Hindi laging madali ang magpasalamat, ngunit ito ang mismong bagay na dapat nating gawin upang makita ang nais ng Diyos sa ating buhay. Ito ay kung paano tayo magtiwala sa ating pananampalataya para sa ating sarili, sa ating kapatid, at sa ating pagasa.
Kapag tayo ay nagpasalamat ka sa gitna ng kahirapan, nagbibigay tayo ng saya sa Diyos. Si
Apostol Pablo – taong natuto at nagturo sa tunay na kahulugan ng pagiging mapagpasalamat sa gitna ng kahirapan at pagsubok ay nagsabi “Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama; (Ephesians 5:19-20)
Ang ating Panginoong Jesu-Cristo – natututong sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama hanggang sa huli. Ang pagsunod ay pagpapakita ng Pagmamahal, ito ay ginawa ng ating Panginoong Jesu Cristo. Sakabila ng kahirapan at sa bandang huli ay kamatayan, siya ay nagpapasalamat sa Diyos “ At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig. (John 11:41)
Nagpapasalamat ka ba Diyos? Nagpapasalamat ka ba sa iyong kasalukuyang kalagayan? Nagpapasalamat ka ba sa iyong kalusugan, sa mga nalalanghap mong hangin, sa araw na nagbibigay ng liwanag, sa iyong mga kapatid, sa iyong trabaho at marami pang iba? Ang pagiging mapagpasalamat ay isang sangkap para sa ating kaligtasan. Gawin natin ito hindi lamang sa salita kundi samahan natin ng gawa. “Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. ( 1 Thessalonians 5:18)
VIdeo:
Comments