Ang pagbabago ni haring Manasses, napaka gandang isipin at makita ang pagbabago ng isang tao, lalo na kung ito’y para sa Dios. Sino ng aba si Haring Manasses? Si Manasses ay nagmula sa isang magulang na napaka buti at bilang anak ng hari siya ang napiling maging kahalili nito. Bilang isang anak ng mabuting hari, inaasahan sa kaniya ang katulad ng pag-uugali ng kaniyang ama, ngunit ito’y kabaliktaran ng pag uugali niya. Bago paman nagpasimulang maghari si Manasses, ginawa ng kaniyang ama ang mabuti sa harapan ng Dios, nilinis niya ang Israel sa karumihan ng kanilang gawa. Sa panahong iyon, sila ay nagkakaroon ng napakaraming dios na sinasamba at ito ay labag sa kagustuhan ng Dios. Alam naman natin sa history ng mga hari, at napakaraming matitigas ang ulo na ayaw nang sumunod sa Dios sapagkat pinatigas na ang kanilang puso ng karumihan. At dahil sa kagalingan ng kaniyang ama ay nabago nga ang bayan ng Israel. Sila ay nagbalik loob sa ating panginoong Dios, hanggang sa kamatayan ng kaniyang ama. Bagaman hindi inaasahan na babalik din pala ang bayan sa pag gawa ng kasalanan sa ginta ng kabutihang ginawa ng kaniyang ama. Ayong nga sa nakasulat sa 2 Chronica 32:33 “ang iba nga sa mga gawa ni Ezechias, at ang kaniyang mga mabuting gawa, narito, nangakasulat sa pangitain ni Isaias na propeta na anak ni Amos, na aklat ng mga hari, sa Juda at Israel.” Kung atin namang kikilalanin si Haring Manasses, ayon sa babasahin natin sa 2 Chronica 33:1-2 “Si Manases ay may labing dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limang pu't limang taon sa Jerusalem. At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.” Maliwanag sa mga talatang ito na magkaiba sila ng kaniyang ama ng tinahak na landas, ang isa’y sa kabutihan at ang isa’y sa kasamaan. Sa kaniyang pamumuno ay naibalik ulit ang pag uugali ng bayan na mapagsamba sa diosdiosan at nagpatuloy ang pag gawa nila ng karumalduman na gawain na labag sa kagustuhan ng Dios na makapangyarihan. Maging ganun paman hindi hinayaan ng Dios na magpatuloy ang kaniyang kasamaan. Sapagkat gumawa ang Dios ng paraan upang parusahan siya sa kaniyang mga ginagawa. Ang Dios ay napakabuti, nagbibigay siya ng pagsubok sa ating buhay upang magkaroon tayo ng pagkakataon na makapagbago. Tulad na lamang ni Manasses na dahil sa parusa ng Dios siya ay nag balik loob. Isang napakagandang pangyayari ka kaniyang buhay na kung papaano ay inihayag niya sa Dios ang lahat ng kaniyang kasalanan at ang Dios ay mahabagin at binigyan siya ng pagkakataon. Ganun din sa bawat isa sa atin, ipahayag natin ang ating mga kasalanan at magsisi at magbago.
Theme: "Ang pagbabago ni haring Manasses"
Reading: Chronicles 33
Exhorter: Bro. Jonifer Natividad
Summarized by: Bro. Michael Alesna
For more Videos of Studies and Exhortations visit: BEC Youtube Channel
Comments