Sa buhay natin dumaan na tayo ng napakaraming problema, hindi lamang problema kunti sinamahan na rin nga mga masasakit na pangyayari sa buhay natin. Minsan nagtatanong tayo sa ating mga sarili kung gaano nga ba tayo kamahal ng Dios? Pero alam naman natin na ang Dios ay may mas magandang plano para sa ating buhay at ito ay ang makamtan ang kaniyang mga pangako. Bilang mga tinatawag na Kapatid kay Kristo, tayo ay inaasahan na makiramay sa oras ng kasiyahan at kalungkutan sa ating mga kapatid sa pananampalataya. Maging sa pag sama-sama natin sa pagpuputolputol ng tinapay at pagtanggap sa kupa, sa pananalangin ay kinakailangan na tayo ay sama-sama. Tulad na lamang ng nabangit sa Aklat ng mga Gawa, sa Gawa 2:42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin. Tayo nga ay may kanikaniyang buhay, maging ganun din ang ating mga ginagawa sa pang araw araw ng ating pamumuhay. Sa Buhay natin, kung walang Dios ay walang kabuluhan, anong buhay meron tayo ngayon kung wala sa atin ang Dios? Ito ay isang napakagandang katanungan para sa ating lahat.
Sa aklat ng Mga taga Roma 8, Ito ay tumutukoy sa napakaraming bagay na siyang mapagkukunan natin ng aral sa ating buhay. Dito ay makikita rin natin ang mga kamangha-manghang aral na nag mula sa ating Panginoong Jesus, upang ang bawat isa sa atin ay tumayo na kasama an gating Amang Dios. Halimbawa na lamang ang sinabi sa Mga Taga Roma 8:31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? Alam naman natin na walang makakasugpo sa atin kung ang Dios ay sumasa atin at hindi tayo pababayaan ng Dios lalong lalo na kung tayo ay talagang nananalig sa kaniyang kapangyarihan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Dios ay handang gumalaw upang tulungan tayo sa oras ng pangangailangan. Sa Mga Taga Roma 8:35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Alam natin na walang makapaghihiwalay sa atin sa Dios, maliban ng tayo’y magmamapilit na lumayo sa kaniya at atin ngang tatanggapin ang parusa ng Ama.
Theme: Who can separate us?
Reading: Romans 8
Exhorter: Bro. Ernesto Facun
Summarized by: Bro.Michael Alesna
For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL
Comentarios