top of page

Ang Biblia

Ang Biblia

CBM

WALANG anumang libro ang maikukumpara sa Biblia. Apat-na-pung iba’t ibang manunulat ang ginamit–ang ilan ay mga hari, mga propeta, mga pari, mga pinuno, mga doktor, mga mangingisda o mga pastol. Isinulat nila ito sa panahong mahigit 1600 na taon.

Ito ay natatangi. Ito ay ang SALITA NG DIOS.

“Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.”

(2 Peter 1:20, 21)

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios.”

(2 Timothy 3:16)

Ang Biblia ay hindi isang ordinaryong libro; ito ay hindi naglalaman ng mga ideya ng tao. Ang Dios na Siyang nagsasalita sa atin. Simulan mo ang pagbabasa ng Biblia, ngayon.

BAKIT MO BABASAHIN ANG BIBLIA?

Sa Biblia lamang matatagpuan kung ano ang katulad ng Dios. Basahin ang ilan sa mga bersikulo. Mapakikinggan mo ang Dios na nagkikipag-usap sa iyo.

Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.”

(Psalm 86:5)

“At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.”

(Genesis 1:31)

“Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon; nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.

(Psalm 115:16)

“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.”

(Exodus 20:33)

“Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.”

(Psalm 34:16)

Ilan ang mga katunayan ang sinalita ng Dios sa iyo tungkol sa Kanyang sarili sa mga bersikulong ito?

ANG BIBLIA AY NAGBIBIGAY SA ATIN NG LAYUNIN SA ATING BUHAY

Habang nagbabasa tayo ay nakikinig tayo sa Dios. Natututunan natin ang mga nais ng Dios na gawin natin. Natututunan natin kung paano natin gawing sulit ang bawat araw.

“Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa.”

(Psalm 119:105)

“Ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo. Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan … sa iyong ikabubuti?”

(Deuteronomy 10:12, 13)

Hinihiling natin sa Dios na tulungan tayo sa bawat araw.

“…huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama.”

(Matthew 6:13)


Ang Lumang Tipan ay unang isinulat sa Hebreo sa mga balumbon (scrolls)

ANG BIBLIA AY LAGING NAGBIBIGAY NG PAREHONG MENSAHE

Habang binabasa mo ng paunti-unti ang Biblia araw-araw, makikita mong nais ng Dios na tayo’y sumunod sa Kanya.

Mayroon tayong gabay sa Lumang Tipan, sa Exodus 20:1-17, na madalas tawaging ang Sampung Utos. Ang kaparehong gabay ay makikita rin sa Bagong Tipan, ang halimbawa ay sa Matthew 5:21-48.

Upang kalugdan ng Dios sinusubukan nating sundin ang mga gabay na ito. Habang nagbabasa ka pa tungkol sa buhay ng mga tao sa Biblia, nakikita mong lagi silang nahihirapan sa pagsunod sa Dios.

Si Jesus na Anak ng Dios ang tanging taong sumunod sa Dios sa lahat ng paraan. Naunawaan ni Jesus ang parehong mensahe. Naalala nya:

“Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawa't bagay na nagmumula sa bibig ng Panginoon.”

(Deuteronomy 8:3)

“Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka.”

(Deuteronomy 6:13)

Basahin ang Matthew kapitulo 4 upang makita kung paano sinunod ni Jesus ang mga utos na ito.

ANG NAKARAANG KASAYSAYAN AY NAGPAPAKITA NA ANG BIBLIA AY MAPAGKAKATIWALAAN

Bumaling si Jesus sa mga propesiya tungkol sa kanyang sarili:

“At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.”

(Luke 24:27)

Ang lahat ng ito ay naisakatuparan. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga propesiya sa Biblia na napatunayang totoo:

Tingnan sa Jeremiah 51:37 at Isaiah 13 at 14. Ano ang nagyari sa Babylonia? – ito ay nangyari.

· Basahin ang Ezekiel 26:4, 5, 12, at 14. Ano ang magyayari sa bayan ng Tiro? Ito ay isa pang propesiya na natupad.

· Ang Deutoronomy 28:64-65 ay nagsasabi sa atin tungkol sa bayan ng Israel. Sila’y susuguin sa bawat sulok ng mundo. Siguradong ang bayan ng Israel, ang mga Hudyo, ay matatagpuan sa alinmang dako ng mundo ngayon.

· Sinabi ng Dios na ibabalik Niyang muli ang mga Hudyo sa Israel: “aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin” (Jeremiah 30:3). Ngayon ay makikita na natin ang mga Hudyo sa kanilang sariling lupain – isa pang propesiya na natupad.

Ang Biblia ay hindi lamang nagsasabi ng tungkol sa nakaraan, kundi maging ng hinaharap.Alam natin na ang mga binanggit sa nakaraan ay totoong nagyari. Ang mga propesiya sa Biblia ay natupad. Kaya’t naniniwala tayo nang may tiwala sa kung ano ang sinasabi ng Dios tungkol sa hinaharap.

Ang Dios ay hindi kailanman nagsisinungaling. Sinasabi Niya ang tungkol sa tunay na lugar, tunay na tao, at ang mga bayan sa ngayon. Ang Biblia ay tunay!

ANG BIBLIA AY NAGSASALITA TUNGKOL SA MGA PANGYAYARI SA HINAHARAP

Sinasabi sa atin ng Dios na ang mga bagay na ito ay magaganap:

· Hindi Niya pahihintulutan ang masamang mundo na magpatuloy magpakailanman. (2Peter 3:10)

· Kanyang susuguin ang Kanyang Anak, si Jescristo, pabalik sa lupa upang ipaghukom ang sangkatauhan. (Acts 17:31)

· Gagawin Niyang hari ng buong mundo si Jesus. (Psalm 2)

· Ang lahat ng hindi magsisitalima sa hari ay wawasakin. (2Thessalonians 1:8)

· Ang lahat ng naging taga-sunod ni Jesus at naghihintay sa kanyang pagbabalik ay mabibigyan ng lugar sa Kaharian ng Dios. (Romans 2:6)

· Ito’y magiging kaharian ng kapayapaan at kasiyahan na may saganang pagkain para sa lahat. (Psalm 72)

Ang Biblia lamang ang magsasabi sa iyo ng lahat ng bagay na ito at ang tungkol sa plano ng Dios para sa lupa.

Basahin mo ngayon ang Biblia para sa iyong sarili upang lalong matuklasan ang tungkol sa iyong hinaharap. Dito mo mahahanap kung paano ka magkakaroon ng bahagi sa kapayapaan at mga pagpapala ng kaharian ng Dios. Maaari kang makarating doon. Manalangin ka na ang Dios ang pumatnubay sa iyo habang ikaw ay nagbabasa at natututo.

© 2020 by becphilippines

Contact Us

Thanks for submitting!

bottom of page