top of page

ACTS 1 - CONTINUE TO PREACH THE GOSPEL

becphilippines


 

Ang aklat ng Mga Gawa ay ang mga gawa pagkatapos ng pangangaral ng ating Panginoong Jesus, ito ay isang aklat na kung paano ay ipinagpatuloy ng mga alagad ang mga simulain ng ating Panginoon. Pagkatapos na umakyak ang ating Panginoon sa kaniyang Ama ang salita ng Dios ay nanatiling buhay at gumagalaw. Hindi hinayaan ng Dios na huminto ang pangangaral kundi bagkus ay mas lumawak pa ang saklaw ng pangangaral ng Ebanghelio.

Kung minsan sa buhay natin inaakala nating malayo ang Dios sa atin at para bang wala siya sa ating tabi. Sa mga oras ng pangangailangan ay nagtatanong tayo kung nasaan ang Dios at bakit ito nangyayari sa ating buhay. Maging ganun paman alam natin na ang Dios ay laging nakatingin sa atin mula sa malayo at alam na alam niya ang mga nagyayari sa ating buhay at siyaý handang tumulong sa tamang oras at panahon. Ang buhay natin ay kahalintulad ng mga nagyari sa buhay ng mga Israelita na lumabas mula sa Ehipto patungo sa ipinanganko ng ating Panginoong Dios. Sa mga pangyayaring iyon ay makikita natin kung paano niya iningatan ang kaniyang bayan hanggang sa mga araw na ito. Ang pangyayaring yaon ay isang paalaala sa atin, paalaala ng kaniyang pagmamahal at pagkakalinga sa lahat ng kaniyang minamahal at kailan man ay hindi nagkulang ang ating Panginoong Dios. Sa kanilang kasaysayan, ang mga taong ito ay laging nagsasalita ng laban sa Dios at ganun narin kay Moises na siyang sinugo ng Dios. Maraming bagay ang hindi nila maunawaan sa panahong iyon, lalo na sa panahon ng kahirapan na kung papaanong mas naiisip nila ang sa Ehipto kisa sa kanilang buhay pagkatapos na silaý lumabas sa Ehipto. May panahon sa ating buhay na tayo rin ay nag iisip na bakit ang layo ng Dios, at bakit tayo nahihirapan? Sa buhay ng ating Panginoong Jesus, kaniyang ipinakita sa atin ang kahalagahan ng pagtitiis sa lahat ng pagsubok at kahirapan na dumaraan sa ating buhay. Si Jesus ang perpektong modelo sa bawat isa sa atin kung paano natin panghawakan ang salita ng Dios at kung paano natin ito isasagawa sa ating buhay.

Kaya sa buhay natin, kinakailangan nating isipin na ang Dios ay laging nakatingin sa atin at bilang mga minamahal na anak niya ay hindi tayo pinapabayaan. Sa hirap man o ginhawa, ang Dios ay andiyan at laging naka antabay sa atin. Kaya nga huwag tayong panghinaan ng loob sa lahat ng nangyayari sa ating buhay sapagkat lahat ng itoý may magandang gantimpala sa atin.



 

Theme: Continue to Preach the Gospel

Reading: Acts 1

Exhorter: Bro. Jeric Mangino

Summarized by: Bro. Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page