top of page

David and Goliath - God vs the World

becphilippines


 

Ano nga ba ang kahalagahan ng digmaan laban kay David at Goliath? Papaano ito makakaapekto sa ating buhay mananampalataya? Sino ang dalawang ito, na maaaring pagkukunan natin ng aral sa ating buhay? Si Goliath ay kilala bilang isang malakas na tao, Malaki at bihasa sa pakikipaglaban sapagkat siya ay tinawag na kampeon ng mga Palistino. Sa kabilang banda si David ay isang tagapag-alaga ng tupa, isang batang may Dios na kinikilala. Sa pangyayari ito, si Goliath ay araw-araw na naghahamon sa Israel sa loob ng 40 na araw. Ang isa sa napakapagtataka dito ay mula umaga at sa gabi ay humuhiyaw si Goliath na siya ay naghahamon, sa buhay natin ay ganun din tayo ay sinusubok ng sanlibutang ito araw hanggang sa gabi, walang katapusang pagsubok sa buhay natin, at ang Goliath na ito ay nagbigay ng kondisyon sa mga Israelita; na kung siya ay magwawagi ay mapapasa kanila ang bayan at magiging alipin nila ang mga tao doon. Ngayon ano ang ibig sabihin ng kondisyong ito sa buhay natin? Ang pagsubok ni Goliath ay kumakatawan sa pagsubok ng sanlibutan sa atin at ang kondisyon ni Goliath ay ang kondisyon ng sanlibutan sa ating buhay. Katulad na lamang na kung tayo ay mahihila ng kondisyon ng sanlibutan ay magiging alipin nga tayo ng kasalanan na gaya ng sinabi ng ating panginoong Jesus sa Juan 8:34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. Bagaman ganun nga ay maliwanag din ang sinabi ng panginoon sa Juan 8:32 at inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.

Para kay David ano nga ba ang pinaglalaban niya? Ano ang gusto niyang patunayan? Ayon sa nakasaad sa 1 Samuel 17:46-47 “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; at sasaktan kita, at pupugutin ko ang ulo mo; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel: At upang maalaman ng buong kapisanang ito na hindi nagliligtas ang Panginoon sa pamamagitan ng tabak o ng sibat: sapagka't ang pagbabakang ito ay sa Panginoon, at ibibigay niya kayo sa aming kamay.” Maliwanag dito na ang mga nais ipakita ni David sa bayan ng Dios, upang maging alaala sa kanila na mayroon silang Dios. Hindi nila kailangan ng mga sandata upang makipaglaban kundi Dios lamang ay sapat na upang magtagumpay.



 

Theme: David and Goliath "Always Trust in God"

Reading: 1 Samuel 17

Exhorter: Bro.Michael Alesna

Summarized By: Bro.Michael Alesna




For more videos of studies and Exhortations visit: BEC YOUTUBE CHANNEL


16 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page