top of page

Hidden in the Lord

becphilippines


 

Sa buhay natin na puno ng pagsubok at problema, tayo ngayon ay nangangailangan ng mga aral na siyang magpapalakas ng ating mga pananampalataya. Ang aklat ng Zephaniah ay ilan lamang sa mga maikling aklat sa Biblia ngunit mayroong malalaking aral na siyang magpapatibay sa atin habang naghihintay sa pagbabalik ngating panginoong Jesus. Mula pa noon ay inihayag na, na mayroong araw ng pagbabalik ng Panginoon na siyang naka takda. Sa tuwing ating napapakinggan ang mga salitang ito ano ang ating nararamdaman? Ano an gating iniisip? At ano ang ginagawa natin? Ang Biblia ay naghayag din sa atin ng mga sinyales upang malaman natin kung kalian nga ba darating ang Panginoon, bagaman walang araw o oras ngunit siguradong darating siya sa lalong madaling panahon. Ano ang kaibahan sa taong nakakaalam ng pagbabalik ng Panginoon sa taong walang alam? Malaki ang kaibahan dito, Isa na rito ang pagiging handa sa muling pagbabalik ng panginoon at kung ano-ano ang dapat gawin para sa paghahandang ito. Sa kabilang banda mayroon ding mga taong nakakaalam ng madaliang pagbabalik ng panginoon ngunit hindi pinaghahandaan dahil narin sa kakulangan ng pananampalataya. Sa kapanahonan ni Zephaniah ang Dios ay nagbigay ng paalala patungkol sa mga darating na panahon at dahil sa hindi nila ito dininig ay nagbigay ang Dios ng isang kaparusahan sa kanila. Bakit nga ba nagbibigay ang Dios ng kaparusahan? Halimbawa nalang sa mga magulang, kung ito’y matino ay hindi gumagawa ng kaparusahan ng walang dahilan, ganun din ang mga guro, sila ay nagbibigay ng kaparusahan dahil may nagagawang pagkakamali ang kaniyang mga mag aaral. Ang Dios ay tapat at matuwid, siya ay nagbibigay ng kaparusahan dahil sa ang tao ang gumagawa ng pagsuway sa kaniyang kautusan. Ito ay dahil sa pag uugali ng tao, na may oras nga sila sa Dios pero sa kabilang banda ay binibigyan din ng panahon ang paggawa ng ayon sa sanlibutan. Kaya sinabi nga ng ating panginoong Jesus na atin ngang ihiwalay ang ating sarili sa pag gawa ng maka mundong gawain sapagkat ang panahon ng paghuhukom ay darating sa mga mabubuti at masasama.



 

Theme: "Hidden in the Lord"

Reading: Zephaniah 2

Exhorter: Bro. Jodel James

Summarized by: Bro. Michael Alesna




For more videos of studies and Exhortations visit: BEC YOUTUBE CHANNEL


11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page