top of page

Jonah and the repentance of Nineveh



Ang aral na ito ay tumutukoy sa isang lalaking nag ngangalang Jonah, na ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay “Kalapati”. Siya ay isang Propeta na sinugo ng Dios upang pangaralan ang bayan ng Nineveh. Kung papansinin natin ang kasaysayan sa panahong iyan ay makikita natin na ilang ulit na, na nagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Israel at Nineveh. Maliwanag na hindi malapit sa puso ni Jonah ang bayan ng Nneveh sapagkat para sa kaniya sila'y kanilang mga kalaban. Kaya sa halip na pumaroon si Jonah sa bayan ng Nineveh na pinagsuguan ng Dios sa kaniya ay pumaroon siya sa Tarsis, sapagkat alam ni Jonah na ang Dios ay mahabagin at ililigtas din ng Dios ang Nineveh kung sakaling sila ay magsisisi. Ang kautusan ng Dios kay Jonah ay hayagan niyang nilabag at sinuway niya ito. Bagaman ang Dios ay lubhang makapangyarihan at siya'y gumawa ng paraan upang maibalik si Jonah sa kaniyang lakarin patungo sa Nineveh. Kaya nga ang Dios ay nagpadala ng isang malakas na Bagyo upang ipakita kay Jonah na mali ang kaniyang ginawa. Dahil dito ay napagtanto niya ang kaniyang pagkakamali at inihayag niyang siya'y itapon sa dagat at nilunok siya ng malaking isda na inihanda ng Dios at ang bagyo ay huminto at lahat ng mga naka sakay sa barkong iyon ay nagsisamba sa Dios na makapangyarihan.

Nang si Jonah ay pumaroon sa Nineveh, siya ay nangaral sa Nineveh upang sila ay magbago at magsisi sa kanilang mga ginagawa. Ang ginawa ni Jonah ay nagbunga ng isang napakagandang resulta, at ang bayan nga ay nagbago. Ayon nga sa sinabi ng Dios, dapat magbago ang bayan sa loob ng 40 na araw at kung hindi ay susunugin sila ng Dios. Si Jonah nga bago paman dumating ang araw ng paghahatol ng Dios ay lumabas siya sa bayan at umaasang papatayin sila ng Dios, ngunit dahil sa nagbago ang bayan ay iniurong ng Dios ang kaniyang galit. Noong araw nga ng paghuhukom ng Dios ay nagalit si Jonah sapagkat hindi nagyari ang kaniyang inaasahan na lilipulin ng Dios ang bayan. Maliwanag dito ang kagandahang loob ng Dios na siya ay handang magpatawad sa mga taong nagbabago at nagsisisi. Kaya nga ang aral na ito ay nakakatulong sa atin upang tayo ay magbago at lumapit sa kagandahang loob ng Dios.




Theme: Jonah and the repentance of Nineveh

Reading: Jonah 1

Exhorter: Bro.Jonifer Nativdad

Summarized by: Bro.Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visit: BEC YOUTUBE CHANNEL


 
 
 

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page