top of page

Tagalog Reading Materials

Madalas sabihin ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga Taga Roma ang tungkol sa Espiritu at makakatulong na laging ikumpara ang isang bahagi ng Banal na Kasulatan sa iba pa. Kaya kung mas titingnan pa natin ay makikita natin ang mas malinaw pang pananaw tungkol sa kung ano ang Banal na Espiritu at gawain nito.

Maraming tao ngayon ang nagsasalita tungkol sa Espiritu, kung minsan ay sinasabi na maliban kung kayo ay "nabautismuhan sa Espiritu", o may "Mga Kaloob ng Espiritu", tulad ng kakayahang magsalita sa mga wika o kapangyarihan ng pagpapagaling, ay hindi kayo tunay na Kristiyano. Pero tama ba ang pananalitang iyan?

❖ Hayaang Magsalita ang Biblia!

Isa sa ating mahahalagang alituntunin ang hayaang turuan tayo ng Biblia at hindi natin tatalikuran ang paraang iyan ngayon. Magkagayunman, maari kang magulat sa ating matutuklasan. Ilang beses mo na bang nabasa ang tungkol sa Banal na Espiritu sa Lumang Tipan? Ang talagang nakakagulat na bagay ay tatlong beses lamang itong nabanggit at narito ang mga ito:

1 “Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin” (Mga Awit 51:11)

2, 3 “...sa kapahamakan at kahirapan. Hindi isang anghel, kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila; iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag, na sa simula pa ay kanya nang ipinakita. Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsik at pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu; dahil doon naging kaaway nila si Yahweh. Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises, ang lingkod ni Yahweh. Ang tanong nila, Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo? Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises? Sa pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat, kaya ang Israel doon ay naligtas. At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili” (Isaias 63:9-12).

❖ Ano ang ibig sabihin nito?

Ang mismong unang pangyayari, sa Awit 51, ay bahagi ng panalangin ni Haring David kung saan buong puso niyang pinagsisihan ang ginawa niya: una, sa pag-agaw ng asawa ng iba bilang sarili niyang asawa at, pagkatapos, ay ang pagpaplano para sa pagpatay ng asawa ng babae! Sa awit na iyon, na kalaunan ay naging musika at ginamit bilang bahagi ng pagsamba sa templo, lubos na pinagsisihan ng hari ang kanyang maling nagawa. Napakalapit niya sa Diyos at labis siyang kinalugdan ng Diyos, kabilang ang pagiging propeta na kinausap ng Diyos. Gustung-gusto niyang mapatawad, mapalapit muli sa piling ng Diyos, at manumbalik muli ang unang relasyong iyon, pati na ang pagiging propeta ng Diyos.

Mas malinaw nating makikita ito kung titingnan natin ang kalakip na mga talata. Pinakamahusay na laging tumingin sa pinangyarihan o tagpo, o konteksto ng isang talata upang makuha ang tamang kahulugan nito. Ang pagkuha ng isang talata mula rito ay maaaring magdulot ng maling pag-unawa. Kaya’t narito ang buong kahilingan ni David sa Diyos:

“Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat” (Mga Awit 51:10-12).

Talagang nakakatulong ito sa pag-unawa tungkol sa Espiritu, dahil ipinapakita nito sa atin na ang salita ay may malawak na kahulugan. Hiniling ni David na:

Linisin siya ng Diyos sa kanyang kasalanan at dadalisayin ang kanyang budhi – dahil bilang isang mangangalunya at mamamatay-tao siya ay maaaring hindi siya nagkaroon ng kapayapaan ng isipan at tiyak na naramdaman niya ang pagkahiwalay mula sa Diyos. Tinatawag niya ito na pagkakaroon ng "bagong damdamin"; maaari nating sabihin na nais niyang maging matuwid sa Diyos sa kanyang pag-iisip at sa pakiramdam;

Tulad ng inaasahan natin, gusto ni David na magpatuloy bilang isa sa mga propeta ng Diyos at mabigyang-kapangyarihan ng Banal na Espiritung na siyang nagdudulot upang ang mga kalalakihan at kababaihan ay maging tagapagsalita ng Diyos;

Nais ni David na higit pa sa maramdaman na matuwid siya sa Diyos at muling maging tagapagsalita; gusto niyang tulungan siya ng Diyos na mabawi ang pagkagalak sa paggawa ng Kanyang kalooban na nagpasaya sa kanya – gusto niyang maging handang tagapaglingkod na nagagalak sa kaligtasan ng Diyos, hindi lamang isang taong natatakot na lumagpas sa linya dahil sa takot sa mga ibubunga nito.

Ngunit bakit tinawag ni Haring David ang kakayahang magsalita na ibinigay sa kanya ng Diyos bilang banal na Espiritu ng Diyos, gayong hindi pa ito ginamit noon at hindi na ito muling ginamit ni David? Iyon ay dahil napagtanto niya kung gaano siya ka-makasalanan at kung gaano ka-banal ng Diyos. Kaya ipinagdarasal niya na patuloy pa rin siyang gamitin bilang bahagi ng Kanyang dakilang layunin, at magiliw na tumugon ang Diyos sa panalanging iyon at patuloy na naging malapit kay David sa buong buhay niya – sa kabila ng dalawang malaking kasalanang nagawa niya.

Kaya nang tawagin ni David ang Espiritu ng Diyos na kanyang "Banal na Espiritu", iniisip niya ang kapangyarihan ng Diyos bilang isang bagay na magdudulot sa atin upang magtamo ng kabanalan. Hindi siya banal: alam niya na isa siyang makasalanan. Ngunit kinilala niya na ang Diyos ay banal at lahat ng ginagawa Niya ay banal at kalaunan ay hahantong sa kabanalan.

❖ Paano naman si Isaias?

Ang propetang si Isaias ay hindi tuwirang nag-aalala tungkol sa kanyang sariling kasalanan kundi tungkol sa kasalanan ng bayan ng Diyos na Israel, noon at sa kasalukuyan. Ang gawaing ibinigay sa kanya ng Diyos bilang propeta ay kinapapalooban ng pagsisikap na tulungan ang mga taong kasama niya para baguhin ang kanilang mga pamamaraan at magnais na maging banal, tulad ng Diyos.

Sa mga talatang tiningnan natin (Isaias 63:9-12), sinusuri ng propeta ang kasaysayan ng Israel noong panahong lumabas sila sa Egipto, tulad ng nakatala sa Aklat ni Exodo. Ang Kanyang tema ay ang kamangha-manghang awa ng Diyos na ipinakita Niya anuman ang tugon ng tao. Iniligtas Niya ang Israel kahit alam Niyang hindi sila magiging masunurin at tapat; ngunit hindi ibig sabihin na ang Diyos ay walang kamalay-malay sa kanilang magiging tugon. Gusto Niyang maging masunurin sila at talagang nagdalamhati Siya nang maging mapanghimagsik sila at mapag-isip ng masasama.

Binigyan ng Diyos ng makapangyarihang anghel ang mga anak ni Israel para akayin sila sa ilang ng Sinai patungo sa Lupang Pangako. Ang mga anghel ng Diyos ay hindi 'laman at dugo' na katulad natin; sila ay mga nilalang na espiritu, tulad ng itinuturo sa atin ng ilang Kasulatan. Ibig sabihin kabilang sila sa iba at mas mataas na katayuang mga nilalang, sapagkat sila ay mga lingkod ng Diyos na naninirahan sa Kanyang piling. Ang mga anghel ay banal at mabuti sa anumang paraan. Kaya, sa paglalakbay sa ilang ng Israel, naroon ang anghel naroroon sa ngalan ng Diyos upang gabayan, bantayan at pangalagaan sila hanggang sa pagwawakas ng kanilang paglalakbay. Ngunit sa halip na mamuhay ayon sa banal na batas ng Diyos, ang mga Israelita ay "naghimagsik at nagdadalamhati". Ang kinatawan ng Diyos na naroon ay dalawang beses inilarawan bilang "Banal na Espiritu ng Diyos".

Ang anghel ay inilarawan sa ganitong paraan dahil ang mga tao ng Israel hindi banal – sila ay mapanghimagsik. Subalit lubos na masunurin ang anghel sa kalooban ng Diyos. Ang mga anghel ay banal; ang Israel ay hindi at, dahil dito, ang buong salinlahi ay nasawi sa ilang. Kaya, muli, ang katagang "Banal na Espiritu" ay ginagamit upang ihambing ang kasamaan ng mga tao sa kabanalan ng Diyos.

❖ Ang Diyos sa Paggawa

Kaya, sa tatlong pagkakataong inilarawan ang Espiritu ng Diyos bilang "Banal na Espiritu" sa Banal na Kasulatan sa Lumang Tipan tinutukoy nito na:

❏ Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng propeta, o

❏ Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng isang anghel.

Sa dalawang pagkakataong ito ng sadyang paghahambing ay sa pagitan ng mga taong makasalanan at ng Diyos na banal at matuwid sa lahat ng Kanyang paraan. Hindi siya maaaring maging anumang bagay; ganoon Siya palagi at laging ganoon. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay ginagawa ng Kanyang Espiritu, sapagkat ito ang paraan ng pagkilos ng Diyos, ngunit kapag ang aktibidad na iyon ay nilayon upang makamtan ang kabanalan, o kapag ang katangian ng Diyos ay inihambing sa paghihimagsik ng tao, ito ay tinatawag ang Espiritu ng Diyos bilang Banal na Espiritu. Ang pagpapahayag na iyan ay 3 beses lamang nabanggit sa Lumang Tipan, tulad ng nakita natin, ngunit mahigit 90 na beses sa Bagong Tipan, kung saan ang pagbibigay-diin ay nagbabago. Sapagkat ang Bagong Tipan ay tungkol sa paraan ng pagtulong ng Diyos sa mga tao upang makamtan ang personal na kabanalan.

Hindi ibig sabihin niyan na ang Diyos ay hindi interesado sa kabanalan sa Lumang Tipan, o ang Kanyang kapangyarihan ay karaniwan para sa ordinaryo at hindi pambihirang mga bagay. Ang ipinapakita nito ay iba ang pagkakasunud-sunod ng gawain ng Diyos nang gumawa ang Diyos upang ipanganak ang Kanyang Anak. Tingnan natin kung magagawa natin iyan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu sa Lumang Tipan. Sa gayon ay titingnan natin ang mangyayari sa pagsilang kay Jesus at sa buhay ng mga sumunod sa kanya.

❖ Paggamit sa Lumang Tipan

Muli, kung nais mong subaybayan ang kaugnay na mga reperensya sa Lumang Tipan sa iyong sarili, maaari kang bumuo ng isang talaan ng iba't ibang aktibidad. O, kung mas nais mo, maaari mo lamang ituon ang mga reperensya mula sa susunod na talaan at tingnan ang mga talatang iyon upang makita kung ano ang ginagawa ng Espiritu ng Diyos sa iba't ibang pagkakataon, ihambing ang iyong konklusyon sa mga iminungkahi. Tandaan, ang kursong ito ay tungkol sa kung paano natin mauunawaan ang Biblia para sa ating sarili.

Karaniwan kapag gumagawa ng talaang tulad nito, inililista natin ang mga talata sa pagkakasunod-sunod ng mga ito sa Biblia. Sa pagkakataong ito ililista natin ang mga talata upang ipakita ang paraan ng pagiging aktibo ng Espiritu noong araw. Kaya ang talahanayan ay ginawa upang tingnan ang mga bakas kung saan ang isang bagay ay humantong sa iba, tulad ng paggawa ng Diyos sa mundo, pagbibigay-buhay sa mga tao, at pagkatapos ay inutusan ang Kanyang kapangyarihan na ipakita sa mga tao kung paano sila magiging banal, tulad Niya.

Genesis 1:2

“ang lupa ay   walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng   tubig” - Ang Diyos ay aktibo sa paglikha sa pamamagitan ng Kanyang   Espiritu.

Job 33:4

“Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin, buhay na taglay ko ay   sa Makapangyarihang Diyos nanggaling”. Hiningahan ng Diyos si Adan ng   hininga (espiritu) ng buhay, at ang tao ay naging buhay na nilalang (Genesis   2:7). Kaya, ang mismong buhay natin ay kaloob ng Diyos.

1 Samuel 10:10

“Lumukob ... ang Espiritu ni Yahweh at siya'y   nagpahayag din tulad sa ginagawa ng mga propeta”. Maraming beses sinabing   ang Espiritu ng Diyos, o "ang Espiritu" ay nagbigay ng pampropesiya   o iba pang kapangyarihan sa mga tao. (hal. Mga Bilang 11:25; 24:2; II Mga   Cronica 15:1; Ezekiel 2:2; 11:5,24; Mikas 3:8).

Exodo 31:3

“Pinuspos ko   siya ng aking Espiritu at binigyan   ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining.”

Ang talatang ito ay tumutukoy sa mga espesyal na kakayahang ibinigay sa mga   manggagawa na nagtayo ng bahay ng Diyos – ang Tabernakulo. Marami pang ibang   talata ang naglalarawan sa paraan ng pagbibigay ng Diyos ng mga kaloob – mga   kaloob tulad ng karunungan, administratibong kasanayan, paghatol at maging ng   pisikal na kapangyarihan (tingnan sa Mga Bilang 11:25; Deuteronomio 34:9; Mga   Hukom 14:19). Ito ang mga kaloob ng Espiritu.

Isaias 11:2,3

“Mananahan sa   kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa,   ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh”.   Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang darating na hari – ang Mesiyas – ay   palalakasin ng Diyos upang siya ay maging isang matalinong tagapayo at isang   napakahusay na pinuno (tingnan din sa Isaias 61:1).

Malinaw sa mga talatang ito kung saan aktibo ang Diyos sa iba't ibang paraan ng paglikha at pagpapanatili ng Kanyang sanlibutan, at sa iba't ibang nilalang nito. Ang Kanyang kapangyarihan ng Espiritu ang unang naghatid ng buhay sa pagiging nilalang at, hanggang sa araw na ito, ang Diyos ang nagbibigay ng kaloob na buhay sa mga tao at hayop. Napansin na natin na "Siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan" (Mga Gawa 17:25), at na kung babawiin ng Diyos ang buhay na iyon, lahat tayo ay patay na!

❖ Hanay ng mga Kahulugan

Kadalasan kapag ginamit ang salitang "espiritu" ay tumutukoy sa kapangyarihan ng buhay na nasa lalaki o babae, sa pisikal man, sa isipan o sa damdamin. Mababasa natin ang tungkol sa reyna na hangang-hanga sa kanyang nakita – Sinasabi sa Banal na Kasulatan na "nawalan na siya ng diwa" (I Mga Hari 10:5, Ang Biblia, 2001); tungkol sa isang haring Egipcio na nabagabag nang nagising sa umaga (Genesis 41:8); at tungkol sa isang ama na sumigla ang kalooban nang malaman niya na ang kanyang anak na lalaki na matagal na nawala ay buhay (Genesis 45:27). Ito ay mahalagang pag-unlad sa paggamit ng salita, dahil ipinapakita nito sa atin na nilikha at pinalalakas ito ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ngunit ang buhay na iyan ay higit pa sa pag-iral.

Ang buhay ay kapangyarihan o puwersa na nagbibigay sa atin ng kakayahang mag-isip, makadama, magmahal, mapoot, maging maligaya at malungkot. Ang "espiritu ng tao" ay isang katagang naglalarawan sa kanyang buhay at sa kanyang kamalayan; tinutukoy nito ang kanyang buhay bilang pagiging buhay sa mental at moral na pag-unlad.

Ang mga talatang tiningnan natin, sa talaan at sa tatlong reperensya sa Lumang Tipan tungkol sa Banal na Espiritu ng Diyos, ay nagbibigay sa atin ng ilang ideya tungkol sa kahulugan ng salitang "espiritu" na taglay natin. Tinutulungan tayo nitong mapagtanto na, sa Lumang Tipan, ang salitang ito ay tumutukoy sa:

❏ paraan ng pagkikipagtulungan ng Diyos sa lupa na Kanyang nilikha,

❏ mga taong Kaniyang sa binigyang-buhay,

❏ mensaheng ipinahayag Niya sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta, at sa pamamagitan ng mga pangako, at

❏ reaksyon o tugon ng kalalakihan at kababaihan.

Ang pagtugon ng mga tao sa Espiritu ng Diyos sa kanilang espiritu ay napakahalaga. Mayroon silang buhay, ngunit matatagpuan ba nila ang buhay na talagang nilayong mamuhay nang matwid – buhay sa piling ng Diyos? Iyan ang tanong na mahalaga sa atin, na namumuhay nang mas matagal kaysa noong panahon ng Lumang Tipan.

❖ Ang Banal na Espiritu ba ay Isang Persona?

May mga taong naniniwala na ang Banal na Espiritu ay bahagi ng Trinity at ito ay katulad ng Ama at ng Anak. Talagang matindi ang paniniwala ng mga tao tungkol dito at maging hanggang sa ang mga taong gumawa ng iba't ibang konklusyon ay hindi naman mga Kristiyano. Ang mga doktrina ng Simbahan, na nabuo ng daan-daang taon pagkatapos mabuo ang Biblia, ay nagpahayag ng Trinity na isang "doktrinang orthodox," at gumawa ng paniniwala sa kinakailangan para sa kaligtasan, hanggang sa naitatag ang simbahan. Ang tunay na tanong, mangyari pa, ay: 'Ano ang itinuturo ng Biblia tungkol sa Banal na Espiritu, at sinasabi ba nito na ang Banal na Espiritu ay isang Tao o iba pa?'

Ang mismong lugar kung saan mababasa natin ang tungkol sa Espiritu ng Diyos ay dapat tumulong sa atin na masagot iyan. Narito, sa pambungad na talata ng Biblia:

“Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos: ‘Magkaroon ng liwanag!’ At nagkaroon nga” (Genesis 1:1-3).

Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, dahil nang magsalita ang Diyos ay iniuutos Niya sa Kanyang kapangyarihan na tuparin ang Kanyang layunin. Tingnan ang Banal na Kasulatang ito na naglalarawan sa nangyari na nahagyang naiibang paraan. Walang sinuman sa kanila ang nagpapahiwatig na ang Banal na Espiritu ng Diyos ay isang persona:

“Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit, ang araw, ang buwa't talang maririkit. Ang buong daigdig, kanyang nilikha, sa kanyang salita, lumitaw na kusa” (Mga Awit 33:6,9);

“Ako ang lumikha sa lupa, sa mga tao, at sa mga hayop na naroon, sa pamamagitan ng aking kapangyarihan. Ibinibigay ko ito sa sinumang aking kinalulugdan” (Jeremias 27:5);

“Nilikha ni Yahweh ang lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Lumitaw ang daigdig dahil sa kanyang karunungan, at iniladlad niya ang langit sa bisa ng kanyang kaalaman” (Jeremias 10:12);

“Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hangganat ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa” (Roma 1:20).

❖ Isang Kapangyarihang Hindi Isang Persona

Ginawa ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng paggamit ng Kanyang dakilang kapangyarihan, alinsunod sa Kanyang karunungan at pang-unawa, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Magkakaibang paraan ito ng pagsasabi ng gayon ding bagay. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, dahil iyan ang wikang ginamit sa Banal na Kasulatan upang ilarawan ang pinakamakapangyarihang kapangyarihan ng Diyos. Kaya ang Banal na Espiritu ay hindi isang tao o persona kundi isang kapangyarihan – kapangyarihan ng Diyos – kung saan ang mga dakilang bagay ay naisasakatuparan.

Ang kapangyarihang iyan ay nagbibigay sa atin ng "buhay, hininga at lahat ng bagay" (Mga Gawa 17:25) kabilang na ang espesyal at inihayag na kaalaman tungkol sa layunin ng Diyos, dahil sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay nakikipag-ugnayan ang Diyos:

“Nagsasalita sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh, ang salita niya'y nasa aking mga labi” (2 Samuel 23:2);

“Maraming taon na pinagtiisan mo sila, at binalaan ng iyong Espiritu sa pamamagitan ng mga propeta ngunit hindi pa rin sila nakinig” (Nehemias 9:30);

“Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta” (Zacarias 7:12).

❖ Ang Banal na Espiritu at si Jesus

Sa ngayon nakita natin ang sinasabi ng Lumang Tipan tungkol sa kapangyarihan ng Diyos sa paggawa. Ngunit lahat ba ng ito ay magbabago kapag nakarating tayo sa Bagong Tipan, kung saan mas madalas ang pagbanggit ng kataga? Makikita ba natin ang kahulugang mag-iiba dito? Hindi maunawaan ng mga taong nagbabasa lamang ng Bagong Tipan na ang mga ideya sa Bibliya ay nagmumula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan. Ang layunin at mga pamamaraan ng Diyos ay hindi nagbabago: umuunlad ang mga ito. Kaya ang isang mabuting pag-unawa sa Lumang Tipan ay talagang nakakatulong sa atin sa Bago.

Subukan natin iyan sa pamamagitan ng pagtingin sa unang tatlong pangyayari sa katagang "Banal na Espiritu" sa Bagong Tipan.

1,2 “Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo ... Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo” (Mateo 1:18-20);

3 “Binabautismuhan ko kayo sa tubig bilang patunay ng inyong pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ngunit ang darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy” (Mateo 3:11).

Muling gumagana ang kapangyarihan ng Diyos, hindi na ngayon upang lumikha ng mundo, kundi upang tubusin o sagipin ito. Ang mga bagay-bagay ay nasa napakasamang kalagayan na tanging Diyos lamang ang makaliligtas sa sitwasyon. Kaya pinahintulutan Niya ang isang Anak na isilang kay Maria, sa pamamagitan ng paggamit ng Kanyang Espiritu. Sa ganitong paraan inilarawan ng manunulat ng ebanghelyo na si Lucas ang tungkol sa pagsilang kay Jesus:

“Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos” (Lucas 1:35).

Kaya nga dinala ng kapangyarihan ng Diyos ang Panginoong Jesus sa pagkatao at ang kapangyarihan ding iyon ay ibinigay kalaunan kay Jesus sa kanyang bautismo, at sa kapangyarihan ding iyon kapwa niya nagawa ang mga himala at ipahayag ang mga salita ng Diyos.

“At bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan ... Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang” (Lucas 3:22, 4;1);

“Alam ninyo ang tungkol kay Jesus na taga-Nazaret at kung paanong pinili siya ng Diyos at pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na pumunta siya sa iba't ibang dako upang gumawa ng kabutihan sa mga tao at pagalingin ang lahat ng pinapahirapan ng diyablo. Nagawa niya ang mga ito sapagkat kasama niya ang Diyos” (Mga Gawa 10:38);

“Ang isinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, sapagkat lubusang ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang Espiritu” (Juan 3:34)

❖ Si Jesus na gumagamit ng Kapangyarihan ng Diyos

Lahat ng ginawa ni Jesus ay sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng Diyos. Paulit-ulit niyang sinabi, sakaling iniisip ng mga tao na ang ginagawa niya at sinasabi ay para sa kanyang sarili lamang at dahil sa kanyang sarili:

“Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit pa sa patotoo ni Juan. Ang mga gawang ipinapagawa sa akin ng Ama na siya ko namang ginaganap, ang nagpapatotoo na ako'y isinugo ng Ama” (Juan 5:36);

“Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at ito ang nagbibigay-buhay” (6:63)

“Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain ... Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko” (14:10,11).

Kapwa nagtutulungan ang Ama at Anak para maisakatuparan ang ating kaligtasan. Nilikha ng Ama ang Panginoong Jesucristo at binigyan Niya ito ng kapangyarihang isakatuparan ang Kanyang layunin. Handa at sabik ang Anak na makipagtulungan sa gusto ng kanyang Ama. Ang sa kanila ay perpektong pagkakaisa: bilang iisa at, tulad ng nakita natin, nais nilang magkaisa tayo sa layunin at pagpapasiya.

Ang paggamit ng kapangyarihan ng Diyos alinsunod sa Kanyang dakilang pag-ibig sa atin ay nakadesenyo upang dalhin tayo sa pagiging perpekto, tulad ng unang nakamit nito para sa Panginoong Jesus. Dahil sa kapangyarihan ding iyon nilikha at nagawa ni Jesus at nasabi ang magagandang bagay at kalaunan ay ibabangon siya mula sa mga patay. At ang kapangyarihang iyan mismo ang kumikilos upang makamit ang lahat ng layunin ng Diyos para sa Kanyang mga anak sa lahat ng panahon. Dahil lahat ng ginagawa ng Diyos ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu.

❖ Ang Banal na Espiritu sa Paggawa

Nang suriin natin ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa Lumang Tipan, napansin natin na ang kapangyarihan ng Diyos ay inutusan upang makaimit ang ilang iba't ibang bagay. Sa talaan na tinipon natin kanina ang mga ito ay:

Genesis 1:2

Ang Diyos ay aktibo sa Paglikha sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.

Job 33:4

Ang mismong buhay   natin ay kaloob ng Diyos.

1 Samuel 10:10

Ang Espiritu ay nagbigay ng pampropesiya o iba pang kapangyarihan sa mga tao.

Exodo 31:3

Ang mga   espesyal na kakayahan ay ibinigay sa mga craftsmen na magtatayo ng lugar   ng Diyos – ang Tabernacle. Marami pang ibang talata ang naglalarawan sa   paraan ng pagbibigay ng Diyos – mga kaloob tulad ng karunungan,   administrative kasanayan, paghatol at maging ng pisikal na kapangyarihan

Isaias 11:2,3

Ang darating na hari – ang Mesiyas – ay palalakasin ng Diyos upang siya ay maging isang   matalinong tagapayo at isang napakahusay na pinuno

Ngayon nakikita natin kung bakit nagbago ang wika sa Bagong Tipan. Ito ay upang ituon ang ating pansin sa layunin ng Diyos na gawing banal at matuwid ang Kanyang bayan sa Kanyang paningin. Ibig Niyang sabihin ay punuin ang bagong mundo ng mga taong katuladNiya, na pinagtibay bilang Kanyang mga anak na lalaki at babae. Kaya’t susunod na ang bawat isa sa mga aktibidad na nakalista sa itaas ay angkop din sa Bagong Tipan, ngunit sa mas mataas na antas, gaya ng sumusunod:

1  Ang Diyos ay nasa proseso ngayon ng pagsasagawa ng bagong nilalang, na inaanyayahan Niya ang kalalakihan at kababaihan na maghanda para sa bagong mundong darating kapag bumalik ang Panginoong Jesucristo sa lupa bilang Hari. Ang bagong nilalang na iyon ay nagsisimula sa atin sa bautismo: "Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago" (2 Corinto 5:17), at makukumpleto kapag bumalik ang Panginoong Jesus upang magtatag ng bagong mundo. Pagkatapos ay sasabihin niya: "Pagmasdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay!" (Apocalipsis 21:5).

2 Lahat ng nabubuhay ngayon ay binigyan ng mahalagang kaloob na buhay ng Diyos at sa gayon ay may pagkakataong malaman ang layunin at pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang ating mortal na buhay ay nakatakdang magwakas sa kamatayan, ngunit kung pipiliin natin ang buhay na walang hanggan na handog ng Diyos ay maaari tayong maging bahagi ng bagong nilikha kapag naghari si Jesus bilang hinirang na hari ng Diyos: "Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon" (Roma 6:23). Hinihimok ni Pablo ang lahat ng kanyang mambabasa na mamuhay "ayon sa Espiritu" at "nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal" (Roma 8:5). Hinihikayat niya sila, at tayo, na sulitin ang buhay na handog ng Diyos.

3  Ang paraan para malaman ang tungkol sa buhay na walang hanggan ay ang pagbabasa at pag-unawa sa Kasulatanna nagmula sa Diyos dahil sa paggamit ng mga kapangyarihang makahula na ipinagkaloob sa mga tao noong unang panahon. Ang buong layunin ng Diyos ay naihayag na ngayon at sinabi sa atin na dapat tayong mag-ingat sa anumang mungkahing salungat dito. Sapagkat ang Bagong Tipan ay nagtatapos sa mga salitang: "Akong si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito: sa sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito" (Apocalipsis 22:18).

4  Ang pagkumpleto ng Banal na Kasulatan at pagtatatag ng Kristiyanismo noong unang siglo ay nakamit dahil sa mga espesyal na kakayahan at kapangyarihang ibinigay ng Diyos, na tinatawag na "mga kaloob ng Banal na Espiritu" (Hebreo 2:4). Noong panahon ng Lumang Tipan inibinigay ang mga ito upang maitayo ang tahanan ng Diyos. Ito ay pisikal na gusali, una ang tabernakulo at pagkatapos ay ang templo. Sa Bagong Tipan, ito ay isang espirituwal na tahanan na nais ng Diyos na maitatag. Nais Niyang manirahan sa Kanyang bayan (Efeso 2:21-22). Kaya, upang ipakita na ang ebanghelyo ay totoo at upang tulungan ang mga taong binigyan ng responsibilidad na mangaral at magturo. Binigyan ng Diyos ng ilan ng mga espesyal na kaloob na magtatagal hanggang sa ang komunidad ng mga Kristiyano, kung saan ang Diyos ay mananahan, ay matapos itatag.

5  Ginamit ni Jesus ang mga banal na kapangyarihan ng Mesiyas sa kanyang buhay sa lupa at gagamitin niya itong muli sa kanyang pagbabalik upang itatag at pamunuan ang Kaharian ng Diyos.

❖ Mga Kaloob ng Banal na Espiritu

Ang mga espesyal na kapangyarihang ibinigay sa mga apostol ay para sa isang partikular na dahilan at sa limitadong panahon. May iba pang mga gayong pagkakataon sa kasaysayan ng pagtubos, katulad nang pamunuan ni Moises ang mga tao ng Diyos mula sa Egipto, na kinabilangan ng mga pambihirang himala; nang itayo ang tabernakulo sa ilang at nang gawin ng mga propetang sina Elias at Eliseo ang huling pagkiusap ng Diyos sa mga taga-hilagang lipi. Sa lahat ng pagkakataon ay ginamit ang banal na kapangyarihan, ginanap ang kanilang layunin at pagkatapos ay inalis na.

Ganyang noong unang siglo. Binigyan ng Diyos ng espesyal na kapangyarihan ang mga tao upang maipakita nila na sila ang Kanyang mga kinatawan, na nagtuturo ng totoong ebanghelyo. Ngunit nilinaw din na kapag tapos nang naisulat ang ebanghelyo, mawawala na ang mga espesyal na kapangyarihan o kaloob na iyon. Kung gayon ay natupad na ang kanilang layunin.

❖ Layunin

“Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika. Hindi sila mapapahamak kahit dumampot sila ng ahas o makainom ng lason; at gagaling ang mga maysakit ... at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa kanila” (Marcos 16:17-20);

“Paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo” (Mga Hebreo 2:3);

“At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo...” (Efeso 4:11,12).

❖ Panahon

“....hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo” (Efeso 4:13,14);

“Hindi pa ganap ang ating kaalaman at hindi rin ganap ang kakayahan nating magsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit pagdating ng ganap, maglalaho na ang di-ganap. Noong ako'y bata pa, ako'y nagsasalita, nag-iisip at nangangatuwirang tulad ng bata. Ngayong ako'y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata. Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin” (1 Corinto 13:9-12).

Si Jesus ay gumawa ng malawak na hanay ng mga kaloob ng Banal na Espiritu matapos siyang umakyat sa langit, ang pinakakumpletong listahan sa sumusunod na talata:

“Ang ilan sa atin ay napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng kaalaman. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkakalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; sa iba naman ay kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at sa iba ay kakayahang kumilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkakalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon” (1 Corinto 12:8-10).

❖ Pagpapatong ng mga Kamay

Malinaw sa listahang ito, at mula sa nasa Marcos 16 na binanggit sa itaas, na ang mga banal na kaloob ng Espiritu ay kung ano lamang ang kailangan. Sa pamamagitan nito mauunawaan ng mga apostol ang ebanghelyo, ipangaral ito sa iba't ibang wika at magkapagsasagawa ng 'mga himala at mga kababalaghan.' Tutulungan nitong maunawaan ng mga tao na ang mensahe ay nagmula sa Diyos. Ganoon din kung paano ito naging mabisa para sa mga apostol gaya ng nakita natin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salaysay tungkol sa kanilang pangangaral at pagpapagaling sa aklat ng Mga Gawa.

Ang isa pang detalyeng natuklasan natin sa Mga Gawa ay kung paano ipinasa ang mga kaloob habang lumalaganap ang ebanghelyo sa lungsod. Kailangan din ng mga bagong mananampalataya ng magpapatunay sa kanilang ministeryo at ipinasa ito ng mga unang apostol ni Jesus sa pamamagitan lamang ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa mga bagong mananampalataya. Kung minsan kailangan pa ng espesyal na paglalakbay mula sa Jerusalem, o saanman sila naroon, pero ito lamang ang paraan ng pagpapasa ng kaloob. Narito ang isang halimbawa:

“Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo. Nakita ni Simon na ang Espiritu'y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya't inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. ‘Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap ng Espiritu Santo,’ sabi niya” (Mga Gawa 8:14-19).

Nakita ni Simon ang paraan ng pagpapasa ng kapangyarihan at gusto niya ring magkaroon ng kakayahang iyon. Sinabi sa kanya na walang tiyak na tuntunin upang hindi siya magkaroon ng kakayahan – hindi sa pagbili. Kinakailangan niyang maging isa sa mga apostol ng Panginoong Jesus para makamit ito. Ang bunga nito ay nang mamatay ang mga apostol sa pagtatapos ng unang siglo, namatay ang kanilang kapangyarihan sa kanila at sa mga Kaloob na iginawad din sa paglipas ng panahon.

Nang yumabong o naging matanda ang pananampalataya noong unang siglo, nabawasan na ang naunang mga himala at kababalaghan. Ang Bagong Tipan ng Banal na Kasulatan ay nabuo na at ipinamahagi ng mga mananampalataya sa iba't ibang lungsod. Sa gayon ang plano at layunin ng Diyos ay naging malinaw para sa lahat ng nagbabasa nito, sa nag-iisip tungkol dito, at piniling sundin ang mga yapak ng mga taong nauna. Tulad ng ipinaliwanag ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Efeso, ibinigay ni Jesus ang mga kaloob “upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo, hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo” (Efeso 4:11-14).

❖ Mayroon pa bang Natitira?

Lumipas ang mga banal na kaloob ng Espiritu. Ang mga tao ngayon na nagsasabing gumagawa ng mga himala ng pagpapagaling, o magsalita sa wika ay hindi gumagamit ng kapangyarihan ng Diyos sa paraang ipinamalas noong unang siglo. Maaaring gumagamit sila sa kapangyarihan ng paghihikayat tulad ng mass hysteria o auto-suggestion, ngunit hindi ito ang mahimalang kapangyarihan ng Diyos sa paggawa tulad noong panahon ng Bagong Tipan. Kailangan mo lang basahin ang Mga Gawa ng mga Apostol upang makita ang kaibahan; doon ay binigyan ng paningin ang mga bulag, pinagaling ang lumpo at maging ang mga patay ay ibinangon. Ang nangyari noon ay malinaw na hindi pangkaraniwang bagay.

Ngunit maling sabihin na lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay naglaho na ngayon. Ginawa ng Diyos ang napakaraming bagay sa pamamagitan ng Espiritung iyon na nalalaman natin at pinakikinabangan hanggang ngayon. Nangyaring isilang si Jesus, binigyan siya ng kapangyarihan at pang-unawa, ibinangon siya mula sa mga patay at dinakila siya sa kaluwalhatian, ibinigay sa kanya ang kaloob na buhay na walang hanggan. Lahat ng bagay na iyon ay may halaga para sa atin, kapag natuto tayong lumapit sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ni Jesucristo at tuklasin na mayroon tayong tagapamagitan na makatutulong sa atin sa paghahanap natin ng kaligtasan.

Alam natin ang tungkol kay Jesus at tunay na lahat ng tungkol sa naging bahagi ng plano ng kaligtasan ng Diyos dahil mababasa natin ang tungkol sa mga ito sa Biblia, mismong ang bunga ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos. Ang Biblia ay isang aklat ng mga pangako at ang mga pangakong iyon ay bunga rin ng Banal na Espiritu. Ginagawa nitong buhay at makapangyarihan ang mensahe ng Biblia mula sa Diyos – mga salita ng "Espiritu at buhay" (Juan 6:63). Mababago ng Biblia ang paraan ng ating pag-iisip, pandama at pagkilos, kung hahayaan natin ito – ganoon ito ka-makapangyarihan:

➔ Ang ebanghelyo ng kaligtasan ang "kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay" (Roma 8:2);

➔ "Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap bilang salita ng tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya" (I Tesalonica 2:13);

➔ “Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng binhing nasisira, kundi sa pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng Diyos ... ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman. Ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo" (I Pedro 1:23-25);

➔ "Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagdudulot ng bahagya mang dilim dahil sa pagbabago. Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang" (Santiago 1:17,18).

Ito ang bagong buhay – ang buhay ng Espiritu – na nababasa at napag-iisipan natin tungkol sa Kabanata 8. At matapos ang usaping ito, tingnan ang kahulugan ng Espiritu ng Diyos at ng Banal na Espiritu, kailangan nating tingnan ang argumento ng apostol para makita kung ano pa ang sasabihin niya tungkol sa ebanghelyo ng kaligtasan.

Mga Bagay na Babasahin

➔ Makatutulong ang makita kung paano binigyan ng Diyos ng espesyal na kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga manggagawa sa panahon ng Lumang Tipan upang maipagtayo nila Siya ng isang lugar na tinatawag na "Tabernakulo". Basahin ang Exodo 35 pasulong kung nais mong matuto pa ng tungkol sa tinukoy na tahanan ng Diyos.

➔ Ngayon basahin ang I Corinto 12 at 13 upang makita ang halimbawa ng unang ecclesia noong araw, kung saan ang mga kaloob ay ibinigay upang itinatag ang isang kakaibang uri ng tahanan – isang komunidad ng mga mananampalataya..

Mga Katanungang Sasagutin

16.1 Ibuod ang ilan sa iba't ibang kahulugan ng salitang "espiritu" sa Biblia at ipaliwanag sa isang pangungusap kung ano lamang ang tinutukoy ng katagang "Banal na Espiritu" (Genesis 1:1-3; 41:8; Mga Bilang 14:24; Job 34:14; Eclesiastes 3:21; II Samuel 23:2; II Pedro 1:21; Mga Gawa 2:1-4)

16.2 Paano ipinadala ang kaloob ng Banal na Espiritu sa mga mananampalataya noong unang siglo at samakatwid, bakit ito ay nakatakdang magwakas sa pagsisimula ng susunod na siglo? (Mga Gawa 8:18; I Timoteo 4:14; Mga Hebreo 6:2)

SINO O ANO ANG BANAL NA ESPIRITU?

BILANG 16

Button

Madalas sabihin ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga Taga Roma ang tungkol sa Espiritu at makakatulong na laging ikumpara ang isang bahagi ng Banal na Kasulatan sa iba pa. Kaya kung mas titingnan pa natin ay makikita natin ang mas malinaw pang pananaw tungkol sa kung ano ang Banal na Espiritu at gawain nito.

Hindi ba’t ito’y magiging kahanga-hanga? Si Jesucristo na bumalik sa lupa. Pagagalingin niya tayo, tutulungan tayo, akayin tayo-lahat ng mga bagay na hindi magagawa ng ating mga taong pinuno.

Karamihan sa mga simbahang Kristiyano ay dapat magturo nito, ngunit kaming mga Christadelphian, ay tunay na naniniwala dito. Sa katunayan, kung babasahin mo mismo ang Bibliya, magkaroon ka ng parehong konklusyon.

SI JESUCRISTO AY MAGBABALIK.

Nakasisiguro tayo na sinasabi ng Bibliya na siya ay babalik sa masamang mundong ito, at babaguhin ito sa isang bagay na mas mabuti.

Inihanda ng Lumang Tipan ang mga tao para sa unang pagdating ni Cristo–sinabi sa kanila kung saan siya isisilang, kung ano ang gagawin niya, at kung paano siya mamamatay. Tulad din naman, sinasabi sa atin ng Bagong Tipan ang maraming mga detalye tungkol sa kanyang ikalawang pagparito–kung ano ang magiging katulad ng mundo, at ang kanyang gagawin pagdating niya, at ang kapangyarihang mapapasakanya kapag itinatag niya ang kanyang Kaharian.

Sa katunayan, ang Bibliya ay hindi dalawang magkakahiwalay na libro, ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ito ay isang buong libro. Mayroon itong isang tuluy-tuloy na mensahe:

“Si Jesucristo ay magbabalik.”

ANG MGA PANGAKO

Pabalik sa Genesis kabanata 12 hanggang 25, sinabi sa atin na pinili ng Diyos ang isang tao sa lahat ng iba pa, at nangako na ang buong mundo ay pagpapalain sa pamamagitan niya. Ang pangalan ng lalaki ay Abraham at ang pangakong ito ay naulit sa kanyang anak na si Isaac, at apo na si Jacob–na pinangalanan ding Israel. Sa madaling panahon ang pamilyang ito ng labindalawang tribo ay lumago sa malaking bansa, at inulit ng Diyos ang parehong mga pangako sa ibang mga kasapi ng parehong pamilya nang maraming beses.

Si Maria, ang ina ni Jesus, ay nagmula sa pamilyang ito at sa panahong ipinanganak si Jesus sa bansang Israel napakaraming mga tao ang naghahanap ng isang Tagapagligtas at isang Hari. Alam nilang lahat ang mga pangako at inaasahan ang isang taong dakila at malakas para itaboy ang mga Romanong sumakop sa kanila, at maging kanilang hari. Narito ang ilan sa mga Pangako na ginawa ng Diyos sa Israel:

· Sila ay magmammana ng lupain ng Israel magpakailanman(Genesis 13:15)

· Ang bahay at kaharian ni Haring David ay itatatag magpakailanman(2 Samuel 7:16)

· “Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay”(Jeremias 33:16).

Nang si Jesus ay 30 taong gulang, siya ay inihayag sa mga tao ng Israel bilang Anak ng Diyos. Marami talaga ang naniniwala na kailangan niyang maging kanilang Tagapagligtas at Hari, ngunit hindi siya tinanggap ng karamihan sa mga pinuno. Hindi nila alam, at hindi nila tatanggapin, kung ano ang ipinangako ng Diyos kay Maria, o kung ano ang sinabi ng mga anghel sa mga pastol. Karamihan sa mga pinuno ay hindi naniniwala sa kanyang mga himala ng pagpapagaling, o sa kanyang makapangyarihang mga salita. Sa loob ng tatlo at kalahating taon ay kinumbinsi nila ang mga Romanong pinuno na patayin siya. Pati ang mga alagad ay pinabayaan siya at tumakas.

ANG MULING PAGKABUHAY

Ngunit si Hesus ay hindi nanatiling patay! Inilabas siya ng Diyos mula sa libingan at binigyan siya ng isang ganap na bagong buhay. Hindi na muli siya mamamatay-ngayon si Kristo ay walang kamatayan. Sinabi niya sa kanyang sarili: "Lahat ng kapangyarihan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa." Ito ngayon ay parang katunog ng isang Tagapagligtas at Hari!

Ito ay simula lamang!

Si Jesus ay hindi nakita ng sinumang hindi naniniwala sa kanya. Nawala ang kanilang pagkakataong tanungin at atakehin siya. Ang mga alagad at tagasunod lamang ang nakakita sa kanya at nakausap siya. At 40 na araw pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay ay umakyat siya sa langit, na nag-iwan ng isang pangako–isa sa pinakadakilang mga pangako na nagawa.

“Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

(Mga Gawa 1:11)

Hindi pa ito nangyari. Ngunit tiyak na makikita mo mula sa buod ng plano ng Diyos na tiningnan natin, na tutuparin ni Jesucristo ang mga pangako at babalik sa lupa.

ANG PAGBABALIK

Ngayon titingnan natin ang ilan pang mga talata sa Kasulatan upang magbigay ng isang mas malinaw na larawan:

1. Sinabi ng Diyos na ang lahat ng mga bansa sa mundo ay pagpapalain sa pamilya ni Abraham.(Genesis 12:3)

2. Ang Hari ng mundo ay magmumula kay Haring David.(Lucas 1:32)

3. Ang Haring ito ay mamamatay ngunit hindi mananatiling patay. (Mga Awit 16:8-11)

4. Sa pagbabalik ng Anak ng Diyos ang disyerto ay mamumulaklak at ang karamdaman ng tao ay gagaling. (Isaias 35)

5. Ang mundong ito ay pamamahalaan ng Anak ng Diyos, mula sa Jerusalem.(Isaias 2:2-5)

Samakatuwid tila malinaw na ang plano ng Diyos mula pa sa simula ay upang ipadala ang Kanyang Anak bilang isang Tagapagligtas at isang Hari. Ang kapanganakan at buhay ni Jesus sa sanlibutan ay upang maunawaan Siya ng mga tao, at upang pahalagahan natin ang kanyang gagawin kapag siya ay muling dumating.

ANO NA ANG GINAGAWA NI JESUS ​​NGAYON?

Si Jesus ay nasa langit, sa kanang kamay ng Diyos, naghahanda ng kanyang kaharian. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi niya sa atin na manalanging "Dumating ang iyong kaharian". Malapit na ito! Si Jesus ay babalik mula sa langit at itatatag ang Kaharian ng Diyos sa sanlibutan. Siya ang magbabangon ng mga patay, lilinisin ang sanlibutan, at maghahari sa trono ni David, mula sa Jerusalem.

ANG MGA TANDA

Ang Diyos ay hindi nagbigay ng petsa kung kailan mangyayari ang lahat ng ito, ngunit nagbigay Siya ng ilang mga palatandaan upang maipakita sa atin kung kailan natin siya aasahan. Ang nasa ibaba ang ilan lamang sa mga "prophesiya" ng Bibliya kung saan nabanggit ang pagbabalik ni Jesus.

1. Ang mga Hudyo ay babalik sa kanilang bayan. (Jeremias 25:5-8)

–Nangyayari ito sa ating mga buhay!

2. Ang mga problema sa buong mundo ay magiging malinaw sa lahat. (Lucas 21:25-27)

– Mas totoo ito ngayon kaysa dati.

3. Maraming bansa sa sanlibutan ang magbabanta at aatake sa Israel. (Zacharias 14:1-11)

– Dapat nating bantayan ang mga ito na maganap sa madaling panahon.

Lalo nang nagiging malinaw na ang lugar ay itinakda para sa pagbabalik ni Jesus sa mundong ito. Hindi natin alam kung kailan ang tiyak na pagbabalik niya, ngunit tiyak na nakikita natin kung ano ang nangyayari sa mundo sa paligid natin. Ang mga propesiya ay natutupad. Pinayagan ang mga Hudyo na umalis sa Russia (tingnan sa Jeremias 23: 8). Ito ay isang karagdagan sa mahabang listahan ng mga propesiya na kamailan lang ay natupad.

Kaya, ano ang gagawin mo tungkol dito? Maghihintay ka ba hanggang sa dumating siya bago ka gumawa ng kahit ano? Baka mahuli na ang lahat.

Sinusubukan ng mga Christadelphian na sundin ang tawag ng Ebanghelyo, at maging handa para sa ating Haring Tagapagligtas. (Sa wika ng Bagong Tipan, ang Griyego, ang "Jesus" ay nangangahulugang 'Tagapagligtas' at ang "Cristo" ay nangangahulugang 'Hari'.)

Nais mo bang ihanda ang iyong sarili para sa kanyang pagbabalik? Maaari ba kaming magpadala sa iyo ng isa pang babasahin tungkol sa totoong mga katotohanan sa Bibliya?

SI JESU​​CRISTO AY MAGBABALIK!

Si Jesucristo ay Magbabalik!

CBM

Button

Hindi ba’t ito’y magiging kahanga-hanga? Si Jesucristo na bumalik sa lupa. Pagagalingin niya tayo, tutulungan tayo, akayin tayo-lahat ng mga bagay na hindi magagawa ng ating mga taong pinuno.

1. SAAN SA LUMANG TIPAN ANG NAGSASALITA TUNGKOL KAY JESUCRISTO?

Sa lahat ng dako! Ang Lumang Tipan ay mayroong tatlong pangunahing mga seksyon: (a) Ang Kautusan na ibinigay kay Moises, (b) Ang Mga Awit at (c) Ang Mga Propeta.

Matapos ang kanyang pagkabuhay na mag-uli ay itinuro ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga tagasunod: “Magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan” (Lucas 24: 25-27). Makalipas ang ilang sandali ay sinabi niya na "kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit” (Lucas 24:44-45).

Si Jesucristo ay nasa sentro ng plano ng Diyos para sa sanlibutan. Alam natin ang tungkol sa kanyang buhay mula sa Bagong Tipan. Maaaring ikaw na nagulat nang malaman na ang Lumang Tipan ay naghula ng tungkol sa kanyang pagsilang, trabaho, pagdurusa, kamatayan, pagkabuhay na muli, pag-akyat sa langit at kanyang pagbabalik sa sanlibutan bilang hari upang itatag ang walang hanggang kaharian ng Diyos. Kamangha-manghang ang kasaysayan ni Jesus ay tumpak na hinulaan sa Lumang Tipan.

Ang Hudyong “Mesiyas”

Ang mga Hudyo sa panahon ni Jesus ay naghihintay ng kanilang Mesiyas, ang 'Ang Pinahiran’. Anim na daang taon bago ipinanganak si Jesus. Sinabi ng propetang si Ezekiel sa masamang haring Zedekias, “Ilapag mo ang tiara … Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya” (Ezekiel 21: 25-27). Ang taong darating na inihuhula ni Ezekiel ay si Jesus.

Si Jesucristo ang susi sa pag-unawa sa Master plan ng Diyos. Ang kwentong Bibliya ay tungkol sa pagtubos sa atin mula sa kasalanan at kamatayan. Nagsisimula ito sa Eden na may pagpapakilala ng kasalanan at kamatayan sa sanlibutan. Nagtatapos ito sa kaligtasan ng mga tapat na mananampalataya kay Jesus: “Ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan … ang mga bagay nang una ay naparam na” (Apocalipsis 21:3-4). Si Hesus ang nagdadala ng mga mananampalataya mula sa kamatayan kay Adan hanggang sa walang hanggan buhay Isang tagapagligtas talaga! Bago siya ipinanganak, ang ang mensahe tungkol kay Jesus ay “Ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Mateo 1:21).

2. MAYROON BANG DETALYADONG MGA PROPESIYA TUNGKOL SA BUHAY AT GAWAIN NI JESUS?

Tiyak na mayroon! Magsisimula tayo sa isa na mahusay.

A) Si Jesus ay magiging hari ng sanlibutan. Isang espesyal na pangako ang ginawa para kay Haring David, na nabuhay isang libong taon bago si Jesus. “Aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo … at aking itatatag ang kaniyang kaharian ….aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man” (2 Samuel 7: 12-13). Sinabi sa atin ng anghel na si Gabriel na ang mga salitang ito ay nalalapat kay Jesucristo. Sa Lucas 1: 32-33, sinabi niya kay Maria, ang ina ni Jesus na "Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama. At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian”.

Si Jesus ay dapat bumalik sa lupa upang matupad mga pangakong ito.

B) Ang kanyang lugar na sinilangan. Ito ay tumpak hinulaan. "Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata … mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel” (Mikas 5: 2).

C) Siya ay magiging Anak ng Diyos. Ibinigay ni Nathan ang mensahe ng Diyos kay David. “Aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo … aking itatatag ang kaniyang kaharian …ang kaniyang luklukan magpakailan man” (1 Mga Cronica 17:11-12).

D) Ang ugali niya."At ang Espiritu ng Panginoon ay sasa kaniya, ang diwa ng karunungan at ng kaunawaan … ng payo at ng katibayan … ng kaalaman at ng takot sa Panginoon” (Isaias 11: 2). Ganap na natupad ni Jesus ang propesiyang ito.

E) Ang mensahe niya. Si Jesus ay "naglalakad … na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios” (Lucas 8: 1). Nangaral siya na maililigtas niya tayo mula sa kasalanan at kamatayan, na siya ay muling babalik, bubuhayin ang patay, magbigay ng buhay na walang hanggan sa mga naniniwala at magtatatag Kaharian ng Diyos. Gaano ito kahusay na umaangkop sa Propesiya ni Isaias: "Pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo… upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo” (Isaias 61: 1-2).

Lahat tayo ay bihag sa kasalanan at kamatayan. Kailangan natin ng kaligtasan mula sa bilangguan ng kamatayan.

F) Ang kanyang mga himala. Pakinggan ang propesiyang ito: “Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan” (Isaias 35: 5-6). Pakinggan mo ngayon ang mga salita ng taong bulag mula nang ipanganak na pinagaling ni Jesus: “isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako. Kung ang taong ito'y hindi galing sa Dios, ay hindi makagagawa ng anoman” (Juan 9: 25, 33). Gaano katotoo. Ang mga himala ni Jesus ay nagpatunay na ang Diyos ay nagsasalita at nagtatrabaho sa pamamagitan ng kanyang anak.

G) Ang pagtanggi sa kaniya. Isinulat ni Isaias na "Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53: 3). Gayundin, hinulaan niya ang tungkol kay Jesus: "Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit … hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura." (Isaias 50: 6). Kinukuha din ng Mga Awit ang temang ito ng pagdurusa. “Ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala” (Mga Awit 69:20). Gaano kalungkot, ngunit totoo. Humanga lamang tayo sa ganoong tumpak na mga hula tungkol sa kung ano ang tiniis ni Jesus.

H) Ang pagkapako niya sa krus. Ang pagpatay ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus ay hindi pa nalalaman nang isulat ang Mga Awit. Gayunpaman, hinulaan ng Lumang Tipan na si Jesus ay ipapako sa krus. "Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa." (Awit 22:16). Pambihira!

I) Si Jesus na Manunubos. Simpleng sinabi, “siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang; siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan … sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo … ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53: 4-6).

J) Ang kanyang pagkabuhay na mag-uli. "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan” (Awit 16:10). Ang kaluluwa ay ang katawan at ang sheol ay ang libingan. Ang katawan ni Jesus ay hindi masira at hindi naiwan sa puntod.

Kinumpirma ni Pedro na ang hula na ito ay tumutukoy kay Jesus, sa Mga Gawa 2: 29-32. "Si David, na siya'y namatay at inilibing… palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades (sa libingan), ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat”.

K) Ang kanyang pag-akyat sa langit. Si Jesus ay umakyat sa langit (Mga Gawa 1:11). Siya ngayon ay nakaupo "sa kanang kamay ng Diyos" (Mga Gawa 2:33). Ang Lumang Tipan ay nanghula nito: “Nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man” (Awit 16:11). Kahanga-hanga, hindi ba?

L) Babalik siya.Ang salitang 'hanggang' ay kaugnay ng dalawang mahalagang kasulatan. Ang Awit 110: 1-2 ay nagsabi tungkol kay Jesus ng "Umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway ... magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway”. Kinuha ni Pedro ang ‘Hanggang’ sa Mga Gawa 3: 19-21: “Kaniyang suguin ang … si Jesus na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggangsa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta”. Ginawa niya talaga.

Naunawaan ni Jesus ang kanyang misyon ng kaligtasan mula sa Lumang Tipan. Mas mahirap tayo kung wala ito.

3. MAGIGING ISANG TUNAY NA HARI BA SI JESUS, NA MAY ISANG TUNAY NA KAHARIAN SA SANLIBUTAN?

Matapos tingnan ang lahat ng mga sipi sa Luma at Bagong Tipan sa babasahing ito, paano mag-aalinlangan ang sinuman dito? Simpleng basahin ulit ito upang makita ang kalinawan at kapangyarihan nito.

Mayroon pang isang mahalagang tanong. Paparoon ka ba upang makita ito? Maaari kang mabuhay magpakailanman sa kaharian ng Diyos, ngunit hindi ka maaanod dito. Ang positibong aksyon sa iyong parte ay mahalaga.

Sa Juan 1:45 sinabi ni Felipe na "Nasumpungan namin yaong isinulat ni Moises sa kautusan, at gayon din ng mga propeta, si Jesus na taga Nazaret”. Nasumpungan mo na din ba siya? Ito ang mga mga hakbang na dapat nating gawin upang magalak kasama si Jesus sa kaniyang pagbabalik sa sanlibutan bilang hari: (1) maniwala sa kanya, (2) magsisi, (3) magpabautismo at (4) sundin ang kanyang mga utos. Ang iba pang mga babasahin sa seryeng ito ay nagpapaliwanag sa bawat hakbang na ito. Nawa’y lumapit ka upang makilala ang buhay na Kristo, at lumakad sa kanyang mga paraan. "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man” (Apocalipsis 11:15).

Si Jesucristo, Tagapagligtas at Hari

MGA PROPESIYA SA LUMANG TIPAN TUNGKOL SA KANYANG MISYON

CBM

Button

Sa lahat ng dako! Ang Lumang Tipan ay mayroong tatlong pangunahing mga seksyon: (a) Ang Kautusan na ibinigay kay Moises, (b) Ang Mga Awit at (c) Ang Mga Propeta.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page