top of page

SA PAGBASA NG BIBLIYA

SA PAGBASA NG BIBLIYA

BILANG 3

Ang Diyos ay nakipag-usap sa sangkatauhan sa isang kamangha-manghang paraan. Ang Kanyang Aklat ay isang natatanging paghahayag – hindi katulad ng anupamang naisulat. Inilatag nito ang buhay ng marami sa mga manunulat nito, ipinapakita kung paano sila namuhay, kasama na ang kanilang mga pagkakamali. Nagpapakita ito ng larawan ng pinakadakilang taong nabuhay – ang Panginoong Jesucristo – at inilalarawan nito ang pinakamahusay na buhay. Gayunpaman, sa paglalarawan ng kung ano ang nangyari sa kanya, ipinapakita rin nito sa atin ang likas na katangian ng tao sa pinakamasamang kalagayan.

v Aklat na Babasahin

Ang nasabing aklat ay dapat basahin. Hindi ito maaaring ipagwalang-bahala o hindi pansinin, bagaman mas madalas iyan ang nangyayari. Maraming tao ang mayroong Bibliya; iilan lamang ang nagbasa ng anuman dito at napakakaunting mga tao ang nagbabasa ng buong Bibliya nang regular. Maaring ang ilang mga tao ay may mga paboritong bahagi ng Bibliya na madalas nilang binabasa, ngunit kung nais nating malaman ang mensahe ng Diyos para sa sangkatauhan, dapat basahin ang buong Bibliya. At, sapagkat ito ay isang mahaba at kung minsan ay komplikadong libro, kailangan natin itong basahin ito at patuloy itong basahin. Ito ay isang libro na maaaring magbigay sa atin ng isang bagong buhay, ngunit matagal bago ito maunawaan nang buo.

Nais ng lahat na malaman ang tungkol sa mga misteryo ng buhay, kung kaya, sa ilang mga bansa, may ganoong interes sa pagsasabi ng kapalaran o pangkukulam. Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Ang mundo ba ay magtatapos sa takdang panahon? Bakit naghihirap ang mga tao? Ang mga katanungang tulad niyan ay hindi madaling sagutin, ngunit ang Bibliya ay may mga sagot – sapagkat naglalaman ito ng mensahe ng Diyos at mga sagot ng Diyos. Kaya paano natin malalaman kung ano ang mga sagot na iyon?

Pagsisikapan ng aklat na ito na hanapin ang mga sagot sa mga katanungang iyon habang sinusundan ang Sulat ni apostol Pablo sa mga taga-Roma. Ngunit naging malinaw na, na upang maunawaan ang Bibliya para sa ating sarili, kailangan natin ng higit pang pagbabasa ng Bibliya sa sarili natin. Sa pagtatapos ng bawat kabanata sa aklat na ito ay mahahanap mo ang ilang mga mungkahi tungkol sa karagdagang pagbasa ng Bibliya. Kung susundin mo ang mga ito makakatulong ito upang madagdagan ang iyong pag-unawa sa katuruan ng Bibliya at tutulungan ka nitong suriin kung ano ang mga titingnan natin sa Roma.

Isang mahusay na kasanayan na nakabatay sa Bibliya ang suriin ang mga bagay-bagay, at hindi lamang balewalain ang mga ito. Nang unang pagdalaw ni apostol Pablo sa Europa, nakita niya ang mabagsik na pagsalungat sa iba't ibang lugar. Napunta siya sa isang pangkat ng mga tao sa lugar na tinawag na Berea, na tungkol dito ay sinabi:

Mas bukas ang isipan ng mga Judiong tagaroon kaysa sa mga Judiong taga-Tesalonica. May pananabik silang nakinig sa mga paliwanag ni Pablo, at sinaliksik nila araw-araw ang mga Kasulatan upang tingnan kung totoo nga ang sinasabi niya. Sumampalataya ang maraming Judio roon, gayundin ang mga Griego, pawang mga lalaki at mga babaing kilala sa lipunan” (Mga Gawa 17:11-12).

Marahil gusting gumawa ng isang pattern ng pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya na nababagay sa iyong sariling mga pangangailangan. Ang magkakaibang mga mambabasa ng aklat na ito ay nasa iba’t ibang mga yugto ng pag-unawa. Ang ilan marahil ay pamilyar na sa Bibliya; ang iba ay maaaring hindi kailanman tumingin nang seryoso rito. Kaya iba't ibang mga ideya ang iminungkahi dito at maaari kang pumili ng isang bagay na tila naaangkop. Subalit una sa lahat, narito ang ilang mga pangkalahatang obserbasiyon.

v Mga Bersiyon ng Bibliya

Sa pagsasalin sa Filipino (mula sa orihinal na aklat na “Understanding the Bible”), ang aklat na ito ay gumagamit ng Bibliyang English Standard Version o ESV (bagaman isinalin sa Tagalog ng bersiyon na Magandang Balita Biblia); ang ESV ay nag-updeyt ng Revised Standard Version ng Bibliya na siyang rebisyon ng mas nauunang mga bersiyon mula pa nang 1611 King James Version. Ang dahilan sa paggamit nito ay pinagsasama ng ESV ang isang literal sa pagsasalin ng Bibliya na may istilong kaaya-aya at madaling basahin. Ang ibang mga bersyon ay maaaring sangguniin paminsan-minsan, kung ang pagsasalin nito ay mas malinaw, at hindi masyadong mahalaga kung aling bersyon ang gusto mong gamitin o pipiliin mong gamitin.

Ang Lumang Tipan ng Bibliya ay pangunahing nakasulat sa Hebreo (na may maliit na bahagi lamang sa Aramaic) at ang Bagong Tipan ay nakasulat sa Griyego. Ginagawa ng lahat ng mga pagsasalin ang makakaya nila upang maibigay ang orihinal na mga wika sa Ingles, at ang ilan ay maaring mas mahusay kaysa sa iba. Tiyaking gumagamit ka ng isang pagsasalin at hindi pakahulugan sa ibang pangungusap o paraphrase, tulad ng ilang mga bersyon - tulad ng "The Living Bible" o "The Message" - na itinakda upang maging isang napakamalayang paglalarawan, na mas masalita at mapagkausap kaysa maging tumpak.

Ang isang Bibliya na may Cross References ay maaaring maging isang malaking tulong. Ito ang mga sanggunian na lumilitaw sa margin o sa ilalim ng pahina. Ituturo ng mga ito sa iyo ang iba pang mga sipi ng Banal na Kasulatan na magkatulad, o kung aling mga sipi ang magkatulad na paksa. Habang nagiging pamilyar ka sa mensahe ng Bibliya gugustuhin mong gamitin ang mga sobrang tulong. Ngunit, para sa mment, ang mahalaga ay kung paano ka magsisimula.

Basahin ang Evangelio ni Marcos kung nais mo ng banayad na pagpapakilala sa Buhay ni Jesus. Mabilis mong mapagtantanto kung gaano ka-iba ang mga bagay dalawang libong taon na ang nakakaraan. Ang mga pangyayaring inilarawan sa Bibliya ay nangyari sa Gitnang Silangan, sa lipunang pang-agrikultura kung saan kinokontrol ng batas ng mga Romano ang buhay ng mga mamamayan at kinokontrol ng batas ng Hudyo ang paraan ng pagsamba. Ang mas madalas na pagbabasa ay mas nagpapadali nito, ngunit laging tandaan na ang buhay ay medyo kakaiba kaysa sa panahon ng Bibliya. Ang mga sulating ito ay kabilang sa sinaunang kasaysayan. Ang kamangha-manghang bagay ay yaong may kaugnayan pa rin ang mga sulatin, at makabuluhan parin ang mga ito ngayon. Ang Bibliya ay isang lumang aklat na mayroong totoong napapanahong mensahe.

v Dalawang Magkaibang Bahagi

Ang istraktura ng Bagong Tipan ay madaling sundan. Ang buhay ni Jesus ay ikinuwento ng apat na beses, sa mga evangelio nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Pagkatapos ay ang kwento ng unang ecclesia – na pangunahing nakasentro sa pangangaral ng mga apostol na sina Pedro at Pablo. Nakapaloob iyan sa Mga Gawa ng mga Apostol, na isinulat ng manunulat ng evangelio na si Lucas. Ang Mga Gawa ay tumutukoy sa maraming mga lugar na binisita ng mga apostol at ang iba`t ibang mga sulat, na bumubuo sa natitirang bahagi ng Bagong Tipan, na isinulat habang o pagkatapos ng kanilang paglalakbay.

Ang mga sulat ay paraan ng iba`t ibang mga apostol upang makipag-ugnay sa mga bagong kongregasyon na itinatag. Minsan ang mga ito ay sulat ng pangkalahatang pagbibigay lakas at pag-asa; kung minsan ay pagpapayo sa pagharap ng mga problema o isyung lumitaw. Tulad ng nakita na natin, ang Roma ay isinulat upang itakda ang pagkaunawa ni Pablo tungkol sa evangelio ng kaligtasan bago ang kanyang nilalayon na pagbisita, pati na rin ang pagharap sa ilang mga lokal na problema ng ecclesia sa Roma.

Ang Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan ay mas mahaba. Binubuo ito ng halos dalawang-ikatlo ng Bibliya at isinasama ang kasaysayan, tula at propesiya. Ang mga kwentong pangkasaysayan o salaysay ay nagsisimula sa unang Aklat - Genesis - at patungo sa Aklat ni Esther - 17 na mga aklat lahat, mula sa 39. Inilalarawan ng unang 11 na kapitulo ng Genesis ang paglikha sa sanglibutan, pagkatapos ay nagsasalaysay kung paano napunta sa mali ang mga bagay, ang pagdating ng isang malawakang pagbaha sa buong sanglibutan at ang pagbuo ng Moog ng Babel. Pagkatapos nito ay naitala ang kuwento ng isang pamilya - ang kay Abraham, at ang kanyang mga inapo.

Ang mga inapo kinalaunan ay naging isang bansa (Israel), at iniligtas mula sa pagka-alipin sa Ehipto, na pinangunahan ni Moises. Matapos ang panahon ng paggala sa parang ay pumasok sila sa Lupang Pangako at nagsimulang mamuhay bilang isang piniling bansa ng Diyos, na natututong sumunod at sundin ang Kanyang Batas. Una, mayroon silang pinuno na ibigay ng Diyos na si Joshua, pagkatapos nito ay binigyan sila ng mga hukom upang iligtas sila mula sa mga partikular na sitwasyon, at pagkatapos ay bibigyan sila ng mga hari, katulad ng ibang mga bansa.

Datapwat ang Kaharian na itinatag sa Israel ay hindi napakatakbo nang maayos. Matapos ang paunang tagumpay, sa ilalim ni Haring David at ng kanyang anak na si Solomon, nahati ang kaharian sa dalawa – sa Hilaga at Timog. Inabandona ng Hilagang Kaharian ang totoong pagsamba sa Diyos at gumawa ng isang ganap na gawang taong sistema ng pagsamba sa guya. Mayroon silang mga huwad na pari at gumawa ng kanilang sariling mga patakaran at regulasyon. Ang ayos na iyon ay tumagal ng halos 200 taon bago ang Hilagang Kaharian ay mabihag sa Asiria at ang lahat ng mga tao ay ipinatapon. Medyo napabuti ang Timog na Kaharian ng Juda. Sa kabuuan tumagal ito ng humigit-kumulang 350 taon bago din nito talikuran ang pagsamba sa Diyos at binayaran ang halaga nito. S panahong iyon, mga 600 B.C., ang Babilonya ang namumuno sa Gitnang Silangan, na nasakop ang mga taga-Asirya, at ang mamamayan ng Kaharian sa Timog ay ipinatapon doon, sa bansang kilala natin ngayon bilang Iraq.

Pitumpung taon na ang lumipas nang isang pangkat ng mga Hudyong ipinatapon ay bumalik mula sa Babilonya – na samantala ay sinakop ng mga taga-Persia. Sinimulan nilang itaguyod muli ang kanilang bansa at ang lungsod ng Jerusalem. Ang bahaging ito ng kanilang kasaysayan ay sakop sa mga aklat nina Ezra at Nehemias. Apat na raang taon pagkatapos nito - sa panahong ang mga Romano ang namamahala sa kapangyarihan - nagsisimula ang Bagong Tipan, sa pagsilang ni Jesus.

v Kamangha-manghang Pagkakaiba-iba

Ngayon mayroon kang ilang ideya ng pagkakaiba-iba at kamangha-mangha ng aklatan ng mga aklat na bumubuo sa Bibliya. May mga aklat na puno ng tula at karunungan ng salawikain. Ang Aklat ng Mga Awit ay isang aklat ng himno na ginamit sa pagsamba sa templo. Mayroong mga matalinong kasabihan ni Haring Solomon at ng iba pa; tula ng pag-ibig; at makatuwirang sanaysay tungkol sa pinakamahusay na paraan upang mabuhay sa harapan ng Diyos. Mayroon ding Aklat ni Job na nagpapaliwanag kung paano ang isang tao ay maaaring maging tuwid sa paningin ng Diyos, isang pananaw na naganap noong si Job ay dumaan sa matinding pagsubok.

Pagkatapos mayroong propesiya, na bumubuo ng isang malaking sukat ng Bibliya. May nagtukoy na higit sa isang kapat ng Lumang Tipan ay hinuhulaan ang hinaharap sa isang paraan o iba pa (at higit sa isang ikalimang bahagi ng Bagong Tipan din). Mayroong malalaking propesiya - tulad ng kina Isaias at Jeremias - at labindalawang mas maikli, na nagdadala sa atin hanggang sa panahon nina Ezra at Nehemias. Tulad ng pagbibigay sa atin ng Aklat ng Mga Gawa ng isang gabay sa mga panahon ng Bagong Tipan tungkol sa kung kailan at kanino isinulat ang iba`t ibang mga sulat, sa gayon ang mga makasaysayang bahagi ng Bibliya ay tumutulong sa atin na tuklasin ang kahulugan ng mensahe na dinala ng mga propeta ng Diyos. Sapagkat madalas ang kanilang mensahe ay mayroong agaran pati na rin pangmatagalang kahalagahan.

Kung nais mong subukin ng kaunti sa Lumang Tipan pagkatapos basahin ang Evangelio ni Marcos, baka gusto mong basahin ang Aklat ni Ruth upang bigyan ka ng pananaw sa kung ano ang buhay noong mga panahong iyon. Ang aklat na iyon ay isinulat noong mga panahon kung kailan namumuno ang mga Hukom (mga 1250 taon bago ang kapanganakan ni Jesus).

Napakagandang tampok ng Bibliya na ang isang sinaunang libro - na isinulat 1900 taon na ang nakakaraan - ay maaari pa ring maging kawili-wili at may kaugnayan. Hindi ito na ito nakakagulat dahil, tulad ng nakita natin, ito ay isang aklat mula sa Diyos. Iba't ibang mga manunulat ang sumulat habang sila ay binigyang inspirasyon ng Diyos. Hindi nila ginawa-gawa ang mga bagay. Hindi nila maaaring makamit ang napakahusay na resulta nang walang tulong ng Diyos. Tulad ng minsang sinabi ni apostol Pedro:

Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito’y pag-ukulan ninyo ng pansin sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. Higit sa lahat unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito’y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (2 Pedro 1:19-21).

Pang-araw-araw na Pagbasa ng Bibliya

Kung magpapasya kang nais mong basahin ang isang bahagi ng Bibliya araw-araw, upang tuklasin ang lahat ng inilakip ng Diyos sa Kanyang mensahe, makikita mong ang isang plannerpara sa pang-araw-araw na Pagbasa ng Bibliya ay kapaki-pakinabang. Ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng introduksiyon sa iba't ibang bahagi ng Bibliya at aabutin ka ng isang taon upang magawang basahin ang isang kabanata bawat araw. Nakalakip ang planner sa araling ito.

Kung sa palagay mo ay medyo sobra na ito para sa iyo dahil sa panimulang yugto ng iyong pagkaunawa, maaari mong pag-isipang simulant ito sa paglaon, habang ang iyong kaalaman tungkol sa pangkalahatang mensahe ng Bibliya ay umuusbong. Kung nais mo ng isang bagay na mas detalyado, na magdadala sa iyo patungo sa buong Bibliya sa loob ng isang taon, mayroong isa pang plano sa Pagbasa ng Bibliya na maaari mong gamitin, na tinatawag na Bible Companion. Maaari kang humingi sa iyong tagapagturo ng isang kopya kung nais mong basahin iyon. Ngunit kailangan mong bilisan upang mas marami kang mabasa habang tumataas ang iyong antas ng pag-unawa.

Mga Bagay na Babasahin

ü Iminungkahi ng araling ito na subukin mo ang Bagong Tipan sa pamamagitan ng pagbabasa ng buong Evagelio ni Marcos (lahat ng 16 na kapitulo) at ang Lumang Tipan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Aklat ni Ruth (4 na kapitulo lamang). Huwag madaliin ang mga ito; huwag kang magmadali at suriing maingat ang mga sipi.

ü Gayunpaman, mas gugustuhin mo marahil ang magsimula sa Planner ng Pagbabasa ng Bibliya na kasama sina Mark at Ruth sa loob ng iminungkahing pagbasa, bilang bahagi ng hakbang 5.

ü Mayroon ding mga iminungkahing pagbabasa sa bawat kabanata ng Aklat na ito, kaya’t maari kang mapasya kung ano ang pinakamahusay para sa iyo. Marahil mas gugustuhin mong magsimula ng regular na pagbabasa ng Bibliya pagkatapos mong matapos ang Aklat na ito, sapagkat may mga mungkahi tungkol sa mga kapaki-pakinabang na sipi sa Bibliya pagtatapos ng bawat kabanata ng aklat na ito.

ü Kung mayroon kang isinulat na anumang kawili-wili o mahirap, gumawa ka ng tala nito, o sumulat ng isa o dalawang katanungan, at makakatulong ito sa iyo na magkaroon ng isang lohikal at maingat na diskarte sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan.

Mga Katanungang Sasagutin

3.1 Kahit na ang mga Hari ng Israel ay inatasan na basahin ang Bibliya at gumawa ng kanilang sariling kopya ng bahagi nito, upang magamit ito para sa kanilang nakahandang sanggunian. Ang bawat pamilya sa Israel ay pinag-uusapan at itinuturo ang Banal na Kasulatan sa kanilang mga tahanan, upang ang mga bagay na ito ay maging kanilang kasiyahan sa araw-araw. Ano ang ipahiwatig nito sa atin tungkol sa pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya? (Deuteronomio 17; 18-20; 6: 6-12)

3.2  Paano tinulungan ng Banal na Kasulatan si Jesus na malaman ang tungkol sa kalooban ng Diyos at ano ang itinuturo sa atin ng kanyang karanasan tungkol sa pag-unlad na maaring magawa natin? (Lucas 2: 40-47, 51-52; 4: 3-12; 16-21)

Planner Para sa Pagbabasa ng Bibliya

Basahin ang isang kapitulo bawat araw sa loob ng 12 na buwan

Hakbang

linggo

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

1

1

Awit 19

Genesis 1

Lucas 2

1 Cor 13

Marcos 4

Ecclesiastes 3

2 Tim 3

2

2

Genesis 2

Genesis 3

Genesis 4

Genesis 5

Genesis 6

Genesis 7

Genesis 8

3

Mateo 1

Mateo 2

Mateo 3

Mateo 4

Mateo 5

Mateo 6

Mateo 7

3

4

Genesis 11

Genesis 12

Genesis 13

Genesis 14

Genesis 15

Genesis 17

Genesis 19

5

Mateo 8

Mateo 9

Mateo 10

Mateo 11

Mateo 12

Mateo 13

Mateo 14

6

Genesis 22

Genesis 26

Genesis 27

Genesis 28

Genesis 29

Genesis 30

Genesis 31

4

7

Mateo 15

Mateo 16

Mateo 17

Mateo 18

Mateo 19

Mateo 20

Mateo 21

8

Genesis 32

Genesis 33

Genesis 37

Genesis 39

Genesis 40

Genesis 41

Genesis 42

9

Mateo 22

Mateo 23

Mateo 24

Mateo 25

Mateo 26

Mateo 27

Mateo 28

10

Genesis 43

Genesis 44

Genesis 45

Genesis 46

Genesis 47

Genesis 49

Genesis 50

5

11

Marcos 1

Marcos 2

Marcos 3

Marcos 6

Marcos 7

Marcos 8

Marcos 9

12

Exodus 1

Exodus 2

Exodus 3

Exodus 4

Exodus 5

Exodus 6

Exodus 7

13

Marcos 10

Marcos 11

Marcos 12

Marcos 13

Marcos 14

Marcos 15

Marcos 16

14

Exodus 8

Exodus 9

Exodus 10

Exodus 11

Exodus 12

Exodus 13

Exodus 14

15

Lucas 1

Lucas 2

Lucas 4

Lucas 5

Lucas 7

Lucas 9

Lucas 10

16

Exodus 16

Exodus 17

Exodus 19

Exodus 20

Exodus 24

Exodus 25

Exodus 32

17

Lucas 11

Lucas 12

Lucas 13

Lucas 14

Lucas 15

Lucas 16

Lucas 17

18

Leviticus 8

Leviticus 10

Leviticus 16

Leviticus 17

Leviticus 23

Leviticus 25

Leviticus 27

19

Lucas 18

Lucas 19

Lucas 20

Lucas 21

Lucas 22

Lucas 23

Lucas 24

20

Bilang 14

Bilang 17

Bilang 20

Bilang 21

Bilang 22

Bilang 23

Bilang 24

21

Juan 1

Juan 3

Juan 4

Juan 10

Juan 11

Juan 15

Juan 17

22

Deut 1

Deut 2

Deut 3

Deut 6

Deut 8

Deut 18

Deut 28

23

Mga Gawa 1

Mga Gawa 2

Mga Gawa 3

Mga Gawa 4

Mga Gawa 5

Mga Gawa 6

Mga Gawa 7

24

Josue 1

Josue 2

Josue 3

Josue 4

Josue 6

Josue 20

Josue 24

25

Mga Gawa 8

Mga Gawa 9

Mga Gawa 10

Mga Gawa 11

Mga Gawa 12

Mga Gawa 13

Mga Gawa 14

26

Mga Hukom 4

Mga Hukom 7

Mga Hukom 14

Ruth 1

Ruth 2

Ruth 3

Ruth 4

7

27

Mga Gawa 15

Mga Gawa 16

Mga Gawa 17

Mga Gawa 18

Mga Gawa 19

Mga Gawa 20

Mga Gawa 21

28

1 Samuel 1

1 Samuel 2

1 Samuel 3

1 Samuel 8

1 Samuel 9

1 Samuel 10

1 Samuel 15

29

Mga Gawa 22

Mga Gawa 23

Mga Gawa 24

Mga Gawa 25

Mga Gawa 26

Mga Gawa 27

Mga Gawa 28

30

1 Samuel 16

1 Samuel 17

2 Samuel 1

2 Samuel 2

2 Samuel 5

2 Samuel 7

2 Samuel 24

31

Roma 5

Roma 6

Roma 8

Roma 9

Roma 10

Roma 12

Roma 13

32

1 Hari 3

1 Hari 5

1 Hari 12

1 Hari 17

1 Hari 18

2 Hari 5

2 Cron 36

33

1 Cor 1

1 Cor 2

1 Cor 3

1 Cor 10

1 Cor 11

1 Cor 13

1 Cor 15

34

Awit 1

Awit 2

Awit 6

Awit 16

Awit 20

Awit 22

Awit 23

Hakbang

linggo

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

35

2 Cor 11

Galatia 1

Galatia 2

Galatia 3

Galatia 4

Galatia 5

Galatia 6

36

Awit 32

Awit 37

Awit 45

Awit 46

Awit 48

Awit 49

Awit 51

37

Efeso 4

Efeso 5

Efeso 6

Filipos 1

Filipos 2

Filipos 3

Filipos 4

38

Awit 67

Awit 72

Awit 88

Awit 90

Awit 91

Awit 95

Awit 96

39

1 Tes 1

1 Tes 2

1 Tes 3

1 Tes 4

1 Tes 5

2 Tes 1

2 Tes 2

40

Awit 103

Awit 104

Awit 110

Awit 122

Awit 146

Awit 149

Awit 150

41

1 Tim 1

1 Tim 2

1 Tim 6

2 Tim 1

2 Tim 2

2 Tim 3

2 Tim 4

42

Isaias 1

Isaias 2

Isaias 9

Isaias 11

Isaias 25

Isaias 26

Isaias 32

43

Hebreo 1

Hebreo 2

Hebreo 3

Hebreo 4

Hebreo 5

Hebreo 10

Hebreo 11

44

Isaias 40

Isaias 42

Isaias 52

Isaias 53

Isaias 55

Isaias 60

Isaias 61

45

Hebreo 12

Hebreo 13

Santiago 1

Santiago 2

Santiago 3

Santiago 4

Santiago 5

46

Jeremias 1

Jeremias 17

Jeremias 30

Jeremias 31

Jeremias 33

Jeremias 36

Jeremias 38

47

1 Pedro 1

1 Pedro 2

1 Pedro 3

1 Pedro 5

2 Pedro 1

2 Pedro 2

2 Pedro 3

48

Ezekiel 2

Ezekiel 3

Ezekiel 18

Ezekiel 36

Ezekiel 37

Ezekiel 38

Ezekiel 39

49

1 John 1

1 John 2

1 John 3

John 4

2 John

3 John

Judas

50

Daniel 2

Daniel 3

Daniel 5

Daniel 6

Daniel 7

Daniel 9

Daniel 12

51

Oseas 13

Joel 3

Mikas 5

Zacharias 8

Zacharias 12

Malakias 3

Malakias 4

52

Apocalipsis 1

Apocalipsis 2

Apocalipsis 3

Apocalipsis 5

Apocalipsis 19

Apocalipsis 21

Apocalipsis 22

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page