top of page

June21, 2020 Tagalog Exhortation Reading: Psalms 44 Theme: "Confession of your Faith, Hope and Love"

becphilippines

Tagalog Exhortation

Marami sa atin ang nakaranas at makakaranas ng mga PAGSUBOK sa buhay. Misan, may mga oras na nararamdaman natin na walang sagot sa ating mga PANALANGIN, at ang ating PANANAMPALATAYA ay unti-unting humina at nais na nating tumigil o sumuko.

Ang kahirapan ay isa lamang sa mga PAGSUBOK ng Diyos sa atin. Ang Psalms 44 ay nagbigay sa atin ng isang malaking larawan ng isang MANANAMPALATAYA. Pakiramdam ng mang aawit na ito ay tila baga wala ang Diyos at ang kanyang PANALANGIN ay tila walang kasagutan. Sa kabila nito, pansinin ang huling parte ng kanyang PANALANGIN, (V6) "tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob." Tutubusin tayo ng Diyos dahil sa kanyang dakilang Pag-ibig sa atin. Ang panalangin ay isang instrumento sa pakikipagusap sa Diyos. At Kailangan natin ng pagtitiwala at pananampalataya na darating ang kasagutan sa ating mga Panalangin.

Sa Romans 8:35-39 "Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?. . ..ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin." Maaring nagdurusa tayo ngayon dahil sa mga nangyayari sa ating paligid, NGUNIT tayo ay nanatili sa iniwang salita at halimabawa sa atin:

  • Romans 8:39 "walang makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin."

  • 2 Corinthians 4:17 "Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;"

For more details kindly watch the video : https://youtu.be/AU1p9UnhnG8



58 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page