top of page

Pagdurusa

Pagdurusa

CBM

Sa simula, kailangan nating mapagtanto na iniibig ng Diyos ang sanlibutan nang may walang hanggang pag-ibig: “Gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).

Ang kaligtasan ay dapat dumating sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagdurusa ni Jesucristo. Sa kanya, ang Diyos mismo ang tumutubos sa sanlibutan.


1. ANONG BAHAGI ANG GINAGAMPANAN NG TAO UPANG MAGDULOT NG PAGDURUSA?

Binigyan ng Diyos ang bawat isa ng pagkakataon upang pumili sa tama at mali, sa mabuti at masama. Ipinangako Niya ang walang hanggang buhay sa mga pumili na sumunod sa Kanyang daan. Nakakalungkot na ang tao ay madalas pumili ng maling pagpili. Ang prinsipyo ng pag-ibig ng Diyos ay ipinagwalang-bahala.

Sa daang-siglo, milyon-milyon ang namatay sa hindi mabilang na digmaan. Ang mga digmaan ay nagsisimula dahil sa kayabangan ng tao at pagnanasa sa kapangyarihan (Santiago 4:1-3). Hindi ito maisisisi sa Diyos.

Ang kagutuman din naman ay nagdulot ng pagdurusa sa milyon-milyong tao. Subalit ang mga tao ay makasariling nag-iimbak ng pagkain sa isang bansa, habang ang mga tao sa ibang bansa ay nagugutom. Tao ang may pananagutan sa mga gawaing ito, hindi ang Diyos.

Ang mga ipinagbabawal na gamot ay nagwawalis sa mundo ng mga kakila-kilabot na kahihinatnan para sa milyon-milyong tao. Ang pera ang namumuno. Sinasabi ng Bibliya na “ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan” (1 Timoteo 6:10). Ang mga taong sakim ang may kasalanan.

Tulad ng mga araw ni Noah, nabubuhay tayo sa isang marahas na panahon. Ang mga matatandang babae ay sinasalakay; ang mga bata ay inaabuso; ang mga bilanggo ay pinahihirapan. Dapat nating kilalanin na ang tao ay gumaganap ng malaking bahagi sa pagdudulot ng pagdurusa.


2. BAKIT HINAHAYAAN NG DIYOS ANG MGA NATURAL NA SAKUNA?

Ang kapangyarihan ng kalikasan ay kamangha-mangha. Hindi natin mararanasan ang lindol, ang pagsabog ng bulkan, ang nagngangalit na dagat o bagyo, nang hindi nagkakaroon ng pakiramdam na walang magawa.

Subalit maraming aksidente, na tinatawag na “gawa ng Diyos”, ang maaaring maiwasan. Halimbawa, bakit gugustuhin ng mga mayayamang tao ang tumira sa lugar ng lindol?

Ang “hindi lumulubog” na barko, ang Titanic, ay humampas sa malaking bato ng yelo. Daan-daang pasahero ang nalunod. To ay masaklap, ngunit siguradong hindi natin maaaring asahan na aalisin ng Diyos ang malaking bato ng yelo sa kanilang daraanan!

Nakatira tayo sa mundo ng sanhi at bunga. Alam natin na maaari tayong malunod sa tubig o masunog sa apoy. Ang sansinukob ay pinamamahalaan ng batas pangkalikasan. Kapag ang mga batas na ito ay hinamon, hindi tayo laging makakatakas. Kung laging binabago ng Diyos ang Kanyang mga batas pangkalikasan upang protektahan tayo laban sa ating mga sarili, paano ito manghihikayak ng responsableng pag-uugali?

Gayunman, may mga sakunang hindi mahuhulaan ng tao, gaya ng kawalan ng pag-ulan. Ang Diyos ang Panginoon ng Sansinukob, hindi ang tao (Job 38:1-4). Hindi natin lubos na mauunawaan ang kaisipan ng Diyos sa panahon ngayon. Subalit, tayong lahat ay bahagi ng sangkatauhan. Gaya ng ang Diyos ay “nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap” (Mateo 5:45), ang natural na sakuna ay nakakaapekto sa walang sala at sa nagkasala. Kung ang mga lingcod ng Diyos ay laging espesyal na pinoprotektahan, ang mga tao ay lallapit sa Kanya sa maling mga kadahilanan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay dakila, at tayo ay mahina. Hindi Siya nagbibigay ng garantiya ng seguridad sa buhay. Iyan ang maghihikayat sa atin upang makinig sa Kanyang mensahe ng kaligtasan, na ibinigay sa Bibliya.


3. BAKIT NAPAKARAMING TAO ANG LUBHANG NAGDURUSA?

Bakit napakaraming pasakit sa sanlibutan? Bakit may mga batang ipinapanganak ng bulag o may kapansanan? Nilinaw ni Jesus na hindi ito laging resulta ng personal na kasalanan (Juan 9:1-3).

Napakadaling ipagpalagay na ang pagdurusa ay laging masama. Subalit, ang pangkalahatang prinsipyo ang gumagana. Ang Bibliya ay nagtuturo na ang pagdurusa mismo ay hindi masama. Ito’y pagsasakatuparan ng lalong malalim na problema: ang pagdurusa ay resulta ng kasalanan (ang pagsuway sa batas ng Diyos). “Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Romans 5:12).

Ang perpektong pagkakatugma sa pagitan ng Diyos at ng tao ay nasira. Ang sangkatauhan ay nagbabayad ng malaking halaga simula noon. Ang kasalanan at kamatayan ang tunay na problema ng tao. Ang mga ito ay nakakatulong sa pagpapaliwanag ng sanhi ng pagdurusa.

Nang magkasala si Adan, ang kamatayan ay naging pangkalahatan. Walang hindi makakasama dito. Mayroon lamang isang taong hindi nagkasala: si Jesus, ang Anak ng Diyos. Binuhay siyang muli sa mga patay.

Subalit bakit hinayaan ng Diyos na magdusa at mamatay si Jesus? Si Jesus na pinakamabuti sa lahat ng tao ay hindi karapat-dapat na mamatay. Ang sagot sa tanong na ito ay nasa sentro ng problema ng pagdurusa.

Ipinahintulot ng Diyos na mamatay si Jesus upang iligtas ako at ikaw. Sapagkat ang tao ay nahulog mula sa Diyos, kailangan niyang muling makipag-kaisa sa Diyos sa pamamagitan ng buhay ng isang taong walang kasalanan. Ang tagumpay ni Jesus sa kasalanan ay ginawang possible ang buhay na walang hanggan para sa lahat ng maghahanap ng kapatawaran ng kanilang kasalanan, at nangingilin ng kautusan ng Diyos. Ang pagdurusa ni Jesus sa pagtalima sa Diyos ang kabayaran ng ating pagkatubos. Si Jesus mismo ay “natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis” (Hebreo 5:8).

Nagdusa din ang Diyos nang panoorin Niya si Jesus na mamatay sa krus, Kung ang Diyos at si Jesus ay nagdusa, kahit sila ay inosente, dapat nating matutunan ang dalawang bagay:

Ang sangkatauhan ay hindi dapat umasang makakatakas mula sa pagdurusa (b) Ang pagdurusa ay hindi masama; ito ay may kinalaman sa tagumpay laban sa kasalanan; at sa buhay na walang hanggang kaloob ng Diyos.

Kapag ang mga inosenteng tao ay namatay mula sa pagbagsak ng isang tore, sinabi ni Jesus, “Inaakala baga ninyo na sila'y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem? Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan” (Lucas 13:4-5). Ang pagkamatay ng walang Diyos ay mas masama kaysa sa pagdurusa.

Ang mahalaga ay hindi ang mabuhay ng mahaba, na malaya sa pagdurusa. Kundi ang pagsunod sa Diyos, kahit na ibigsabihin nito ay pagdurusa, upang hindi tayo mapahamak ng magpasawalang hanggan.


4. MAY HALAGA BA ANG PAGDURUSA?

Oo, ito ay tiyak. Ang pagdurusa ni Jesus ay may halaga, “Tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na namatay dahil sa atin, upang tayo… ay mangabuhay tayong kasama niya” (1 Tesalonica 5:9-10). Mas malaki ang posibilidad na lumago tayo sa espiritwal kapag mahirap ang buhay kaysa sa madali.

An gating pananampalataya at pagtanggap sa pagdurusa ay magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan at makasama siya magpakailanman. Iyon ang tunay na realidad ng buhay.

Kaya pinaparusahan tayo ng Diyos “sa kapakinabangan natin, upang tayo'y makabahagi ng kaniyang kabanalan. Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon ma'y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito” (Hebreo 12:10-11). Katulad ni Job, kailangan nating talikuran ang pagmamataas, at unawain na ang Diyos lang an gating kanlungan (Job 42:1-6).

Sa halip na sisihin ang Diyos sa pagdurusa sa sanlibutang hindi pa perpekto, dapat natin Siyang pasalamatan dahil binigyan Niya tayo ng paraan upang makatakas.


5. MAY KATAPUSAN BA ANG PAGDURUSA?

Oo, magtatapos ang pagdurusa. Ang Diyos ang arkitekto ng sansinukob, Siya ay may dakilang plano para sa sangkatauhan, Plano ng Diyos na linisin ang mundo ng sakit at pighati, ng kasalanan at pagdurusa, ng karamdaman at kamatayan. Susuguing muli ng Diyos si Jesus dito sa lupa upang “gawing bago ang lahat ng bagay” (Apocalipsis 21:3-5). Plano ng Diyos na punuin ang sanlibutan ng Kanyang kaluwalhatian.

Sinabi ni Apostol Pablo, “ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roman 8:18). Ang pag-unawa sa pagdurusa ay makakatulong sa iyo patungo sa Kaharian ng Diyos, kung ibibigay mo ang iyong buhay ngayon sa Diyos.

Tunay nga, “Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya” (2 Timoteo 2:12).

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page