Ang kautusan ay parti na ng buhay natin, at ito ay kasama na ng ating paglalakbay dito sa mundong ibabaw. Ito ay katulad ng mga aklat ng Exodus at Leviticus na kumakatawan sa Paglalakbay at Kautusan. Sa kabilang banda ang aklat naman ng Deuteronomy ay kumakatawan sa pagsasa-ulit o inuulit ang mga bagay na nakasaad sa aklat ng Exodus at Leviticus. Ito ay sa kadahilanang maraming bagay ang laging nakakalimutan ng mga tao, hindi lamang sa lumang tipan ng Biblia kundi maging ganun din sa panahon natin ngayon. Sa pangkasalukuyang buhay natin ngayon ay kahalintulad nito ang aklat ng Exodus at Leviticus sapagkat tayo ay naglalakbay na kasakasama natin ang kautusan ng Dios, at ang mga itoý may dahilan. Ilan sa mga dahilang ito ay upang ang bawat isa sa atin ay maging matuwid sa harapan ng ating Panginoong Dios, Upang ang bawat isa ay magsipanatili kaniya bilang kaniyang tapat at matuwid na mga anak. Ito ay isang paglalakbay patungo sa kaharian ng ating Panginoong Dios at bago paman tayo makarating sa ating paroroonan ay kinakailangan muna nating tingnang matuwid ang ating mga dinadaanan.
Sa aklat ng Deuteronomy kapitulo 6 inihayag ni Moises sa bayan ng Dios na ang utos ng ating Panginoong Dios ay isang palatuntunan at kahatulan narin. Tayo rin ay tinuturuang matakot sa Dios, sapagkat sa pagkakaroon ng takot sa Dios ay sinusundan ito ng pagsunod sa kaniyang mga utos. Ang pagkatakot sa Dios ay makakatulong upang tayo ay maging maayos sa kaniyang harapan, at tayo ay hinihikayat na makinig sa salita ng Dios. Hindi lamang magiging tagapakinig sa salita ng Dios kundi upang ganapin ito. Ngunit ang nakakalungkot na katotohanan ay kabaliktaran ng ating pinag aaralan sa mga ginagawa natin sa ating buhay. Napaka sarap sanang basahin ang salita ng Dios, ngunit bakit nga ba nasa ugali nating ayaw magbasa. Bakit nga ba mahirap isagawa ang mga sinasabi ng ating Panginoong Dios. Ayon nga sa aklat na ito Dapat nating ibigin ang Dios ng buong buo, hindi lamang kalahati kundi buo. Maraming tao ang nagtatanong kung papaano makukuha ang buhay na walang hanggan, at maraming tao ang gustong maligtas bagaman iilan ang gumagawa ng hakbang upang isagawa ang mga kasagutan nito.
Kaya habang tayo ay nabubuhay ay isipin natin lagi ang pagkatakot sa Dios at isipin natin lagi na ang Dios ay mabagsik sa gumagawa ng kalokohan at mabuti sa gumagawa ng kabutihan. Ang buhay ay napaka ikli at napakahirap, ibigay nalang natin ito sa Dios kisa naman masayang ito sa sanlibutan.
Theme: Love the Lord your God
Reading: Deuteronomy 6
Exhorter: Bro.Michael Alesna
Summarized by: Bro.Michael Alesna
For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL
Comentários