top of page

Ang Kahulugan ng Pagsasama-sama

Ang Kahulugan ng Pagsasama-sama

CBM

Ano ang pagsasama-sama o fellowship?

Ang diksyunaryo ay magsasabi sa atin na ang salitang “pagsasama-sama” ay nangangahukugang “pagbabahagi nang magkasama”. Ito ay naglalarawan ng isang pangkat ng tao na nagtitipon-tipon dahil sa magkaparehong interes. Ito ay isang mahalagang salita sa Bibliya at ito’y ginamit upang ilarawan ang paraan kung saan ang mga disipulo ay sama-samang naniwala sa Panginoong Jesucristo. Sila ay naging miyembro ng isang espiritwal na pamilya at tinawag ang bawat isa bilang kapatid na babae o lalake.

Ang pagsasama-sama sa Bagong Tipan

Nang nangaral ng Ebanghelyo ang mga Apostol, pagkatapos ng pagkabuhay na maguli ni Jesus, maraming tao ang nagpabautismo at mababasa natin ang tungkol sa kanilang buhay sa Mga Gawa kapitulo 2. “Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan…At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin” (Mga Gawa 2:41-42).

Ang pagkakasunod ng mga salita dito ay mahalaga. Una sa lahat ang mga tao ay nagpabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo. At sila’y maingat na nakikinig sa sa mga turo ng mga apostol at bahagi ng kanilang natutunan ay ang pagkakaroon nila ng bagong relasyon. Nagtitipon-tipon sila bilang grupo bilang mga magkakapatid na babae at lalake sa bagong pamilya, ang pamilya ng Diyos – ito ang kanilang pagsasama-sama. Nagtitipon-tipon sila nang regular, sa pagsamba, upang makibahagi sa tinapay at vino sa pag-alaala kay Jesus gaya ng kanyang iniutos sa kanila at sila’y nananalangin nang sama-sama. Ang ideyang ito ng pamumuhay at pagsamba nang ‘sama-sama’ ay isang mahalagang bahagi ng pagsasama-sama.

Pagsali sa bagong pamilya

Ang prinsipyong ito ng pagiging bahagi ng bagong pamilya ay kalakip sa pangalang ‘Christadelphian’. Ito ay nangangahulugang ‘mga kapatid kay Cristo’ at ito ay kinuha sa pambungad na salita sa sulat sa Colosas.

“Si Pablo, na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang kapatid nating si Timoteo Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama “ (Colosas 1:1-2)

Kapag ang mga bagong miyembro ay sumali sa mga disipulo ni Jesus pagkatapos ng kanilang bautismo, sila ay malugod na sinasalubong sa pamamagitan ng pormal na pakikipagkamay na tinatawag sa Bibliya bilang ‘right hand of fellowship’. Ginagamit namin ang pakikipagkamay upang ipakita ang aming pagtanggap sa isang bagong kapatid na babae o lalake sa grupo ng mga taong nakikisama sa ibang disipulo dahil sila ay nakibahagi sa parehong paniniwala kay Jesus bilang kanilang tagapagligtas at sa pagdating ng Kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan nito sila ay tinanggap sa espiritwal na pamilya ng mga kapatid na lalake at babae at naging bahagi ng pamilya na ang Panginoong Jesucristo ang pangulo.

Nalaman din natin na ang mga nagbagong-loob ay "nakatuon" sa pagsasamasama na ito. Ito ay napakahalaga sa kanila at ito ay naging sentro ng kanilang buhay.

Sa Bagong Tipan, ang tunay na mga alagad ni Jesus na nabubuhay sa ganitong paraan ay tinawag na 'ecclesia ng Diyos' (Mga Gawa 20:28). Ang 'Ecclesia' ay salitang Griyego na isinalin bilang 'simbahan' sa Bibliyang Ingles. Ito ay nangangahulugang 'yaong mga tinawag'. Ang totoong mga disipulo ay tinawag mula sa kanilang dating buhay upang mapabilang sa pamilya ng Diyos at makisama sa Kanya at sa isa't isa.

Kailangan nating pumili; hindi tayo maaaring magkaroon ng pakikisama (ibahagi ang ating buhay) sa mundo at nagpapanggap na nakkikisama sa Diyos at sa kanyang Anak. Kapag tayo ay nabautismuhan, ang mga pamantayan ay dapat na lubos na naiiba kaysa sa mga hindi naniniwala. Ang mga bagay na naging mahalaga sa atin ay hindi magiging mahalaga sa kanila at hindi tayo maaaring makisama sa kanila. Subalit masusumpungan natin na mayroon tayong mga pagkakapareho sa ating mga bagong kapatid dahil nakikibahagi tayo sa isang interes sa Bibliya at nakikibahagi sa paniniwala sa Ebanghelyo kasama nila. Makakatulong ito upang makabuo tayo ng bagong relasyon at magkaroon pakikisama sa kanila.

Napakahalaga na maunawaan na ang lahat ng pagsasama-sama, kabilang ang relasyon sa bawat isa, ay batay sa relasyon ng mananampalataya sa Diyos.

“Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo” (1 Juan 1:3).

Pagsasama-sama sa ating pang-araw-araw na buhay

Ang pagsasama-sama ay isang paraan ng pamumuhay. Hindi ito nangangahulugan na pagbabahagi lamang ng pagsamba tuwing Linggo at nakakalimutan ang bawat isa sa ibang mga araw. Sa ating mga likas na pamilya, minamahal natin, inaalagaan ang bawat isa, sinusuportahan ang ating mga kapatid at nasisiyahang kasama sila. Ito ay pareho sa ating bago at espirituwal na pamilya. Iniwan ni Jesus ang isang napakahalagang utos sa kanyang mga alagad bago siya naparoon sa krus. Sinabi niya:

“Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:34-35).

Tulad ng pag-aalaga sa ating mga likas na kapatid na lalake at babae at pagmamahal sa kanila, ang mga binautismuhan ay inutusang mahalin at alagaan ang kanilang mga kapatid kay Cristo. Nakikibahagi sila sa kagalakan at kaligayahan na nalalaman na sila’y kasama sa pamilya ng Diyos.

Ang pagsasama-sama samakatuwid ay nagsasangkot sa mapagmahal at nagmamalasakit sa bawat isa. Ito ay nangangahulugan ng paglalaan ng oras sa bawat isa, pagbabasa ng Bibliya nang magkasama at pagbabahagi ng mensahe nito. Ibig sabihin nito ay pagtitiwala ang bawat isa upang maaaring humingi ng tulong kapag may mga problema.

Ang pagsasama ay mahirap na gawain. Kailangan nating matutunang maging bahagi ng isang bagong pamilya - at hindi lamang mabubuhay kasama nila ngunit magmahal at nagmamalasakit sa mga taong maaaring naging estranghero sa atin dati bago ang ating bautismo. Tayo ay pinagsama ng Diyos upang matulungan ang bawat isa sa pagiging alagad. Dapat nating ipagkatiwala sa ating mga kapatid na lalake at babae tungkol sa ating mga damdamin at saloobin.

Dapat nating buksan ang ating mga puso sa kanila kahit na maging napakahina natin sa kanila. Kapah binigo nila tayo o kaya’y tinanggihan, maaaring makaramdam tayo ng sakit at galit sa kanila dahil nagtiwala tayo sa kanila. Kapag naaalala natin na ang Diyos ay nagpapatawad ng maraming beses kapag nabigo tayo, makakatulong ito sa atin na sa pagpapatawad ng ating mga kapatid.

Maaring minsan ay mahirap para sa atin ang sumang-ayon sa isang kapatid. Ang ating likas na pag-uugali ay lalayo tayo upang mawalan ng koneksyon sa kanya at makihalubilo lamang sa ating mga ‘kaibigan’. Ito ay mali, dapat tandaan na ibinigay tayo ng Diyos sa bawat isa at ang pamumuhay sa pakikisama sa bawat kapatid ay bahagi ng paraan ng pagbuo ng Diyos ng ating mga pag-uugali. Kailangan nating matutunang maging mapagparaya, upang tanggapin ang iba at ang kanilang mga pananaw bilang mga kapatid kay Cristo. Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay at magtulungan sa paraang ito. Pinili niya ang bawat isa sa atin; lahat tayo’y mahalaga sa kanya.

Pamumuhay sa pagkakahiwalay

May mga taong naniniwala at nagbautismuhan ngunit walang mga kapatid na nakatira malapit sa kanila kung saan maaari silang magkaroon ng regular na pagsasama-sama. Gayunpaman, dahil miyembro sila ng Pamilya ng Diyos, hindi sila kailanman nag-iisa sapagkat nakikibahagi sila sa mga bagay tungkol sa bagong buhay kasama ang Diyos at ng Kanyang Anak at sila makakaramdam ng presensiya ng Panginoong Jesus sa kanilang buhay.

Mayroong ilang mga praktikal na bagay na tutulong sa mga mananampalataya na nabubuhay nang nakahiwalay kagaya nito.

Mahalaga ang manalangin at magbasa araw-araw ng Bibliya, kahit na ito ay ginagawa ito nang mag-isa. Tuwing Linggo, mas mabuti na sa parehong oras bawat linggo, na sila ay maingat na magtakda ng tinapay at vino upang magputol-putol ng tinapay at uminom sa saro sa pag-alala sa Panginoong Jesus. Kung mahirap itong gawin sa Linggo, maaring pumili ng kahit anong araw.

Ang mga kapatid sa kanilang sariling bansa at sa ibang bansa ay hindi makakalimutan ang kanilang nakahiwalay na mga kapatid bagkus susulatan nila at susubukang bisitahin ang mga ito.

Makakatanggap sila ng mga liham at pagtuturo ng Bibliya mula sa ibang mga kapatid upang tulungan silang tandaan na kahit na sila nakahiwalay sa kanila, bahagi pa rin sila espesyal na pamilya ng Diyos.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page