top of page

Ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan

Ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan

CBM

“Pera ang ugat ng lahat ng kasamaan” – maraming tao ang nag-iisip na ito ay itinuturo sa Bibliya. Subalit ito ay mali! Tingnan ang sipi sa 1 Timoteo 6:10. Ito ay nagsasabi na “ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan”. Si Jesus ay nagsabi ng parehong bagay: “Ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa Salita” (Matteo 13:22).

Ang pera (sa kanyang sarili) ay hindi masamang bagay. Kung wala ito, ang modernong pamumuhay ay magiging hindi posible. Pera ang ipinambabayad sa pagkain, sa tirahan, sa damit at sa edukasyon. Ang pera ay nakakatulong sa may sakit at sumuporta sa matatanda. Gayunpaman, ang pera ay maaari ring gumawa ng masamang bagay. Ito ay maaring magbigay ng kapangyarihan sa isang tao, na nakakapagpayabang at nakakapagpalupit sa kanila, sa iba. Maaari itong maging nakila-kilabot na pinuno o panginoon; ginagawang hindi kontento sa kung ano ang mayroon sila, at sabik na makuha ang higit pa sa mga nabubulok na kayamanan sa mundo. Ang pera ay nagiging isang malaking kasamaan kapag ito ay ginamit nang mali.


1. Ang Makamundong Pag-uugali sa Pera

Ang taong makamundo ay may isang layunin: ang makakuha ng mas maraming pera at ang mga bagay na maaaring mabili ng pera, sa pinakamabilis at pinakamadaling paraang posible. Ang patuloy na pagnanasa sa pera at mga makamundong bagay na tinawag ni Jesus na "kasakiman"–salitang nangangahulugang ‘kasabikang makakuha ng higit pa’. Pagsusugal, sweepstakes, raffles, pag-iwas sa buwis sa kita, pagbibigay ng kulang na sukl, mga manggagawang nanloloko ng kanilang employer at pagnanakaw – ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng kasakiman. Ang mga kasamaang ito ay pangkaraniwan dahil ang mga hindi napagbagong loob ay natural na makasarili.

Ang isang tao na nais na maging maka-Diyos at kontento ay lalaban sa pagnanasang ito para sa mga makamundong bagay. Sinabi ni Jesus, “Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya” (Lucas 12:15).

Maraming mga tao na nagmamay-ari ng magagandang bahay, kotse at maraming mga kaakit-akit na bagay ngunit sila ay may sakit sa loob-loob nila at walang tunay na kagalakan at kasiyahan na sinabi ni Paul na "malaking kita". Sinabi din niya na ang kasakiman ay pagsamba sa dios-diosan (Colosas 3:5). Ibig niyang sabihin ang makamundong tao ay gumagawa ng isang diyos ng mga bagay na mayroon siya o nais niyang magkaroon at nakakalimutan ang nag-iisang tunay na Diyos.


2. Kataasang ugali (pride)

Ang pera ay madalas gamitin – o madalas ginagamit sa mali – ng mga taong gustong mapahanga ang iba sa kanilang sariling importansiya. Ito ay isang mapanganib na anyo ng “pride”. Ang ilang mga tao ay gumagasta ng mas malaki kaysa sa dapat nilang gastusin (higit sa kaya nilang gastusin) sa pag-aari para lang magpakitang-gilas. Sila ay nagkakautang dahil hindi sila nasisiyahan sa mas simple ay mapagpakumbabang mga bagay na kaya nilang bayaran. Kaya't wala sila sa posisyong nakakatulong sa iba sa pamamagitan ng kanilang pera. Para makapagpakitang-gilas, ang mga gayong tao ay “nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan” (1 Timoteo 6:9).


3. Ang Kristiyanong Pag-uugali sa Pera

Ang pera na pag-aari ng isang Kristiyano ay dapat na resulta ng matapat niyang paggawa. Ang Bibliya ay walang isang magandang salita para sa mga taong mabuhay sa ibang tao, o ng Simbahan, kung may kakayahang buhayin ang kanilang sarili. “Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain” (2 Tesalonica 3:10). Napakahigpit na sinusulat ni Pablo sa taong walang ginagawa at isang mapanghimasok. Ang gayong tao ay dapat matutong “magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan” (Efeso 4:28). Ang buhay ni Pablo ay saksi rin laban sa mga nabubuhay dahil sa iba sa ngalan ng relihiyon. Bagaman siya ay isang apostol, nagtatrabaho siya nang husto gamit ang kanyang mga kamay bilang isang tagagawa ng tolda, upang hindi siya maging mabigat sa kanilang mga pinangaralan niya. Dapat gamitin muna ang pera upang magbigay ng pagkain at iba pang mga kailangan para sa pamilya, at sa kinakailangan para sa pag-aaral ng mga bata, at hindi sa mga luho. Ang ilang mga bata ay nagugutom dahil ang kanilang ama ay gumastos ng labis sa pag-inom at tabako, o dahil ang kanilang ina ay gumastos sa mamahaling damit at ayos ng buhok. Ang gayong mga tao ay nagkakasala laban sa Diyos.


4. Pagbibigay sa Diyos

Ang mga Hudyo ng mga araw ng Lumang Tipan ay nagbigay ng ikasampung bahagi ng kanilang kita para sa paglilingkod sa templo. Ito ay isang uri ng buwis sa kita upang bayaran ang sahod ng mga guro, hukom, at iba pang kinakailangang tao. Ngunit maliban dito, masayang nag-alay ang mga maka-Diyos na Hudyo ng "mga handog na kusang-loob" kapag sumamba sila. “Huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon. Bawa't lalake ay magbibigay ng kaniyang kaya, ayon sa pagpapala na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios” (Deut. 16:16-17). Ang kusang-loob na handog na ito ay itinatag bilang isang halimbawa sa mga Kristiyano Hinihimok ni Pablo ang bawat mananampalataya na magtabi ng isang bagay para sa paglilingkod sa Diyos, ayon sa “kaniyang iginiginhawa” (1 Corinto 16:2). Sa unang araw ng linggo ang mga miyembro ng ecclesia ay nagtagpo upang "magputol-putol ng tinapay" (Mga Gawa 20:7). Doon nila kinuha ang mga handog na ito. Bumuo ito ng isang napakahalagang bahagi ng serbisyo sa pakikipag-isa. Ang pagbibigay tulad nito ay isang napakaliit na paraan ng pagpapahayag ng ating pasasalamat sa Diyos para sa Kanyang dakilang kaloob ng kapatawaran at kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. Ang komunidad ay hindi maaaring gumana nang walang pondo, ngunit ang mga ito ay dapat na palaging may  mga handog na kusang-loob, hindi sapilitan na pagbabayad. Ang mga ito ay dapat ibinigay nang may galak ng mga kasapi, at hindi nilimos sa mga hindi kasapi.


6. Katapatan

Ang isang tunay na Kristiyano ay dapat maging ganap na tapat at mapagkakatiwalaan sa mga usapin sa pera. Sa mga ganitong tao lamang ipinagkakatiwala ni Jesus ang "totoong kayamanan", iyon ay, buhay na walang hanggan sa Kaharian ng Diyos (Luc. 16:11). Kung ang isang pagbabayad ay dapat bayaran sa iba, ang tunay na alagad ay agad na magbabayad sa bayarin na iyon, at hindi gugustuhing 'kalimutan'. Tungkol sa utang, ang mabuti ay: “Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man” (Romans 13:8). Maaalala ng Kristiyano na ang pagkabigo na bayaran ang inutang (maliban kung ang hirap ng kahirapan ay gawing imposible) ay itinuturing ng Diyos bilang isang pagnanakaw. Ang isang lingkod o empleyado ay hindi dapat "mangagdaya" ng mga gamit ng kanyang employer–iyan ay, kumuha para sa kanyang sariling paggamit, nang walang pahintulot (Tito 2:10). Kadalasan sa pamamagitan ng tamang pag-uugali sa pera, kapwa natin at ng ibang tao, ipinapakita kung gaano tayo may katapatan kay Cristo. Ang maling paggamit ng pera ang naging dahilan ng pagkabagsak nina Ananias at Sapphira (Mga Gawa 5:1-11).


7. Isang Kahanga-hangang Halimbawa

Noong nais ng Panginoong Jesus na ipakita sa atin ang isang kataas-taasang halimbawa ng kung paano gamitin ang pera sa kaluwalhatian ng Diyos, kanino niya pinili? Isang milyonaryo na gumagastos ng malaking halaga upang makapagbigay ng mga paaralan at ospital at aklatan? Hindi, sa mahirap na biyuda na nagbigay ng 2 mite (ang pinakamaliit na barya) bilang isang handog na kusang-loob: napakaliit, ngunit napakalaki – mas malaki kaysa sa lahat ng iba pang mga handog, sapagkat ito ang lahat ng mayroon siya. Siya ay isang mahusay na halimbawa sa atin ng isang tao na may tamang prayoridad sa kanyang buhay. Alam niyang ang paglilingkod sa Diyos ay higit na mahalaga kaysa sa yaman ng mundo.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page