top of page

Tagalog Exhortation - Abraham Descendant

becphilippines


 

Ang Exhortasyong ito ay tumutukoy sa isang pamilya, na ang pinaka tinatakalay dito ay ang pamilya ni Abraham. Ito ay kumakatawan sa usapin patungkol sa kung paano gumagalaw ang isang pamilya, kung paano ito pinapalago sa pamamagitan ng bawat tungkulin sa loob ng tahanan. Mahalaga din na makita natin dito ang tinatawag nating Family Oriented, at mapakagandang halimbawa na naiingatan at nagagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak, kung paano nila hinubog ang kanilang pagkatao. Ang mga dinadaanan nating problema at pagsubok sa buhay ay ilan lamang sa nagpapapatatag sa ating pamilya lalo na kung ang mga ito’y malagpasan. Tatalakayin natin ngayon ang aral sa buhay ng pamilya ni Abraham, na kung paano natin ito ihahambing sa ating kanya kanyang pamilya. Magandang tingnan ang takbo ng kanilang pamilya, lalo na nang sinunod ni Jacob ang landas ng kaniyang mga magulang mula kay Abraham at Isaac. Ang tatlong mga magulang na ito ay kapwa naniniwala sa pangako ng ating panginoong Dios. Hindi lamang sa naniniwala sila sa pangakong ito kundi sila ay sumunod at naghihintay sila sa tamang panahon na darating at ito ay sa muling pagbabalik ng ating panginoon. Ayon nga kay Abraham, na siya’y kagaya lamang ng dayuhan na manlalakbay sa mundong ito. Ang pangyayaring ito ay halos kahalintulad din ng mga sinasabi ni apostol Pablo na siya rin ay naniniwalang tayo ay mga manlalakbay lamang sa mundong ito. Kung maaalala natin, si Abraham mismo ang naghanap ng mapapangasawa ni Isaac, na kung paano ay ninais ni Abraham at inihanda niya ang tamang landas ng kanyang anak. Ang relasyon ng mga magulang natin sa pananampalataya ay naglalaro lamang sa pagsunod sa ating panginoong Dios, na kung paano nagiging halimbawa sila upang lakaran din ng mga sumusunod sa kanila. Kung tayo ay tatanungin, saang lugar tayo mamamalagi, manirahan o mapabilang? Sa lugar ba na kagaya ng Canaan na kinabibilangan ni Jacob na ipinangako ng Dios sa kaniyang mga magulang o tayo ay napapabilang sa piniling tahakin ni Isau na piniling manirahan sa lugar na masagana, at puno ng kayamanan at kalayawan? Tayo po ang mayhawak ng ating pagpipiling ito, at nawa’y ating mapili ang tamang landas na tatahakin, ang pagsunod sa yapak ng ating mga magulang sa pananampalataya na sina Abraham, Isaac at Jacob. Bawat pagsubok sa buhay ay malalagpasan natin sa tulong ng ating panginoong Dios, ito man ay mahirap o madali. Kaya walang ibang magdidikta sa ating buhay kundi tayo rin.



 

Theme: "Abraham Descendant"

Reading: Genesis 37

Exhorter: Bro. Noli Lagasca

Summarized by: Bro. Michael Alesna


Thank you..

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page