang mananampalataya, kinakailangan na maging focus tayo sa mga bagay na ipinapangako ng ating panginoong Dios at hindi sa mga bagay na ipinapangako ng sanlibutang ito. Gaya nga ng nasusulat sa Romans 15v.4-5 Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa. Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus: Maliwanag sa pahayag na ito, na sa pamamagitan ng banal na kasulatan tayo nay inaaliw sa gitna ng mga problema ng buhay atdahil dito nagkakaroon tayo ng pagasa. Ang pagasa na siyang inaalala natin ay siyang nagpapatibay sa ating mga sarili kung bakit tayo hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa sa ating mga Gawain. Bagaman tayo ay nangagkakatipon lamang sa pamamagitan ng teknolohiya ay patuloy parin tayo sa ating mga ginagawa kasi alam natin na ito an gating kaaliwan at may darating pang mas lalong magbibigay sa atin ng kaaliwan. Sa ating pagpapatuloy sa ating buhay, hindi natin maiiwasang may mga problema at pagsubok tayong dapat lampasan. Ngunit di natin ito makakaya nang nagiisa, kailangan natin ng katuwang sa takbuhing ito, nandiyan ang ating mga kapatid sa pananampalataya, nariyan ang ating panginoong Jesus at maging ang ating amang Dios. Mahirap ang takbuhin lalong lalo na kung wala ang agapay ng ating mga kapatid sa pananampalataya. Kaya maganda na ang dawat isa sa atin ay magtulongan hanggang sa muling pagbabalik ng ating panginoong Jesus.
Theme: "Ang Tunay na Kaaliwan"
Reading: 2 Corinthians 1
Exhorter: Bro. Franklin Basa
Summarized by: Bro. Michael Alesna
For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel
Comments