top of page

1 Corinthians 4 - FAITHFUL SERVANT

becphilippines

Updated: Aug 4, 2021



 

Ang aral na ito ay isang praktikal na aral sa ating pang araw-araw na pamumuhay habang ating hinihintay ang muling pagbabalik ng ating Panginoong Jesus. Sa panahon natin ngayon maraming karumihan na maaring umaapekto sa ating espiritual na buhay, tulad na lamang ng korapsiyon, kaharasan, kagutom, pag aaway, kaguluhan, inggit at napakarami pang iba. Maraming bagay ang nakaharang sa ating mga daanan patungo sa buhay na walang hanggan, at kung minsan ito ang naglalayo sa atin sa Dios bilang kaniyang mga anak. Maging ganun paman ang Dios ay hindi nagkukulang ng kaniyang paalaala upang ang bawat isa sa atin ay magtagumpay sa lakaring ito kasama ng ating mga magulang sa pananampalataya.

Ang ating babasahin sa araw na ito ay tumutukoy sa pagiging Tapat, ito ay aral na kinakailangan na ang bawat naghahangad maging taga-sunod sa ating Panginoong Dios ay maging tapat na alipin. Ngayon, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang Tapat? Ang salitang tapat ay nangunguhulugan sa maraming salita, tulad na lamang ng pagiging prangka, totoo, tuwid, maayos, wasto, hindi mapagkunwari at nasa tama. Tayo ay tinuturuan na mamuhay na maging tapat sa lahat ng pagkakataon, hindi upang itago ang pagkakamali ng iilan para sabihing maayos tayo, kundi bagkus maging tapat tayo maging ito man ay may masakit na epekto. Sa mga sulat ni Apostol Pablo sa mga kapatid sa Corinto ninanais niyang ituwid ang kanilang ginagawa sapagkat aniyaý may narinig siya mula sa sangbahayan ni Choe na ang ilan sa mga kapatid ay nagkakaroon nga pagtatalo at pagkakabahabahagi sa Eklesia. Si apostol Pablo bilang nakakatanda sa kanila sa larangan ng salita ng Dios ay nag nais din naman na sila ay ayusin sa pamamagitan ng mga aral ng Dios, na ayon sa kaniyaý kinakailangan na ang bawat isa sa kanila ay maging tapat na alipin ng Dios at ng ating Panginoong Jesus. Sinabi rin ng ating Apostol Pablo na siya ay sumusulat ng mga ganitong sulat, hindi upang hiyain ang mga kapatid kundi upang ipakita niya ang kaniyang pagmamahal sa kanila. Naging malaking problema sa Corinto ang pagkakabahabahagi sa kanilang Eklesia, kaya isang magandang aral ang daladala ni Apostol Pablo sa Corinto upang mabago ang ang kanilang ginagawa.

Hindi ba’t sa buhay natin bilang mga mananampalataya ay tinuturuan din tayong maging maayos sa harapan ng Dios? Nakita natin kung paano ang buhay ng isang tunay na kapatid ng ating Panginoong Jesus at kung maaari ay sundin natin ang mga palatuntunan ng ating Amang Dios.



 

Theme: Faithful Servant

Reading: 1 Corinthians 4

Exhorter: Bro.Jhon Vincent Flores

Summarized by: Bro.Michael Alesna




For more videos of Studies and Exhortations visits : BEC YOUTUBE CHANNEL

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Message Us!

Success! Message received.

​Schedule a Class Session today!
Visit Us!
  • w-facebook
  • Pinterest
  • YouTube

© 2020 BEC Philippines . 

beccagayandeoro@gmail.com

bottom of page