top of page

Jacob the servant of the LORD

becphilippines


 

Isa sa pinaka mahalagang aklat ay ang aklak ng Genesis sapagkat dito nakasulat ang pasimula ng lahat ng mga bagay at ito ang pundasyon ng lahat ng mga nagyayari sa banal na kasulatan. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng direksyon upang lubusan nating maunawaan ang kagandahang loob ng ating panginoong Dios, kung paano niya nilikha ang buong mundo kasama narin ang paglalang niya sa tao. Dito rin nakasaad kung papaaanong ang tao ay nagkasala at nagbigay ang Dios ng isang pangako upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa sa kaligtasan.


Kilala ang pangyayari sa buhay ni Isau at Jacob, noong panahon na ibenta ni Isau ang kaniyang pagkapanganay sa kaniyang kapatid na si Jacob sa pamamagitan lamang ng isang pagkain. Ngayon sa pagdating ng panahon si Jacob ay nanirahan sa tahanan ni Laban at sa pagkakataong iyon ay nadaya siya sa tradisyon o kaugalian na kinagisnan ni Laban. Sa halip na ibigay ni Laban si Rachel kay Jacob dahil sa pitong taon na pagtatrabaho ay ibinigay niya si Leah, kaya nga nag trabaho ulit si Jacob ng pitong taon ulit para makuha si Rachel. Dito ay naramdaman ni Jacob ang madaya, kaya nga sa buhay natin nararanasan din natin yung mga bagay na ginagawa natin noon. Kung paano dinaya ang pagkuha ng pangkapanganay ni Jacob ay ganun din ang nangyari sa kaniya sa pamamagitan ni Laban. Sa pagsasama ni Jacob at Rachel ay dumaan sila ng napakaraming pagsubok, isa na rito ang hindi pagkakaroon ng anak ni Rachel. Kaya nga lubhang nagdaramdam si Rachel sa mga bagay na ito. Sa kabilang banda ay dumami naman ang anak ni Jacob sa pamamagitan ni Leah ngunit hindi nakuha ni Leah ang pagmamahal na dapat niyang makuha kay Jacob.


Kaya nga kinakailangan nating maging tapat sa ating mga ginagawa at mag ingat tayo sa ating mga lakad, na maging sentro sa buhay natin an gating panginoong Dios. Sa Buhay ni Jacob dumaan siya ng maraming pagsubok at pagkakamali narin, pero gumawa siya ng paraan upang maging matuwid at maging tagasunod ng ating panginoong Dios. Si Jacob nga ay naging magandang halimbawang alipin ng ating panginoon Dios na siyang mapagkukunan natin ng aral.


 

Theme: Jacob the servant of the LORD

Reading: Genesis 30

Exhorter: Bro. Jonathan Alanguilan

Summarized by: Bro. Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

66 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page