
Bible Education Center
Digital Library
But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you. (Matt. 6:33)
Ang Diablo

CBM
1. MAYROON NGA BANG SUPERNATURAL NA DIABLO?
Ginawa ng Dios na maliwanag ang isang bagay sa Biblia, “ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko” (Isaiah 46:9). Walang superhumanna makapangyarihan ang makapipigil sa kagustuhan ng Dios. Ang tanyag na opinyon tungkol sa diablo ay hindi totoo. Kung gusto nating alamin ang pinagmulan ng kasamaan, ay dapat natin itong tignan sa ibang paraan.
Ang Biblia ay nag-iiwan sa atin ng walang anomang pagaalinlangan sa kung saan ito dapat na isisisi. Ang tao ay natukso sa kanyang sarili. Pakinggan ang sinabi ni Jesus na anak ng Dios, “ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao.
Sapagka’t sa puso nanggagaling ang masasamang pagiisip, mga pagpatay, mga pangangalunya, pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagsaksi sa di katotohanan, mga pamumusong (Matthew 15:18-19). Pinatutuhanan ni Jesus ang sinabi ng Dios kay Noah noon: “ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata” (Genesis 8:21). Ang sabi sa Jeremiah 17:9, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama”.
Pinatotohanan din ito ni Santiago ang mga kasabihang ito, Hinuha nya, “ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan” (James 1:14, 15).
Pansinin na walang “supernatural” na diablo ang nabanggit sa sipi. Kailangan hindi na tayo lumayo sa ating sarili para makita kung saan galing ang kasamaan.
2. BAKIT TINALAKAY SA BIBLIA ANG TUNGKOL SA DIABLO?
Totoong tinalakay ng Biblia ang tungkol sa diablo na tila may isang tunay na pagkatao. Kailangan nating alalahanin na ang Bibliya ay sagana sa paggamit ng “picture language”. Ito’y nagbibigay ng personalidad sa ibang bagay na hindi mga tao.
Sa kwento ni Cain at Abel, ang dugo ay binigyan ng personalidad. Sa pakikipag-usap kay Cain, sinabi ng Dios: “Anong iyong ginawa? Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa” (Genesis 4:10). Nangyari ulit ito sa karunungan na sinasalita bilang isang babae: “Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan … (sya ay) mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya” (Proverbs 3:13- 15). Sa Matthew 6:24, sinabi mismo ni Jesus ang tungkol sa pera (mammon) bilang isang panginoon. Hindi na tayo dapat na magulat dito. Dahil madalas rin tayong nagsasalita nang katulad nito. Sinasabi natin, “Ang apoy ay mabuting alipin, ngunit masamang panginoon.” Hindi naman talaga tayo naniniwala na ang apoy ay isang tao
Sa ganun din paraan, ang kasamaan at ang kasalanan ay binibigyan din ng katauhan. Nakakatulong ito upang mapagtanto natin kung gaano kalaki, at kapanganib ang kasalanan sa ating kaligtasan. Pinatunayan ito sa pamamagitan ng paghahambing sa dalawang sipi sa Biblia. Ito ay isang “picture language” (wika ng larawan) na ginamit sa Hebrew 2:14: “upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang (Jesus) malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo”. Ano ang Diablo na ito? Ano ang “may paghahari sa kamatayan”? Sinabi sa atin sa Romans 6:23: “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan”. Ang kasalanan ay makapangyarihan at nagdadala ng kamatayan. Ang iyong buhay ay isang patuloy na nakikipagbaka sa kasalanan. Ang kasalanan ang iyong tunay na kaaway, hindi ang supernatural na diablo.
Lalo na sa lumang tipan, ang salitang “satanas” ay madalas ginagamit sa pwersang sumasalungat sa nais ng Dios: ang ibig sabihin ng “satanas” ay “kalaban o kaaway”, ngunit marami dito ay hindi isisalin at nanatili sa salitang Griyego na “satan”. Sa Bagong Tipan, ang salitang Griyego na “diabolos” ay nabanggit nang 38 na beses; at 35 sa mga ito ay naisalin bilang “diablo”. Ang orihinal na kahulugan nito ay “siyang nagpaparatang” o palabintangin. Sa katotohanan, dalawang beses itong isinalin bilang palabintangin, at isang beses bilang mapanirang-puri (slanderer). Sa Titus 2:3 “Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin (diabolos)ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan”. At sa 1 Timothy 3:11, “ang mga babae dapat ay mahuhusay, hindi palabintangin (diabolos).”
Ito sana’y magiging hangal kung ang mga taga-salin ay gumamit ng salitang “diablo” sa alinman sa dalawang sipi. Ang mga “matatandang babae at kristianong babae ay maliwanag na hindi “ang diablo”. Kailangan huwag mong isipin ang larawan ng isang supernatural na diablo kapag mababasa mo ang salitang “diablo”. Iyan ay isang malaking pagkakamali.
Sinabi ni Jesus sa John 6:70: “Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?” Si Hudas ay isang tao at hindi supernatural na diablo. Kung ang mga taga-salin ay nagsabi na “isa sa inyo ay palabintangin”, magiging maliwanag ang kahulugan nito. Si Hudas kalauna’y nagkanulo kay Jesus sa pamamagitan ng halik. Tunay nga na siya ay isang pekeng kaibigan, ngunit hindi siya isang supernatural na diablo.
Kailangan natin saliksiking maingat ang kasulatan para maintindihan kung sino at ano ang diablo. Isiping ang tungkol sa Revelation 2:10, kung saan ang mga mananampalataya sa Smyrna ay sinabihan: “malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan,” Kapanipaniwala ba kung ang diablo ay literal na maglalagay sa mga mananampalataya sa bilanguan? Hindi maaari, sapagkat alam natin na ang mga Romano ang may gawa nito. Ito ay halimbawa ng masamang gawain. Paulit-ulit nating mababasa na ang diablo ay ginamit bilang simbolo ng kasamaan.
Gumagawa ang kasalanan dahil sa gawain ng tao na nananatili sa kanila, na hindi sinunod ang kagustuhan ng Dios. Ang salitang “diablo”, “satanas” at “demonyo” ay hindi tumutukoy sa mortal na manunukso sa orihinal na kahulugan nito. Walang supernatural na manunukso.
3. ANG SUPERNATURAL NA DIABLO BA ANG TUMUTUKSO SAYO PARA MAGKASALA?
Sa mga bagay na isina-alang-alang natin sa ngayon, dapat ang sagot ay “Hindi!” Dapat nating panagutan ang ating mga kasalanan. Nakita na natin na ang masasamang pag-iisip at mga gawain ay galing sa puso (Matthew 15:18, 19). Sinabi ni Pablo, “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga” (Romans 3:23). Sa palagay ba natin, sisisihin tayo ng Dios kung ang pagkakasala ay dahil sa gawa ng supernatural na diablo? Tiyak na hindi.
Tayo ay mortal dahil sa pagsuway ni Adan sa utos ng Dios. Subali’t ang bawat isa ay karapat-dapat sa ating sariling hatol ng kamatayan. Tayong lahat mismo ay umani sa “kabayaran ng kasalanan”. Yaong kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Romans 6:23).
Maaari lamang tayong tulungan ng Dios kung handa tayong tanggapin na tayo ang dapat sisihin sa ating nagawang kasalanan. Saka lang tayo malulugod na sa kabila ng ating kahinaan, handa ang Dios na tayo ay iligtas.
4. PAANO KA MALILIGTAS MULA SA KASALANAN AT KAMATAYAN?
Isa ang sigurado. Hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili. Sinasabi ito ng Biblia nang maliwanag. Gayun pa man, salamat sa awa ng Dios, ikaw ay maaring maligtas. Binigyan tayo ng paraan para makawala sa kasalanan at kamatayan. Sa pamamagitan ng sakripisyo (kamatayan) ni Jesukristo, binuksan ng Dios ang daan sa buhay na walang hanggan. Ikaw ay inaanyayahang makibahagi sa tagumpay ni Jesus sa kasalanan Nabuhay si Jesus nang perpektong buhay at walang kapintasan, at siya’y “namatay dahil sa atin” (1 Thessalonians 5:10). Sa pamamagitan ng iyong pananampalataya kay Jesus bilang iyong Tagapagligtas, ang Dios ay handang patawarin ang iyong mga kasalanan. Sa pamamagitan ng bautismo sa pangalan ni Jesus (Mark 16:16) at sa pagsunod sa kanyang mg utos (John 15:8-13), ikaw ay maaaring maligtas sa kasalanan at kamatayan. Ang pagkabuhay muli sa mga patay at mabuhay ng walang hanggan ay siya mong pag-asa. Si Jesus ay pumarito para alisin ang kasalanan at kamatayan, “ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (Matthew 1:21), at “ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan” (1 Corinthians 15:26).
Hinihiling ng Dios sa’yo, na tanggapin ang iyong responsibilidad, hindi lamang sa iyong kasalanan, kundi pati na rin sa iyong buhay. Hindi mo kailangang katakutan na supernatural na diablong hindi naman totoo. Sa halip ay makinig sa mga salita ng karunungan: “ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao” (Ecclesiates 12:13).
Kung mamumuhay ka ngayon sa ganoong paraan, ang pangunahing pagpapala ng buhay na walang hanggan ay mapapasaiyo, sa muling pagbabalik ni Jesus sa Jerusalem para itatag ang kaharian ng Dios sa lupa: “sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala – ang buhay na magpakailan pa man” (Psalm 133:3).