top of page

ANO NGA BA ANG BAUTISMONG KRISTIYANO?

ANO NGA BA ANG BAUTISMONG KRISTIYANO?

BILANG 14

Natuklasan natin na kung nais nating maging katulad ng Panginoong Jesucristo, upang magsimulang mamuhay na katulad niya ngayon at maging lubusang katulad niya sa muli niyang pagparito, ay kailangan tayong mabautismuhan. Natuklasan din natin na kailangan nating magkaroon ng nakapagliligtas na pananampalataya kung nais nating maging matuwid sa Diyos, na "pinapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya".


Ginugugol ni Apostol Pablo ang buong kapitulo ng Roma 6 sa paglalarawan kung ano ang nilayong makamtan ng bautismo, tulad ng sa kapitulo 4 ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng nakapagliligtas na pananampalataya. Ipinakita na ng ating pagsasaliksik para maunawaan ang Biblia ang kahalagahan ng pagsusuri sa isang partikular na talata at makita ang katuruang iyon sa balangkas ng Biblia, na nagtutulot sa Banal na Kasulatan na bigyang-kahulugan ang Kasulatan. Kaya’t gamitin nating muli ang mga pamamaraang iyon sa ating pagsasaliksik.


Roma 6

Ano ang mismong sinasabi sa atin ni Pablo tungkol sa bautismo sa kabanatang ito? Subukan mong basahin ito at isulat ang mga bagay na natuklasan mo, pagkatapos ay ihambing ito sa listahan sa ibaba.

1 Ang paggawa ng malinis na pakikihiwalay sa kasalanan ay nangangailangan na tayo ay "patay na sa kasalanan" (6:2);

2 Ginagawa natin ito bilang simbolo kapag tayo ay binabautismuhan kay Cristo, sapagka't sa paraang tayo ay "nabautismuhan sa kanyang kamatayan" (6:3) – ang libing sa tubig ang paraan, simbolo na tayo ay "namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo" (6:4);

3 Ang bautismo ay tanda ng pagtatapos ng lumang buhay at ang simula ng bagong buhay sapagkat sinisimbolo nito ang higit pa sa kamatayan. Ibig sabihin nito, "kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay" (6:4);

4 Samakatwid, ito ay pagpapakita ng pagsasama at pagkakaisa ng Ama at Anak (6:5) at isang pahayag na ayaw nating "maalipin pa ng kasalanan " (6:6), kundi nais na maging "pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan" (6:7);

5 Ito ay gawain ng pananampalataya – "kung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya" (6:8), batay sa ating kaalaman tungkol sa "katotohanan na nasa aral na ibinigay sa inyo" (6:17);

6 Kailangan dito ang kumpletong pagbabago ng isipan at pag-uugali mula sa dating tayo nang ipanganak tayo – kahandaang "taos pusong sumunod” sa mga bagay na nalaman natin mula sa Salita ng Diyos (6:11,17,19);

7 Ito ay nagpapakita ng pagbabago ng katapatan at debosyon bilang mga taong naging mga anak ng Diyos. Sapagkat, mula sa bautismo, ay dapat "pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan" (6:13);

8 Nangangahulugan ito ng bagong simula sa buhay ngayon – isang bagong kalidad ng buhay sa Diyos ngayon, at sa panahong darating ang "walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon" (6:23).


Kaugalian Noong Unang Siglo

Kung talagang mahalaga ang bautismo gaya ng palagay ni Pablo sa kabanatang ito, at malinaw niyang pinaniniwalaan ito, dapat nating malaman na ito ang pandaigdigang kaugalian ng lahat ng mananampalataya noong Unang Siglo. Kung makikita natin ang sinabi nila tungkol dito at ang ginawa nila, sa gayon ay mapagbabatayan natin ang ating mga gawi sa matibay na pundasyon ng orihinal na pananampalataya. May mga halimbawa ng mga taong umahon sa tubig patungo sa bagong buhay sa Lumang Tipan, na kapansin-pansin ang pag-ahon si Noe at ang kanyang pamilya sa baha. Ang Israel ay nakatakas mula sa Egipto mula sa Dagat na Pula; at may mga pagkakataon na kinailangang hugasan ang mga saserdote bago pumasok sa banal na paglilingkod. Ngunit ang Bagong Tipan ang nagpasimula ng bautismo para markahan ang bagong simula para sa mga Judio at Gentil.


Si Juan Bautista

Sa simula ng Bagong Tipan, sa mga salaysay ng ebanghelyo, mababasa natin ang tungkol sa isang lalaking "sinugo ng Dios" (Juan 1:6). Si Juan Bautista na mula sa linya ng mga saserdote at maaaring naglingkod sa templo sa Jerusalem. Sa halip ay nanirahan siya sa ilang at humiling na lumapit sa kanya ang matatapat sa Israel at magpabautismo sa Ilog Jordan. Ito ang unang bagay na itinala ni Marcos sa kanyang salaysay ng ebanghelyo:

Ito ang simula ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, [ang Anak ng Diyos]. Tulad ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias, ‘Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan. Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’ At dumating nga sa ilang si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral, ‘Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos.’ Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan” (Marcos 1:1-5).

Dumating si Juan, tulad ng inihula ng mga propeta (Malakias 3:1 at Isaias 40:3, dalawang Kasulatan na binanggit), bilang tagapagpauna ng Mesiyas, ang Panginoong Jesucristo. Ang kanyang mensahe ay yaong kailangan ng bayan ng Israel ng "kapatawaran ng mga kasalanan" at malaking hamon iyon sa umiiral na sistema ng relihiyon. Nagkaroon sila ng kahanga-hangang templo sa Jerusalem, malawak na pagkasaserdote, mga sakripisyong patuloy na inihahandog at ipinagdiwang ang lahat ng mga kapistahan. Ngunit kailangan nila ng kakaibang bagay at inanyayahan sila ni Juan na magsisi at magpabautismo.


Ang pagsisisi ay pagpapakita ng pagtalikod sa kasalanan at pagpapatuloy sa kasalungat na direksyon. Tulad ng nakita natin, isinilang tayo na may likas na posibilidad na sumunod sa ating sariling pamamaraan, hindi sa patnubay ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagsisisi ay pagbaling at pagbalik sa Kanya – tulad ng ika-6 na punto sa ating pagsusuri sa Roma kapitulo 6. Abangan mo at makikita mo na madalas mabautismuhan ang pagsisisi ay madalas kasama ng bautismo; magkasama ang dalawa. Ang mismong unang mensaheng ipinangaral ni Jesus nang magsimula siyang maglingkod ay: "Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17).


Dumagsa ang mga tao upang pakinggan ang mensahe ni Juan at upang magpabautismo sa Ilog Jordan, sapagkat ang mensahe ay isang hamon, ang mabuhay ng mga buhay na matuwid sa paningin ng Diyos at hugasan ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paglulubog sa Jordan. Alam natin na ginagawa niya ng paglulubog sa tubig dahil sa isang pangyayari sa ebanghelyo ni Juan, kung saan sinabi sa atin na: "si Juan ay nagbabautismo naman sa Enon, malapit sa Salim, sapagkat maraming tubig doon. Pumupunta sa kanya ang mga tao at nagpapabautismo" (Juan 3:23).

Palaging nangyayari sa Bagong Tipan na ang mga taong nabautismuhan ay nilulubog; ang pagwiwisik o pagbuhos ng tubig sa isang sanggol o sa isang may sapat na gulang ay hindi naisagawa sa panahong iyon at walang batayan sa Bibliya kung anupaman. Mayroong isa pang makabuluhang detalye na nagpapatunay nito na dinala ni Juan ang mga binabautismuhan sa Ilog Jordan, sa halip na nakatayo lamang sa tabing ilog.


Si Jesus ay Binautismuhan

Isang araw lumapit ang Panginoong Jesus sa Jordan para magpabautismo sa pinsan niyang si Juan. Hindi natin alam kung gaano sila nagkakasalamuha sa mga taong lumipas. Milya-milya layo ng tirahan ng mga pamilya nila, ngunit maaaring nagkita sila sa iba't ibang pagtitipon sa Jerusalem o sa mga okasyon ng pamilya. Sapat na ang alam ni Juan tungkol kay Jesus upang tumayo sa pagkamangha niya sa kanya, sapagka't siya'y nagpasubali, na kung mayroong dapat bautismuhan, siya iyon at hindi si Jesus, na naging dahilan upang sabihin ni Jesus ang isang bagay na mahalaga para sa ating lahat:

Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. Ngunit tinangka ni Juan na pigilan siya at sinabi, ‘Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo nagpapabautismo sa akin?’ Subalit sumagot si Jesus, ‘Hayaan mong ito ang mangyari ngayon, sapagkat ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos.’ Kaya't pumayag din si Juan. Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, ‘Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!’” (Mateo 3:13-17).


Malinaw na ang ginawa ni Jesus ay nakalulugod sa Diyos, dahil nilinaw ito ng tinig mula sa langit. Ang pisikal na kaganapan ay maingat na itinala na ang Panginoon ay umahon “sa tubig" pagkatapos, kaya malinaw na siya ay nasa Jordan, hindi sa tabing ilog, nang bautismuhan siya ni Juan. Subalit ang mahalagang kasabihan para sa atin ay ito. Sinabi ni Jesus na ang bautismo ay isang bagay na kailangan nating lahat kung nais natin ang "pagganap ng buong katuwiran". Ito ay isang bagay para sa "atin", hindi lamang para sa kanya, at kung kailangan niya ito – sa kaniyang kahanga-hangang pag-uugali – paano pa tayo?

Si Jesus ay walang kasalanang kailangang patawarin at samakatwid ay hindi na niya kailangang magsisi, ngunit masigasig siyang gumawa ng anuman at ng lahat ng bagay na nagpakita ng kanyang taos pusong pagsunod. Pinasimulan ng Diyos ang isang bagong paraan ng paglapit sa Kanyang sarili, sa pamamagitan ng bautismo, kaya binautismuhan din si Jesus para ipakita sa atin ang gayong paraan. Sa paggawa nito, itinaguyod niya ang gawain ni Juan at ang kanyang mga pamamaraan sa paghikayat sa iba na magpabautismo, sapagkat sinasabi sa tala na:

Pagkatapos nito, si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpunta sa lupain ng Judea. Nanatili siya roon nang kaunting panahon na kasama nila at nagbautismo ng mga tao … Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan. Nalaman ito ng Panginoon (bagaman hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad), kaya umalis siya sa Judea at bumalik sa Galilea” (Juan 3:22; 4:1-3).

Ang gawain ni Juan ay malapit nang matapos at ang kay Jesus nagsimula na, sapagkat malapit nang mabilanggo si Juan at kalaunan ay pinatay. Habang ang pagsalungat sa ministeryo ng Panginoon ay nagsimula ring lumago at nang malapit na siyang mamatay bilang sakripisyo para sa kasalanan, ginamit ng Panginoon ang isang katagang nagpapahiwatig kung paano niya tiningnan ang bautismo – bilang gawain ng pagkamatay ng sarili at pangakong lubusang mamuhay sa Diyos. Sinabi niya:

May isang bautismo na dapat kong danasin, at ako'y nababagabag hangga't hindi ito nagaganap” (Lucas 12:50).

Para sa kanya ang kamatayan sa krus ang itinuturo ng kanyang bautismo. Sa Jordan nang hayagan siyang nangakong mamatay sa sarili at ngayon, sa Jerusalem, totoong tutupadin niya ang pangakong iyan. At hindi siya mag-iisa kapag nangyari iyon.


Ang Mamatay kay Cristo

Gumamit si Paul ng simbolikong wika nang sinabi niya, sa Roma 6, na "tayo'y namatay nang kasama ni Cristo" sa tubig ng bautismo. Ngunit isang tao ang literal na namatay kasama si Cristo; siya ang magnanakaw na ipinako sa krus kasama niya at gumawa ng isang kapansin-pansin na pagtatapat ng pananampalataya sa mga pinakamahirap na kalagayan.

Ang ilang mga tao ay nagsasabi na ang magnanakaw sa krus ay nagpapakita na hindi mo kailangang mabautismuhan upang maligtas dahil, sinabi nila, hindi siya nabautismuhan. Sa totoo lang walang nakakaalam kung nabautismuhan siya o hindi. Maaaring siya ay nabautismuhan nang una ni Juan o ng mga alagad ni Jesus at ang mga pahiwatig ay malamang, sapagkat alam at pinaniniwalaan niya ang malaking halaga tungkol sa pagkatao at gawain ni Jesus. Ngunit hindi iyon ang tunay na punto dito.


Ang taong ito ay talagang namatay kasama si Cristo - ang nag-iisang lalaking namatay na tulad nito. Samakatuwid ang kanyang kamatayan ay tulad ng gawain ng mismong bautismo. Sinabayan din ito ng pagsisisi at ng isang kapansin-pansing pahayag ng kanyang pinaniniwalaan, sa panahon na marami sa mga tagasunod ni Jesus ang nawalan ng pananampalataya o seryosong nag-alinlangan na si Jesus talaga ang Mesiyas.


Isipin ang mga bagay na sinabi ng taong ito sa kanyang kasama tungkol kay Jesus at tandaan na ang bawat pagsasalita ay nangangailangan ng napakalaking pagsisikap kung isaalang-alang natin ang kanyang pisikal na posisyon sa krus:

Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, ‘Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.’ Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, ‘Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.’ At sinabi pa nito, ‘Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na’. Sumagot si Jesus, ‘Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso’ (Lucas 23:39-43).

Dapat ay sapat na ang ginagawa mo ngayon para mapili ang mahahalagang pahayag na ginawa niya, para makita ang kahalagahan nito:

❏ Natakot siya sa Diyos;

❏ Tinanggap niya na karapat-dapat ang kanyang kamatayan, na ito ay resulta lamang ng kanyang buhay-makasalanan, anuman ang mangyari;

❏ Alam niya na walang kasalanan si Jesus – na "wala siyang nagawang mali", malinaw na pahiwatig na nakaharap niya si Jesus noon o nagtanong tungkol sa kanya;

❏ Nagmakaawa siya kay Jesus na alalahanin siya kapag pumasok siya sa kanyang kaharian, kaya naniwala siya na si Jesus ay magiging hari, alam niya ang tungkol sa pagparito ng kaharian ng Diyos, at

❏ Naniwala siya na bagama't mamamatay si Jesus sa krus, magmumuno pa rin si Jesus bilang hari, Kaya naniwala rin ang magnanakaw sa pagkabuhay na mag-uli.


Iyon ay isang tunay na pambihirang pagtatapat sa gayong panahon, isa na talagang karapat-dapat sa katiyakan na ibinigay sa kanya ng Panginoong Jesus, na siya ay tunay na makakapasok sa kanyang kaharian ngayon – "sa Paraiso". Ang pahayag na iyan ni Jesus kung minsan ay nagdulot ng kaunting pagkalito dahil nasa libingan siya nang tatlong araw at gabi bago siya nabuhay na mag-uli, kaya paano magkakasama ang magnanakaw at si Jesus sa araw na iyon? Dahil ang ibig sabihin ng salitang "Paraiso" ay isang halamanan, iniisip ng ilang tao na sinasabi lang ni Jesus sa magnanakaw na kapwa sila nasa halamanan kalaunan sa araw na iyon, na magkakasama silang inilibing! Ito ay isang napakadesperadong interpretasyon. Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mga salitang ito?


Ang mga tagasalin ng Biblia ay nakagawa ng isang mahusay na gawain sa kabuuan at tayo ay talagang mapalad na magkaroon ng katulad na hanay ng iba't ibang mga bersyon na magagamit, kahit na kailangan lang natin ng isang bersyon upang maunawaan ang Biblia para sa ating sarili. Halos lahat ng salin na mayroon ay kasiya-siya kung gagamitan natin ng disiplinadong pamamaraan sa ating pagbabasa at pag-iisip tungkol sa Biblia. Gayunman, isa ito sa mga bagay na kung saan ang ilang tagapagsalin ay nakakalampas dahil sa hindi pag-unawa ng tunay na kahalagahan ng sinabi ni Jesus; dahil sa pagbabantas na kanilang ipinasok sa pagsasalin sa Ingles na maaaring maging mali. Walang pagbabantas sa orihinal na Griyego, kaya ang pagkakalagay nito ay usapin lamang ng interpretasyon. Ganito dapat basahin ng kasabihan ni Jesus, sapagkat ito ay pinakatapat at matibay na pangako:

“Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso”.


Bago siya namatay, hinangad ni Moises na ipahiwatig sa kanyang mga tagapakinig ang kahalagahan ng ginagawa ng Diyos sa kanila at ang bigat ng kanilang tungkulin bilang bayan ng Diyos. Paulit-ulit na bigyang-diin ang sinasabi niya sa pamamagitan ng paggamit ng salitang "ngayon", o "sa araw na ito". Narito ang isang halimbawa, ngunit ang talababa ay nagbibigay ng marami pang iba para tingnan mong muli:

Huwag kayong gagawa ng mga larawan upang sambahin sapagkat magagalit sa inyo si Yahweh na inyong Diyos. Masama ito sa kanyang paningin. Saksi ang langit at ang lupa na kapag nilabag ninyo ang utos na ito, hindi kayo magtatagal sa lupaing iyon sa kabila ng Jordan sapagkat malilipol kayo nang lubusan” (Deuteronomio 4:25,26).

Si Jesus ay gumagamit ng gayon ding uri ng pananalita nang bigyang-diin niya sa magnanakaw na tunay na mangyayari ito ("Sinasabi ko sa iyo") na siya ay naroroon sa Kaharian ng Diyos matapos siyang ibangon ni Jesus mula sa mga patay. Walang anumang alinlangan!


Ano ang Itinuro ni Jesus

Sa dalawang pagkakataon nagsalita ang Panginoong Jesus tungkol sa kahalagahan ng pangangailangan ng mga taong nagnanais ng kaligtasan na sumailalim sa gawaing bautismo. Isang gabi binisita siya ng isang miyembro ng pamahalaan ng mga Judio at kinilala niya na ang mahimalang mga gawa ni Jesus ay nagpapakita na nagmula siya sa Diyos at nakikipagtulungan sa Diyos. Mapaghamong tumugon si Jesus sa lalaking ito sa mga katagang ito:

Sumagot si Jesus, ‘Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.’ ‘Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?’ tanong ni Nicodemo. Sagot naman ni Jesus, ‘Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli. Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu’” (Juan 3:3-8).


Ito ay terminolohiya na hindi ganap na bago kay Nicodemo. Bilang miyembro ng Konseho ng mga Judio alam na alam niya na kapag pumasok ang isang Gentil sa relihiyon ng mga Judio kailangan niyang sumailalim sa ritwal ng paghuhugas sa pamamagitan ng paglubog sa tubig. Sinabi ng mga Rabbi na ang resulta nito ay ang paglitaw niya tulad ng isang bagong-panganak na sanggol! Ngayon sinabihan siya na upang makapasok sa kaharian ng Diyos lahat ay kinakailangang isilang na muli sa dalawang paraan:

➔ Kailangan ng muling pagsilang sa pamamagitan ng tubig – ibig sabihin nito ay bautismo sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig, sapagkat nakita na natin kung paano inilarawan ni Pablo sa Roma 6 ang kinalabasan bilang simula ng bagong buhay kay Cristo;

➔ Kailangang magkaroon ng espirituwal na pagpapanibago – pagsilang ng Espiritu – ang pagbabago ng buhay ng isang tao mula sa loob, upang samahan ng panlabas na gawain. Titingnan natin iyan nang mas detalyado habang nagpapatuloy tayo sa ating pag-aaral tungkol sa aklat ng Roma.

Hindi tinalikuran ni Nicodemo ang kanyang katungkulan o maging ang kanyang paniniwalang Judio, bagama't naging lihim siyang alagad ni Jesus at, sa kalaunan, ay inilahad niya sa publiko ang kanyang pagiging alagad. Kaya malinaw na humanga siya sa ideyang ibinigay sa kanya ni Jesus nang gabing iyon.


Ang Cristo na nabuhay na maguli ang nag-utos sa kanyang mga disipulo na humayo at magbautismo sa mga salitang ito:

Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, ‘Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon’” (Mateo 28:18-20).

“At sinabi ni Jesus sa kanila, ‘Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng tao. Ang sinumang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan’” (Marcos 16:15,16).

Pansinin ang mahahalagang sanggunian sa "pagtuturo" at "paniniwala" – ang dalawang bagay na kailangang dumating bago mabautismuhan, sapagkat ang bautismo ay laging pinangungunahan ng pagtuturo.


"Ano ang Gagawin Natin?"

Sa loob ng ilang linggo ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesucristo ang kanyang mga alagad ay nasa mga lansangan ng Jerusalem na ginagawa ang iniutos niya. Ipinangaral nila ang dakilang balita na si Jesus ay buhay, na ang kanyang kamatayan ay isang mapagmahal na gawain ng Diyos, gayundin ng pagpapamalas ng kasamaan ng tao, at posible na ngayong lumapit sa Diyos sa pamamagitan niya.

Si Apostol Pedro ay isa sa mga pinakamahalagang mangangaral at dalawa sa kanyang mga naunang mensahe ay mababasang nakabuod sa Mga Gawa 2 at 3. Ipinaliwanag ni Pedro na sina Jesucristo – ang ipinangakong anak nina Eba, Abraham at David – ay nagbigay ng matagal nang hinihintay na pagpapala para sa lahat ng bansa:

Ang lahat ng mga propeta, kasama si Samuel at ang mga kasunod niya, ay nagpahayag din tungkol sa panahong ito. Ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta ay para sa inyo, at kasama kayo sa kasunduan na ginawa ng Diyos at ng inyong mga ninuno nang kanyang sabihin kay Abraham, ‘Pagpapalain ko ang lahat ng angkan sa daigdig sa pamamagitan ng iyong lahi.’ Kaya't matapos buhayin ng Diyos ang kanyang Lingkod, sa inyo siya unang isinugo upang pagpalain kayo at tulungang tumalikod sa inyong masamang pamumuhay” (Mga Gawa 3:24-26).


Maaari silang tumalikod sa kanilang mga kasalanan, na masigasig nilang nanaisin kung tunay na magsisisi sila sa dati nilang pag-uugali, at mabibiyayaan ng buhay, sa halip na sumailalim sa sumpa ng kasalanan at kamatayan. Ngunit ano ang dapat nilang gawin upang maligtas? Ang sigaw na iyan, sa isang anyo o iba pa, ay maririnig nang ilang beses sa pamamagitan ng Mga Gawa ng mga Apostol. Halimbawa, nang mangaral si Pedro sa Jerusalem itinanong iyon sa kanya ng mga tao:

Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, kaya't tinanong nila si Pedro at ang ibang mga apostol, ‘Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?’ Sumagot si Pedro, ‘Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo’. Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos. Marami pang inilahad si Pedro upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, ‘Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa parusang sasapitin ng masamang lahing ito. Kaya't ang mga naniwala sa ipinangaral niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon’” (Mga Gawa 2:37-41).

Una niya pinagbilinan sila tungkol sa layunin ng Diyos na nakasentro sa Panginoong Jesus, pagkatapos ay hinikayat niya ang kanyang mga tagapakinig na magsisi at magpabautismo. At ginawa nga nila. Ito ay kamangha-manghang tugon sa pagtuturo ni Jesus, isang malaking panghihikayat sa mga apostol, at ito rin ay malalim na nagtuturo para sa atin. Ang bautismo ng mga naniniwala ang tanging tunay na daan para sa simbahang Kristiyano at ito ay dapat maging tugon sa nakapagliligtas na pananampalataya, isang nakabatay sa wastong pag-unawa sa itinuturo ng Biblia. Hindi tayo kailanman magiging sapat para makapasok sa Kaharian ng Diyos. Tulad ng sinabi ni Jesus kay Nicodemo, kailangan nating lahat na isilang na muli.


Hindi Sapat

Maraming mabubuting tao sa panahon ng Bagong Tipan, habang binibilang natin ang kabutihan, ang mga taong ginawang malaki at patuloy na gawain ang pagsamba sa Diyos. Halimbawa, si Cornelio, isang Romanong senturion na: "isang taong sumasamba at may takot sa Diyos, gayundin ang kanyang buong pamilya. Siya'y matulungin sa mga dukha at laging nananalangin sa Diyos" (Mga Gawa 10:2). Kailangan niya ng pagtuturo ng mga bagay tungkol sa Diyos, kaya isinugo si Pedro upang tulungan siya, pagkatapos siya at "lahat ng mga nakikinig" ay nabautismuhan (Mga Gawa 10:44-48).

May taga-Etiopia, isang proselitang Judio, na napakasigasig sa Salita ng Diyos kaya binabasa niya ang Banal na Kasulatan sa karo habang pauwi siya mula sa Jerusalem. Tinuruan pa siya ng apostol na si Felipe, pagkatapos ay sinabi sa tala na:

Nagpatuloy sila sa paglalakbay, at dumating sa isang lugar na may tubig. Kaya't sinabi ng pinuno, ‘Tingnan mo, may tubig dito! Mayroon bang hadlang upang ako'y bautismuhan?’ Sinabi sa kanya ni Felipe, ‘Maaari, kung sumasampalataya ka nang buong puso.’ Sumagot ang pinuno, ‘Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos!’ Pinatigil ng pinuno ang karwahe, lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe” (Mga Gawa 8:36-38).

May isang bantay ng bilangguan sa Filipos na minsan ay nagkulong kayi Apostol Pablo at sa kanyang kasamang si Silas upang matuklasan na ito ang pinakamagandang nagawa niya! Nang gabing iyon naganap ang lindol at ang mga bilanggong maaaring nakatakas ay piniling huwag tumakas. Hangang-hanga ang bantay ng bilangguan kaya:

Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas. 30 Sila ay inilabas niya at sinabi, ‘Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako'y maligtas?’ Sumagot naman sila, ‘Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.’ At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay. Nang oras ding iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga sugat at siya'y nagpabautismo, pati ang buo niyang sambahayan. Pagkatapos, sila ay isinama niya sa kanyang tahanan at ipinaghanda ng pagkain. Masayang-masaya ang bantay at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat sila'y sumampalataya sa Diyos.” (Mga Gawa 16:29-34).

Ang kanyang sambahayan ay binubuo ng mga alipin at lingkod gayundin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Ang kinasihang manunulat na si Lucas ay nagpinta ng isang napakasayang larawan ng isang grupo ng matatanda na tinuturuan "ng salita ng Panginoon" at pagkatapos ay magpabautismo. Nang lisanin ni Pablo ang Filipos iniwan niya ang isang sambahayan ng mga mananampalataya.


Si Saulo na Fariseo

Ang pagbabagong-loob ng isang tao ay napakahalaga sa pagbuo ng Kristianismo ng Unang Siglo kaya’t lumilitaw ito ng tatlong beses sa talaan ng Mga Gawa. Siya ay isang mabuting tao, ayon sa kanyang pagkaunawa. Sa paglaon pa ay inilista niya ang kanyang mga kredensyal sa espiritu at inisip na mayroon siyang walang katumbas na mga kwalipikasyon bilang isang matapat na lingkod ng Diyos. Mukhang mayroon siyang isang maaasahang karera sa hinaharap bilang isang maimpluwensyang Hudyo sa Jerusalem. Ngunit natuklasan niya sa daan patungong Damasco na siya ay hindi pa sapat para sa Diyos. Nagkamali na inuusig niya ang mga tagasunod ng Panginoong Jesus, na pinaniniwalaang sila ay mga manlalait. Pagkatapos ay nakatagpo niya ang nabuhay na Cristo:

Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?’ ‘Sino kayo, Panginoon?’ tanong niya. ‘Ako si Jesus, ang iyong inuusig,’ tugon ng tinig sa kanya. ‘Tumayo ka't pumasok sa lungsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin’” (Mga Gawa 9:3-6).


Natuklasan niya siya sa pinaka-kagila-gilalas na paraan na ang kanyang mga paniniwala ay lubos na pagkakamali at siya sa katunayan ay gumagawa laban sa Diyos, hindi para sa Kanya. Inuusig niya ang mga alagad ng Anak ng Diyos! Napakalaking pagkakamali! At kailangan ang isang kumpletong pagbaliktad kung gusto niyang kalugdan siya ng Diyos. Tiyak na nagbago siya. Si Saulo na Fariseo ang naging apostol – isa sa mga pinakabata at matatapat na alagad ng Panginoong Jesus. At ang kanyang pang-unawa ay nadagdagan ng paglukso at hangganan, tulad ng nakita natin mula sa pag-aaral natin ng kanyang Sulat sa mga Taga Roma. Ngunit hindi sapat ang pagbabago ng paniniwala, kahit ang isang lalaking tulad ng matalino at maalam bilang apostol. Sa agarang pagtingin muli sa kanyang karanasan malapit sa Damasco ay itinanong niya:

“‘Ano po ang gagawin ko, Panginoon?’ tanong ko. At tumugon ang Panginoon, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco. Sasabihin sa iyo roon ang lahat ng itinakda na dapat mong gawin’” (Mga Gawa 22:10).

Hindi nagtagal ang sagot, sapagkat nagpadala ang Diyos ng mananampalataya na nagngangalang Ananias para makita siya, na nagsabing:

Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Matuwid na Lingkod at marinig ang kanyang tinig. Sapagkat ikaw ay magiging saksi niya upang patotohanan sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. At ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na, magpabautismo at tumawag ka sa kanyang pangalan upang mapatawad ka sa iyong mga kasalanan” (Mga Gawa 22:10-16).


Ganyan din para sa bawat isa sa atin ang tulad ng kay Pablo; walang alternatibo kung nais nating makapasok sa kaharian ng Diyos. Pagsisisi, Paniniwala at bautismo ang tatlong mahahalagang kailangan para sa bawat mananampalataya. Kung wala ang unang dalawa ang pangatlo ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. May isang pangyayaring nakatala sa Aklat ng Mga Gawa tungkol sa ilang tao na nabautismuhan ni Juan Bautista, marahil sa mga naunang bahagi ng kanyang ministeryo. Malinaw sa tala na ang kanilang kaalaman sa ebanghelyo ay bahagya – wala silang alam tungkol sa Banal na Espiritu halimbawa.

Tinuruan pa sila ng ebanghelyo at muli silang nabautismuhan (tingnan sa Mga Gawa 19:1-7). Ipinapakita ng pangyayaring iyon na kung minsan, kung ang pang-unawa ay hindi sapat sa bautismo, ang mananampalataya ay dapat na muling mabautismuhan, sa pagkakataong ito na may wastong paniniwala. Ngunit karaniwan ang isang tao ay dapat lamang mabautismuhan minsan, dahil para ulitin ang simbolikong kamatayang ito kasama ni Cristo ay magiging katulad ng kailangan niyang mamatay nang paulit-ulit, at karamihan ay hindi kinakailangan. Namatay si Jesus nang "minsan para sa lahat".


Hindi Nagbabagong Pagtuturo ng Bagong Tipan

Madaling maunawaan, dahil sa kanyang malaking pagbabago mula sa Judaismo patungo sa Kristiyanismo, na nakita ni Apostol Pablo ang ganap na kahalagahan ng bautismo. Para sa kanya ito ay ang paraan – ang tanging paraan – kung saan ang kanyang mga kasalanan ay maaaring mahugasan at ang kanyang mga pagkukulang ay mabura. Ngunit hindi lamang ito pag-aalis ng kasalanan; ito ay pagkakaloob ng isang bagay na napakahalaga. Ang bautismo ay nagbibigay-daan sa atin patungo sa pamilya ng Diyos.


Ipinaliwanag ito ni Pablo sa pamamagitan ng unang pagsusuri sa katotohanang kung wala ang daan tungo sa kaligtasan, na binuksan na ngayon ng Ama, lahat tayo ay magiging mga alipin ng kasalanan at kamatayan. Pagkatapos ay ipinapakita niya kung paano binubuksan ng dalawang susi ang pintuang iyon para ibigay sa atin ang pagpapalaya at, ang kagila-gilalas, tayo ay pinalaya upang maging mga anak ng Diyos at mga tagapagmana ng Kanyang mapagmahal na mga pangako – lahat ay dahil sa paniniwala at bautismo:

Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibinibigay sa lahat ng sumasampalataya. Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y nakakulong sa Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging taga-disiplina natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngayong dumating na ang panahon ng pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng taga-disiplina. Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Si Cristo mismo ang inyong isinuot na parang damit nang kayo'y nabautismuhan sa inyong pakikipag-isa sa kanya. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos” (Galacia 3:22-29).


Ito ang talata sa Galacia na tiningnan natin kanina, nang sundan natin ang pangangatwiran ni Pablo na pinangakuan si Abraham ng isang espesyal na anak, hindi marami, at ang ipinangakong anak na iyon ay ang Panginoong Jesucristo (Galacia 3:16). Sa kanyang kompletong argumento nakasaad na binigyan ng batas ang mga Israelita kung paano mamuhay, ngunit hindi ito nasunod ng mga tao. Sa halip na bigyan sila ng pagkakataong mapaglingkuran ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang pagsunod, ibinilanggo sila ng batas na iyon. Ipinakita nito sa kanila araw-araw na sila ay mga kabiguan sa harapan ng Diyos at lalo silang nangailangan ng Kanyang awa at biyaya. Maliban kung patawarin Niya sila, wala silang pag-asang maging matuwid sa Kanya. Ngunit, sabi ng apostol, nagkaroon tayo ng pag-asa dahil sa mga pangakong ginawa ng Diyos kay Abraham na dumating bago ang batas na ibinigay sa pamamagitan ni Moises – mahigit 400 taon na ang nakararaan. At ito ay isang istratehiyang idenisenyo.

Nais ng Diyos na mapagtanto ng Kanyang bayan ang kanilang pag-asa sa Kanya at ang pangangailangan nila sa Kanyang kapatawaran na handa Niyang ibigay, kung lalapit sila sa Kanya ayon sa paraang Kanyang iniutos. Ang paraang iyan ay nangangailangan ng (a) nakapagliligtas na pananampalataya at (b) bautismo kay Cristo – ito ang mga bagay na kailangan nating gawin, na paulit-ulit nating nababasa habang inuunawa natin ang Biblia. Ngunit ngayon ay idinaragdag pang kaisipan si Pablo na may kinalaman sa makakamit natin. Ito ay isang ideya na hindi pa natin natalakay noon:

At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos” (Galacia 3:29).

Naaalala mo ba na pinangakuan si Abraham ng maraming anak – na kasindami ng mga bituin sa langit? Sila ay magiging makalangit o espirituwal na pamilya na magmula sa kanya. Sa pagsampalataya at bautismo, maaari tayong maging bahagi ng bilang na iyon, ang mga miyembro ng pamilya ng Diyos at mga espirituwal na inapo ni Abraham. Siya ay magiging ating espirituwal na ama:

Kaya nga't sa pananampalataya nababatay ang pangako, upang ito'y maibigay bilang walang bayad na kaloob para sa lahat ng anak ni Abraham; hindi lamang sa mga saklaw ng Kautusan, kundi sa lahat ng sumasampalataya rin tulad ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat, gaya ng nasusulat, ‘Ginawa kitang ama ng maraming bansa” (Roma 4:16,17).


Kaya ang bautismo ng Kristiyano – ang bautismo ng mananampalataya – ang paraan kung paano tayo ay nagiging mga tagapagmana ng mga pangako ng Diyos, na may kaugnayan sa matatapat na taong nabuhay sa pamamagitan ng pananampalataya; at tayo ay nakikiisa sa Panginoong Jesus, kapwa sa kanyang kamatayan at sa kanyang pagkabuhay na mag-uli. Ito ang paraan para masimulan ang bagong buhay ngayon, at humahantong ito sa buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos.


Mga Bagay na Babasahin

➔ Basahin ang Mga Gawa 9 upang malaman ang tungkol sa pagbabalik-loob ni Saulo na Fariseo. Ang manunulat ng Sulat sa mga Taga-Roma, nang mabautismuhan siya, ito ay magbibigay sa iyo ng magandang pananaw tungkol sa pagbabagong nangyari.

➔ Ang Mga Taga Galacia kabanata 3 ay nagtatapos sa pagpapaliwanag na ang bautismo ay nagpapadala sa atin ng mga tagapagmana ni Abraham sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo. Ang buong kabanata ay sulit na basahin habang ipinapakita nito ang malaking kaibhan sa pagitan ng Batas ni Moises at ng mga pangako ng Diyos, na ibinigay kay Abraham.


Mga Katanungang Sasagutin

14.1 Ano ang sinasabi ni apostol Pedro tungkol sa bautismo sa I Pedro 3:18-22? Gaano kahalaga ang bautismo para sa kanya?

14.2 May makikita ka bang anumang halimbawa sa Biblia tungkol sa mga sanggol na binabautismuhan o binibinyagan? Ano ang itinuturo nito sa atin? Sa anong edad tayo dapat mabautismuhan? Sa palagay mo, bakit ganoon?

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page